Pagkagaling ng canteen ay dumiretso si Kathleen sa football field para panoorin ang training nina Jakob. Sa bungad pa lang ay nakasalubong na niya si Vaughn. "Hi, Kathleen Grace!" "Hello, Vaughn." Pupuntahan mo ba siJakob?" "Oo. Baka kasi magtampo kapag hindi ko napanood." Anang dalagita. "Sabay na tayo." Nangingislap ang mga matang wika ni Vaughn bago tumingin sa dala niyang bag. "Tulungan na kita diyan." Pag-aalok nito. "Mukha ba akong nangangailangan ng tulong?" Biro niya. "But I insist..." Kinulit siya ng kinulit ni Vaughn kaya hindi na niya ito natanggihan. Pagdating nila ng field ay saktong pinagpahinga ng kanilang coach sina Jakob. Napangiti ito nang makita siya pero ngiting kaagad ding nabura nang mapatingin kay Vaughn. Malalaki ang mga hakbang na sinalubong sila nito. "