Bago umuwi nong araw na 'yon ay dumaan muna sila ni Jakob sa favorite nilang food chain para kumain. Ito ang nag-volunteer na umorder ng pagkain nila at naghanap na lang ng mapagpupuwestuhan ang dalagita. Nang makaupo ay wala sa sariling kinapa ni Kathleen ang mga labing nahalikan ng kaniyang sariling bestfriend. Her face was suddenly burnt as she remembered those kiss that only lasted for a couple of seconds. That was her first kiss! Naalala pa niya kung paano tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo kanina. Para siyang nahilo na hindi niya maipaliwanag. "G-ganon ba talaga ang feeling ng first kiss?" Wala sa loob na kausap niya sa sarili. "Kath..." namula ang kaniyang pisngi nang marinig ang boses ni Jakob mula sa kaniyang likuran. OMG, narinig kaya niya ako? "K-kanina ka pa ba diya