Halos buong maghapon akong nakakulong sa kwarto at hindi na muling bumalik sa pool kung nasaan ang mga kasama ko. Natatakot akong makita si Mishari pagkatapos no'ng nakaka-nerbyos na eksena kanina. At talagang kailangan pa na may witness kami sa gano'ng tagpo. Nakakahiya at nakakainis! Nagtanong si Trisha kung bakit ganoon ang inasal ni Mishari kanina at kung ano ang tinatanong niya patungkol sa sinabi ni Grace ngunit hindi ko pa din sinabi. Mas mabuting sarilinin ko nalang ang tungkol doon kaysa sa may makaalam. "Trish, Jill, dinner time!" Tawag ni Jam mula sa labas ng kwarto pagkatapos kumatok. "Susunod kami!" Tugon ko. Wala na akong narinig pa mula sakanya. Ginising ko ang mahimbing na natutulog na si Trisha at pagkaraan naman ng ilang segundong pagyuyugyog ko sa balikat niya ay nag