"Jill!" Isang matinis na sigaw ng isang boses sa pangalan ko ang narinig ko pagbaba na pagbaba ko ng sasakyan. Agad na hinahanap ng mga mata ko iyon at nakita ang mga kaklase ko sa may entrance na halatang hinihintay ako. Malapad akong ngumiti kay Jeric na kasama si Aicel at Jozelle. Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan nila. "Missed you, guys!" Wika ko sabay yakap sa kanilang tatlo. "Missed you more, girl! How was your vacation?" Tanong ni Aicel habang naglalakad kami papasok ng university. How was it, really? Hindi ko alam. Noong una, masaya. But then... I don't know anymore. "Okay lang. Kayo ba?" Balik tanong ko. "Ayos lang din naman..." pakantang sagot ni Jeric. "Pero nakabakasyon pa din 'yong isip ko hanggang ngayon." Lumungkot ang tinig nito. "I feel you! Kailangan ko pa tul