Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ngunit alam ko kung anong meron dito. At hindi iyon tama -- hindi na naman tama. Pamilyar na pamilyar ako sa ganitong eksena. At ayoko nang maulit pang muli iyon dahil alam ko kung saan ang kahahantungan naming dalawa. "Jill, I'm sorry!" Pagbasag niya sa katahimikan na namayani sa aming dalawa. Nilingon ko siya. Nakahilig ang magkabilang kamay niya sa steering wheel at nakapatong ang baba niya sa mga ito. I don't know why he's sorry. Binabawi na ba niya 'yong sinabi niya kanina dahil nabigla lang siya? O baka hindi totoo? O baka na-realize niya na hindi naman talaga? Pero okay lang. I knew it. "No, it's okay. I know you're really in love with Laureen. Pakibalik na ako sa Night Life, pl