DIANE POV Nagtanggal si Doc Alvin ng kanyang salamin. Para siyang nagulat sa nangyari. Nagtataka ako, ang sabi sa akin ni Denver, okay na raw ang lahat. Pero sa mga nakikita ko, ngayon lamang sila mag uusap dalawa tungkol rito. "Pero... ayaw kong matanggalan ng lisensya!" "Come on! Sa tingin mo, sino ang magtatangkang magsumbong sa ating tatlo rito?" "Masyadong makapangyarihan ang papa mo. Natitiyak ako na kayang kaya niya akong patalsikin sa pwesto ko." Kahit na malamig ang aircon, pawis na pawis si Doc Alvin. Siguro naman maging ako ang nasa kalagayan niya, matatakot din ako para sa sarili ko dahil mahirap gumawa ng isang maling bagay. "20 million Doc Alvin! Siguro naman ay sobra sobra na ang offer kong iyan para mapapayag na kita sa gusto kong mangyari?" sambit ni Denver, may hal