Nang matapos naming ayusin ang gamit namin sa loob ng bahay kung saan kami mags-stay ay nag-aya ng lumabas ang iba. Kasama namin ang ibang pinsan ni Ari at 'yong iba naman ay sa kabila. Malaki ang bahay ngunit hindi naman kami magkakasyang lahat. May walong kwarto at dalawa katao sa bawat room. Kasama ko si Trisha sa kwarto na hindi na bago dahil kaming dalawa naman talaga ang laging magkasama kapag ganito. Tumungo kami sa may pool dahil nandito na silang lahat. May mga nakababad na at ang iba naman ay ginustong uminom ng alak. Kumaway sa akin si Rio nang makita niya ako. Mukha naman silang mababait na magpipinsan at nakakausap naman nila ang mga pinsan ni ate Cath. Hindi ko lang alam kay Mishari kung ano ang problema niya kanina. "Kuha lang ako ng pag kain." Paalam ni Trisha saka na na