Lumilipad ang utak ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo at nagsasalita sa harapan. Binibigyan niya kami ng kaunting kaalaman tungkol sa history ng company at kung sino ang may-ari nito. Sinabi din niya kung paano ang kalakaran dito sa kumpanyang ito. Head ang babae sa HR department at siya din ang magsisilbing supervisor naming mga trainee. Iba din 'yong magsu-supervise at magmo-monitor sa amin sa loob ng department kung saan kami maa-assign at iba din 'yong magti-train sa amin do'n. Gusto ko mang i-focus ang buong atensiyon ko sa kaniya subalit hindi ko magawa. Sumasagi sa isip ko ang mga text ni Mishari kay Jeric. Sinubukan ko nga siyang tawagan kanina ngunit hindi ko na nagawa dahil pumasok ang supervisor namin at pinatago na niya ang mga phone. May kasungitan pa man din ang hits