"Are you sure na sasakay tayo ng bump car?" Paniniguro ni Kathleen kay Jakob. Iyon ang una nilang sasakyan pagdating pa lang nila ng amusement place sa isang mall. "Bakit hindi?" Tumingkayad siya para bulungan ito. "Baka hindi na tayo magkasya. Ang laki ko na, eh." Natawa ang binatilyo sa sinabi niya. "Kakasya 'yan...sexy naman 'tong kasama mo, eh. Kung hindi, eh di kandungin mo na lang ako." "Baliw!" Saka ito tinampal sa braso. "Gosh, baka bumigay ang bump car kapag sumakay siya. Kawawa naman ang may-ari nitong amusement park. Malulugi sa kaniya." Narinig nilang wika ng katabi nilang babae. Obviously, siya ang pinaparinggan nito. "Oo nga, eh. Saka feeling maganda...porke't guwapo lang 'yong kasama, eh. Baboy naman." Nahihiya na lang na yumuko si Kathleen. Bago pa man niya namalay