Tulala akong nakatingin sa isang packet ng contraceptive pill na hawak ko habang nakaupo sa harapan ng mesa. Sa tanang buhay ko ay hindi ko naisip na gagamit ako ng ganito; pero heto ako ngayon at hawak ang isa. Tapos na din akong magpa-check sa gynecologist kanina at hindi na pumasok sa school dahil atat si Jamayma Gutierrez. Tinawagan lang niya ako kaninang umaga at sinabing napa-schedule na niya ako ng 10:30a.m kay Dra. Contreras. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung ngayon ko na ba gustong magpa-check-up do'n o hindi. Pero at least, tapos na. Hindi din siya pumasok at mas ginustong samahan ako kaya sobrang thankful ako sa babaeng iyon. Medyo na-windang lang ako sa mga tanong ni Dra. Contreras. Hindi man lang ako nagawang i-briefing muna ni Jam tungkol do'n. And the doctor's quest