DIANE POV Natatawa ako kasi ganito pala mapikon itong si Denver. Halos mamutla ang pisngi niya at parang mas mainit pa siya sa kumukulong takuri sa pagiging pikon. "Bakit ko babawiin ang sinabi ko sayo? Eh ikaw nga palagi mo na lang akong tinutukso na isa akong probinsyana? At tsaka yung maliit naman na tinutukoy ko sayo ay yung pasensya mo eh!" Ikinuyom niya ang kanyang kamao at nagulat na lamang ako ng suntukin niya ang lamesa. Hindi lamang isang beses kung di dalawa. Halos masira nga ang mesa at dumugo ang kamay niya dulot ng kanyang ginawa. Dito, napatigil na akong bigla dahil nakakatakot na siyang tingnan. "Sabi ko sayo, hindi ako isang bakla! At tsaka kahit naman sabihin mo na pasensya ko ang tinutukoy mo kanina, iba pa rin ang iisipin ni papa at Uncle. Para sabihin ko sayo, ce