Mabilis kong nilapitan si Jeric sa pwesto niya nang makaalis na si Mishari. Hindi ko na din siya hinayaang makababa pa kahit na gusto niya. Balak pa nga niyang hintayin na makapasok kami sa loob ng building bago siya umalis ngunit pinalayas ko na. "Akala ko ba, hindi ka niya ihahatid?" Tanong sa akin ni Jeric habang may pang-aasar sa mga labi. "Makulit, eh," tugon ko. "Pasok na tayo?" Bahagya kong itinaas ang sleeve ng suot ko para tingnan ang oras sa wrist watch at nakitang mag-e-eight pa lang. Siguro, alas otso ang pasok ng mga regular employee nitong company na 'to dahil may mga pumapasok na sa loob ng building. 'Yong iba nga ay mga nagmamadali pa. "Let's go! Para kung sakali man na may aberya, kaagad tayong makagawa ng paraan." Mahina akong natawa saka na lang tumango. Tama nga na