DIANE POV Napatingin na lamang sa akin si Denver. Halatang hindi niya inaasahan ang isang bagay kagaya nito na manggagaling sa bibig ko. "Hahahaha!" ang malakas na tawa ng papa ni Denver. Tiningnan niya ako ng masama bigla, "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ha?" "I mean... maliit yung pasensya mo kasi kaunting bagay lang nagagalit ka pa!" pagdadahilan ko pa sa kanya. "Anak bakit ka naman gayan kay Dianne ha?" sambit ng papa niya. Gusto ko nga sanang sabihin sa kanya na hindi man lang ako ginalaw ng anak niya at nagpapakitang tao lamang ito. "Dad siya nga po pala? Di ba mayroon po tayong lunch ngayong araw?" pag iba niya ng topic. "Oo! Mayroon tayong lunch ngayong araw kasama ang tito ni Diane. At siya nga pala, ang kasunduan kasi naming dalawa, kailangan mabuntis ni Dian