Mukha akong tanga habang nakatingin sa baso na nasa mesa. Iyon ang sabi ni Cecille sa akin na naghuhugas ng mga plato kapag napapalingon siya sa akin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din 'yong nangyari sa gym kahit na dalawang araw na ang lumipas. Siguro ay talagang maaapektuhan pa din niya ako dahil nag-uumpisa pa lang naman akong mag-move on sakanya. Dadating din siguro 'yong time na hindi ako apektado sakanya at kaya ko nang humiyaw doon dahil wala na akong nararamdaman. Natalo nina Alfred sina Mishari pero hindi naman sila nadismaya. Tumatawa pa silang lahat noon at sinasabing pinagbigyan lang sila. At ang buong akala ko ay matutuwa si Alfred dahil nangyari ang gusto niya ngunit hindi pa din siya natuwa. At kahit hindi niya sinasabi, alam kong nainis siya kay Mishari. Dahil siguro n