Ilang araw na mula nang makauwi kami galing doon sa 'outing' namin kasama no'ng mga pinsan ni Geoff at mga pinsan ni Ate Cath. She was happy cause it went well according to her plans. Well, wala siguro siyang ideya tungkol sa kapatid niya at kay Rio. Hindi ko na din naibigay kay Rio 'yong phone number ko na hinihingi niya dahil nakalimutan ko. Pero magkikita pa din naman kami sa mga wedding rehearsals ni Ate Cath. Bumalik na din ulit ako sa pagta-trabaho at laking pasasalamat ko dahil may binalikan pa ako kahit ilang araw akong hindi nakapasok. May mga lakad din ang mga kaibigan ko ngunit hindi na ako sumasama. Hinayaan na naman nila akong magtrabaho at hindi na nila ako kinukulit. Nabalitaan ko din na umalis na si Laureen sa bahay nina Ari. Bumisita na daw siya sa mga relatives niya a