Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi kagabi dahil lutang na lutang ako. Basta ang alam ko ay iniwan ko doon si Mishari sa lugar kung saan kami nag-usap. Masyadong naging magulo ang isip ko. At isa lang ang solusyon na pwede kong gawin: ang lumayo sakanya. Ayoko nang maulit pa ang ganoong klase ng eksena sa aming dalawa dahil natatakot ako na baka sa susunod ay hindi ko na siya maitulak. Pero mali -- mali ang mag-isip ng gano'n dahil may girlfriend na siya at alam kong mahal nila ang isa't isa. Siguro ay dala lamang ng alak kaya niya nagawa 'yong bagay na 'yon. He doesn't missed me. He just missed the memories. Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga. Hindi ako nakapasok ngayon sa coffee shop nang dahil sa nangyaring iyon. Tuluyan nang madudungisan ang maganda kong record na iniingatan ko