Chapter 1

1788 Words
"Jill, pa-serve, please. Table 3!" Tawag ng isang tinig sa akin habang nagku-kuskos ako ng maruming mesa. "Okay!" Tugon ko. Minadali ko ang pagpunas sa mesa saka na lumakad palapit sa counter. Kinuha ko ang tray na naka-pending kung saan may tatlong kape, dalawang doughnut at isang blueberry cheesecake. Agad ko itong inihatid sa table number three kung saan naghihintay ang mga costumer. "Thanks!" Sabi no'ng babae kaya ngumiti ako sa kanya saka na bumalik sa counter at sumandal. Pinanood ko ang mga costumer na nandito ngayon. May iba na nagku-kwentuhan kasama ang mga kaibigan nila. Iyong iba naman ay nakaharap sa laptop, at 'yong iba ay nagbabasa. Medyo madaming mga costumer ngayon dahil linggo. Pero mas maraming costumer kapag may pasok dahil sa mga estudyanteng tumatambay dito. "Pagod ka na, 'no?" Lumingon ako sa nagtanong -- si Leah na kasamahan ko dito sa Coffee shop. Ngumiti ako sa kanya saka umiling. "Bakit kasi nag-pa-part time ka pa? Ang yaman niyo naman, eh." "Hindi na ba pwedeng mag-part time 'yong mga tulad ko, Lei?" Tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ganoon. Pero, sigurado naman ako na kaya mong tutustusan 'yong pangangailan mo. Bakit pinapagod mo pa ang sarili mo dito? Kakarampot lang naman 'yong sahod mo." Pahayag nito saka bahagyang bumusangot. Bakit nga ba? Dahil sa tuwing nababakante ang utak ko ay bumabalik ang isip ko sa mga panahon na ipinagtulakan ko siya palayo? Noong mga panahon na ang lakas ng loob ko na sabihin na mahal ko siya, pero hindi ko napanindigan? Ni hindi ko man lang siya kayang ipaglaban sa pamilya ko? Ngumiti ako nang mapait. "At least, pinagpaguran ko naman. Pandagdag din sa allowance ko 'yon." Sagot ko saka ngumiti. Ganito 'yong naging routine ng buhay ko simula no'ng bitawan ko siya. Nag-aaral ako sa umaga at nagta-trabaho sa gabi. Twenty-four hours kasi itong Coffee Shop at halos mga working students lang din ang mga nagta-trabaho dito. Ang galing nga, eh. Mas priority daw no'ng Management ang mga estudyante'ng gustong mag-trabaho. Pero 'pag Saturdays lang ako fulltime na nagta-trabaho dito. Minsan din ay pumapasok ako ng linggo kapag kulang ang tao dito sa shop. Halos hindi na din ako nakakasama sa mga kaibigan ko sa tuwing may lakad sila. Nakakasama ko na lang sila sa University, at minsan ay pinupuntahan din nila ako dito. Minsan din ay hindi nila naiiwasan na mabanggit ang pangalan niya sa harapan ko. At inaamin ko na hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako sa naging desisyon ko. Pero hindi ko na mababawi iyon dahil alam kong masaya na talaga siya ngayon. Noong sumuko ako, sumuko na din siya. And I deserved all the pain. Dahil sa tuwing naaalala ko 'yong mukha niya habang umiiyak at nagmamaka-awa, pakiramdam ko ay ang sama-sama kong tao. Madalang na lang din akong umuwi sa bahay dahil nahihiya ako sa mga magulang ko. Pinili kong mangupahan na lang kasama no'ng isa kong ka-trabaho. Hindi naman sa nagre-rebelde ako -- nahihiya lang talaga ako sa mga magulang ko. Hindi naman lumabas iyong balita tungkol sa amin at kami-kami pa lang din naman ang nakakaalam hanggang ngayon. Naibalik na din ang Arguelles kay Daddy. At alam kong darating 'yong araw na magiging maayos din ako. "Sabagay. Pero malapit na 'yong bakasyon, Jill. Wala ka bang planong mag-break muna from this Coffee shop? Almost two years ka na din dito." "I don't know. Hindi ko pa naisip 'yan." Ngiti ko sa kanya. Two years. Ang tagal na din pala. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. At sa totoo lang, ayoko na din siyang makita dahil alam ko sa sarili ko na wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi ko din kasi alam kung makakaya ko ba na makita ko siyang masaya. Wala na din akong masyadong balita sa kanya kung hindi ang masaya na siya sa America. Nakakasigurado na ako na tuluyan na niya akong natanggal sa sistema niya. Nakakatawang isipin na ako 'yong may gusto sa ganito, pero ako 'yong sobrang nahihirapan ngayon. Ako 'yong nagigising sa kalagitnaan ng gabi at tutulala na lang sa kung saan hanggang sa maramdaman ko 'yong mga luha sa pisngi ko. "Nandiyan na naman 'yong gwapo mong boyfriend," bulong sa akin ni Leah. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya. Ngumuso naman ito kaya sinundan ko iyon nang tingin. Napangiti ako nang makita ko si Alfred na nakaupo malapit sa glass door nitong shop. Ngumiti din ito sa akin saka kumaway. "He isn't my boyfriend, Lei. We're just friends." Paglilinaw ko habang nakangiti. Because that's the truth. Umirap naman ito sa akin saka ako tinulak. "Mag-out ka na. Sobra na 'yong O.T mo!" Natatawang sabi nito. Tumingin ako sa oras saka tumango sakanya at naglakad palapit sa mesa kung nasaan si Alfred. "Out lang ako," paalam ko sa kanya. "Okay. May dala akong pagkain. Hintayin kita sa labas." Tumango ako. Lumakad ako tungo sa locker room saka tinanggal ang apron na suot ko. Nag-out na din ako sa biometric saka kinuha ang mga gamit ko. Hanggang 3PM lang talaga dapat ako dahil rest day ko talaga ngayon, pero dahil absent 'yong isa, ako 'yong pumasok. At OT ako ng dalawang oras. "Bye, guys!" Paalam ko sa mga kasamahan ko. "Bye, Jill!" "Ingat!" Halos sabay-sabay sabi ng mga nasa counter. "Anong pagkain 'yong dinala mo ngayon?" Nakangiti kong tanong kay Alfred nang makalabas na kami. Sabay kaming naglakad tungo sa sasakyan niya. Araw-araw na niya akong dinadalhan ng pagkain mula noong mag-umpisa akong mag-trabaho sa shop. Naging gawain na niya iyon kahit na binabawalan ko siya. Pero, ang kulit niya kaya hinayaan ko na lang. Minsan ay nahihiya na talaga ako sa kanya, pero hindi naman niya ipinaparamdam sa akin iyon. Binabayaran ko naman siya, ayaw naman niyang kunin. Siya na 'yong naging sandalan ko sa loob ng dalawang taon bukod sa mga kaibigan ko, kaya akala ng mga kasamahan ko ay boyfriend ko siya. At hindi pa naman ako ganoon kamanhid para hindi maramdaman na may iba siyang intensyon kaya niya ginagawa ito. Ilang beses na ba siyang umamin sa akin? Ilang beses ko na din ba siyang hinindian? Pero hanggang ngayon, nandito pa din siya. Parang lalo lang nga kaming naging malapit sa isa't isa, eh. O sa tingin ko lang? "Sipo egg tsaka menudo. Wala na daw 'yong favorite mong sinigang sa hipon sabi ni Aling Susan, eh." Apologetic na tugon nito sabay kibit-balikat. "Okay lang! Masarap naman 'yan. Anong oras nga pala ang duty mo ngayon? Hindi ka ba mali-late?" Tanong ko nang maalala ko. Nagta-trabaho na siya sa hospital. Masyado siyang matalino kaya agad siyang pumasa sa board exam niya. One take lang yon. "It's a Sunday, Lian. Bukas pa ako papasok." Natatawang tugon nito. Tinampal ko ang noo ko gamit ang palad ko. "Oo nga pala!" Pinatunog niya ang sasakyan niya nang makalapit na kami. Agad niyang binuksan ang passenger's seat saka kinuha ang isang paper bag at ini-abot sa akin. Mabilis ko iyong kinuha at agad na binuksan. Inilabas ko din ang tatlong styrofoam mula sa loob. Isang Sipo Egg, Menudo at Kanin. Sure, ito na 'yong dinner ko. "Hindi ka ba uuwi sa inyo?" Tanong nito habang nakatingin sa mukha ko. Muli kong isinarado ang mga styro saka ibinalik sa paper bag. "Nope. Baka ma-late ako bukas kapag umuwi pa ako ngayon." Ngumiti ako sa kanya. Mapapalayo lang kasi ako kapag umuwi pa ako sa bahay. Wala din naman akong sasakyan para gamitin kaya sigurado akong magko-commute lang ako bukas at traffic. Hindi naman ako puwedeng magpahatid sa mga driver namin dahil kailangan sila ni Daddy at Mommy. Hindi din pwede kay Kuya dahil busy na 'yon sa company. Ibinenta ko na kasi 'yong sasakyan ko para may pang-enroll ako noon. Hindi naman sa hindi na tinutustusan ng mga magulang ko ang tuition fee ko. Pandagdag na din sa gastusin ni Daddy para sa mga empleyadong hindi niya na-suwelduhan noon kaya 'yong sasakyan ko na lang ang isinakripisyo ko. Minsan ay inihahatid ako ni Alfred sa apartment o kaya ay sa bahay. Kilala naman siya ng mga magulang ko -- lalo na si Mommy. Well, as my friend. "Are you okay, Jillian?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Alfred. "I am," tugon ko. "Bakit mo naitanong?" Pumikit ito saka umiling. Hinampas ko ang braso niya na ikinatawa niya. "Ang bigat ng kamay mo!" Natatawa pa ding sabi nito. "Luh! Hindi ka nga nasaktan, eh!" Irap ko sa kanya saka na pumasok sa loob ng sasakyan. Sinarado niya ang pinto saka umikot tungo sa kabilang side. "Night shift ka pa din bukas?" Tanong nito nang makasakay na siya. Tumango ako. "Fixed ako sa night shift, remember?" Sagot ko habang nakatingin sa kanya. Sumulyap ito saglit sa akin saka tumango habang bumabyahe kami. "Red. . . bakit hindi ka pa mag-girlfriend? Gwapo ka, matalino, mabait at—" "Eh, bakit hindi mo ako magustuhan?" Pagputol nito sa sinasabi ko na hindi man lang ako nililingon. Umawang ang bibig ko at lumagapak ang mga mata ko sa mga daliri ko. My question betrayed me. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Just kidding, Lian. Mag-gi-girlfriend ako kapag nagka-boyfriend ka na." Aniya saka ngumiti sa akin. "I like you, Red. Really. But. . ." "I know, Jillian. It's not enough. And it's okay. I understand. Alam ko na kung saan ito pupunta. Hindi kita pinipilit na magustuhan ako. Huwag mo din sana akong pilitin na tigilan 'to." Dire-diretsong pahayag nito saka umiling. Bumuntong-hininga ako. "Thank you, Red. And I'm sorry. You're investing too much in me pero hindi—" "Oh, enough!" Humalakhak ito saka inihinto ang sasakyan sa tapat ng apartment. "Let me at least do this, Lian. Habang pareho pa tayong single. Malay ba natin kung biglang mag-iba ang ihip ng hangin, 'di ba? And besides, your Mom really likes me for you." Aniya saka kumindat. Hindi ako kumibo at ngumiti na lang. Sa oras na may magustuhan siyang iba, hindi ko siya pipigilan. Ano ba ang karapatan ko? "Thank you. Ingat ka pauwi!" Sabi ko makaraan ang ilang minutong pakikiramdaman namin sa isa't isa. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan saka na sana bababa, pero napahinto ako nang magsalita siya. "Move on, Jillian." Sabi nito sa seryosong tinig habang nakatingin sa unahan. Ngumiti ako sa kanya saka tumango. "I'm still in the process." Amin ko saka nagkibit ng balikat. For two years, nasa proseso pa din ako ng pag-mo-move on. At alam kong makaka-move on ako. I will get over him. Kung siya nga na iniwan ko, masaya na ngayon. Ako pa kaya na nang-iwan? Muli akong ngumiti kay Alfred saka na tuluyang bumaba. Kumaway ako sa kanya bago isarado ang pintuan ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD