Nang makarating kami sa Night Life ay naglakad nalang kami tungo sa Sky Trax. Tumutugtog ang Faded remix sa background. Ngumuso sa akin si Alfred at humawak sa isang tenga niya. Bahagya akong natawa. Agad na hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila mahanap dahil medyo madaming tao. Dahil siguro bakasyon ay lalong dumami ang mga pumupunta dito sa Night Life. "Happy birthday again, Jay!" Masayang bati ko nang makalapit kami sa table kung nasaan ang mga kaibigan ni Alfred. "Wala akong gift sayo!" Dagdag ko pa. "Ayos lang! Your presence is enough." Kindat niya. Natawa ako ng hinampas ni Alfred ang suot na ballcap ni Jay. Ipinakilala nila ako sa mga kasama nilang babae. Akala nilang lahat ay girlfriend ako ni Alfred. Well, hindi na bago sa akin iyon dahil lagi naman nil