Kabanata 04: What Kind Of Pain?

1850 Words
Marimar Oquendo's Point Of View At the age of eighteen, I already loss my family. I could still remember how much painful it is back then. Halos mabaliw ako't mawala sa katinuan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko matapos mangyari 'yon. Naaalala ko pa kung paanong tila nagagalit ang apoy na nasa harap ko't patuloy pa rin na lumiliyab at tila ba ayaw akong papasukin sa loob ng kalye namin. Yes... it was painful, the most painful and traumatic day of my life. Seven years ago... "Gising na Mara!" Ang malakas na boses ni mama ang gumigising sa akin bawat umaga na kay sarap pang matulog. I could still remember how she used to tap my cheek every morning. Tipong kulang nalang ay sampalin niya na ako, magising lang ako. "Nako, jusmiyo Marimar! Bumangon ka na diyan nak, alas ocho na!" Rinig ko pang paguulit niya. Eh shempre, nang marinig ko ang oras ay mabilis pa sa alas cuatro na akong napabangon. Jusko! Late na late na ako! Daig ko pa si Flash sa sobrang bilis ng kilos ko. Yung ligo ko na dapat ay atleast ten minutes, naging five minutes nalang! Agad na akong nagbihis at pumunta sa maliit naming kusina na nasa kabilang dulo lang ng kaperehang silid ng salas namin. "Ayan kasi, ang lakas-lakas mag puyat tas di naman pala kayang gumising ng maaga." Kumunot ang noo ko dahil sa kapatid kong nasa katapat kong upuan at may nanunudyong ngiti sa labi. Kumakain na rin siya at aba! Hindi pa yata naka-ligo ang loko. "Nag-salita ang hindi na naman papasok." pang-aasar ko rin na ikinatawa ng kapatid ko. "Wala si ma'am eh." sabi niya bago humigop sa kape niya. "Tanungin mo kung bakit." Tinaasan ko naman siya ng kilay bago ako sumubo ng pagkain. "Bakit?" "Basa pa panty ni ma'am!" malakas na sabi niya pa bago humahagikhik. Natawa na rin naman ako dahil sa sagot niya. "Loko ka!" Pareha kaming tumatawa nang bigla nalang hilahin ni mama ang patilya niya. "Arayyy!" malakas na sigaw ng loko. "Hoy Dominador Silvano Oquendo! Diyan ka magaling, sa kalokohan. Aba, bilisan mo diyan at maligo ka na—baka gusto mong ihatid pa kita sa school mo, ha?" Napahagalpak na ako ng tawa dahil sa sinabi ni mama. Kunot ang noo niya pero alam kong hindi siya galit. Because that's the kind of person she is, hindi basta-bastang nagagalit sa maliliit na bagay at mahaba ang pasensya. Alam ko rin na mahal niya kami kaya naman sobrang swerte ko na siya ang mama ko. "Joke lang iyon Ma! Ikaw naman, wala talaga kaming pasok. Nasa pres conference meeting si Ma'am Postor—arayyy!" Binitawan na siya ni mama, bago bumaling sa akin. "Ikaw, bilisan mo na diyan ate. Graduating ka na kaya't ayusin mo ang pag-aaral mo nak, para naman kapag nakapagtapos ka na at mayroon ng stable na trabaho—eh hindi mo na mararanasan ang gan'tong buhay na mayroon tayo." seryosong sabi ni mama habang nakatingin derekta sa mga mata ko. Ngumiti naman ako sa kaniya bago sunod-sunod na tumango. "Don't worry Ma! Akong bahala, makaka-graduate po ako, promise!" I was confident that time. Siguradong-sigurado ako na makaka-graduate ako dahil wala naman akong naiisip na dahilan para hindi. Lalo na't sa public school naman ako nagaaral kaya walang bayad at medyo malapit lang sa amin kaya naman pwedeng lakarin. Pero hindi ko rin inaasahan, na hindi ko pala magagawa ang pinangako ko sa kaniya. Dahil sa isang iglap lang, halos naglaho lahat ng pangarap at pagasa na mayroon ako. Pauwi na ako noon, nag-lakad ako para hindi sayang ang pera at maipon ko pa. "Nako! Ang ganda ng aso mo Nay Perla!" papuri ko sa aso ng matandang nakatira malapit sa school. Nadadaanan ko kasi yung bahay nila kaya naging close ko na rin siya. Madaldal kasi ako, kaya kahit hindi ko kilala e nakakausap ko nalang dahil sa kadaldalan ko. "Nako, salamat Marimar! Binili ito ng anak ko, saberia—synbedia? Sibegeria?" nakaawang ang labi niya at hindi yata ma pronounce ng maayos ang lahi ng aso niya. Tumawa naman ako. "Askal nalang Nay! Mas madali pang banggitin!" Natawa na rin naman siya at napakamot pa sa ulo niya. "Loko ka! Hindi ko kasi mabigkas ng tama." Ngumiti naman ako. "Ayos lang ho—" "SUNOG!" Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang malakas na iyon. Talagang hinarangan ko yung lalaking tumatakbo palapit sa dereksyon namin. "Anong meron, kuya?!" natatarantang tanong ko dahil may nakikita na rin akong mga tao mula sa malayo at tumatakbo rin. "Marimar! Ikaw pala—ang laki ng sunog sa sitio niyo, bilisan mo! Baka hindi pa naabutan ang bahay niyo!" "H-Ha?!" Grabe ang kaba na naramdaman ko nang mga oras na 'yon. Kahit hindi ako athlete ay talagang tinakbo ko ng mabilis ang highway hanggang sitio namin. At halos manginig ang buong katawan ko sa takot nang makita ang napakalaking apoy na tumutupok sa bawat kalye na nadaraanan ko. Nasa dulo ang kalye namin, kasabay ng pagsalubong ko sa mga taong tumatakbo papunta sa highway ay siya ring paglakas ng t***k ng puso ko. Bakit gan'to? Bakit sobrang kinakabahan ako? "Marimar!" Tawag pansin sa akin ng isang pamilyar na boses. Hinanap ko ang mayari ng boses sa gitna nang mga nagkukumpulan na tao. Rinig ko rin ang malakas na ingay ng papalapit na firetruck para rumespunde. "Marimar!" Napaigtad ako nang may humawak sa akin. Bumungad sa akin ang kapitbahay namin na si Ate Angie, umiiyak siya habang buhat-buhat ang anak niya. "A-Ate! Saan sila mama?! Nakita niyo po ba?!" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Bigla nalang mas umagos pa ang luha mula sa mga mata niya. "M-Marimar! Hindi ko alam! Hindi ko alam!" umiiyak siya ng malakas, pati ang anak niya ay naiyak na rin. "Sobrang laki ng sunog! Ang bilis tinupok ng mga bahay, nak! Alam mo namang bahay niyo ang unang bahay na naka-dikit sa ibang kalye—" "Ano pong ibig niyong sabihin?" wala sa sariling pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi ko maintindihan... bakit ganito siya magsalita? Bakit umiiyak siya? Napakapit ang isa niyang kamay sa braso ko. "Mara... h-hindi namin nakitang nakalabas ang pamilya mo!" sabi niya bago humagulhol na ng iyak. Parang buhat ko ang mundo ng mga oras na 'yon, sobrang bigat ng katawan ko pero nagawa ko pa ding tumakbo at puntahan ang kalye kung na saan ang bahay namin. Sobrang lakas ng apoy, napaka-init. Para akong nasa impyerno dahil sa sobrang taas 'non. Wala ako sa tamang pagiisip at nag-uulit ulit sa isip ko ang mga sinabi bi Ate Angie. "Marimar, huwag! Nak! Wag!" Rinig kong malalakas na sigaw ng kung sino, kasunod nang biglaang pagyakap nito sa katawan ko't pinipigilan ako sa plano kong gawin. "M—Ma! Bitawan niyo po ako! S-Sila mama!" sigaw ko't pilit kumakawala sa pagkakayakap at kapit nito sa akin. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko kasabay nang pag-hatak nila ng katawan ko palayo sa entrance ng kalye namin. "Yung pamilya ko po! Nasa loob pa! Ma! Domi! Tulungan niyo po sila!" kasabay ng pagpupumiglas ko ay ang malalakas na pag-sigaw ko. "Yung pamilya ko po!" Umiiyak na rin ang mga taong nagtulong-tulong para pigilan ako. Nanghina at tila gumuho ang buong mundo ko dahil sa trahedyo na 'yon. Wala akong magawa. Umiiyak lang ako at pinapanalangin na sana hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung ilang oras ang nagdaan bago tuluyan na-apula ang malaking sunog na bumago sa buhay ng mga taong nakatira sa eskwater area ng probinsiya namin. "Marimar... halika na, nak." tawag sa akin nang kanina pa nagpapatahan sa akin. Kapitbahay din namin 'yon, si Nay Inday. "Nay... saan po si papa?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot, sa halip ay tinulungan niya akong tumayo. Sobrang daming nangyari ng araw na 'yon. Halos hindi ko na maalala kung ano ang sunod na ginawa ko matapos mamatay ng sunog. Ingay ng bombero at ingay ng mga taong umiiyak nag-dadalamhati dahil nawala ng parang bula ang mga bahay at ari-arian na pinaghirapan nila ng ilang taon. Pero ang tanging malinaw na naaalala ko nalang matapos maapula ng sunog, ay kung paano akong umiyak at halos mag-lupasay matapos kong makita ang tatlong sunog na katawan na nasa bandang pintuan ng bahay namin. Sobrang sakit. Sa isang iglap lang ay nag-laho lahat ng pangarap at ang buong pamilya ko. Grabe ang hirap na pinagdaanan ko matapos ang trahedya na iyon. Hindi na ako nakapag-aral pa ng College at mas pinili nalang na mag-trabaho para may makain ako. Habang inangkin naman nila Tita Crisma ang pwesto ng bahay namin at itinayo 'ron ang sarili nilang bahay. Nakitira ako sa kanila at nagpaka-alila sa kanila. Tiniis ko ang lahat at kinaya kong manatiling matino kahit grabe ang sakit na naranasan ko. Pero naniniwala ako na may pagtutunguhan pa ang buhay ko. Naniniwala akong may plano ang diyos para sa akin. At alam kong yayaman ako! Tama, yayaman ako! Mapait akong napangiti habang nakatingin sa puting kisame ng kwarto ko. It's been seven years... huh? I'm so glad na kinaya kong maka-survive during those hellish days. "Milk... hmm." Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang mabigat na braso at kamay na pumatong sa dibdib ko. Nilingon ko ang pinanggalingan nito at bumungad sa akin ang taong magiging dahilan ng pag-yaman ko! Ang may pandesal, yummy at hottie kong alaga! Nag-init pa ang mukha ko nang biglang pisilin ng kamay niya ang dibdib ko. Jusko, tulog pa 'yan ha?! Mahimbing itong natutulog sa tabi ko, kaya kitang-kita ko ang mahaba niyang pilik-mata. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. "Ikaw... anong klaseng sakit ba ang naranasan mo kaya ka humantong sa gan'to? Hmm? Levi?" bulong ko. Hindi ko nalaman ang totoong dahilan kung bakit ganito siya kung umakto. Hindi iyon ipinaliwanag sa akin ng kuya niya kahapon. Pero naririnig ko mula sa ibang kasambahay na mental illness daw—I mean, halata naman eh? Pero paanong mental illness ba? Since birth, o katulad ko ay nakaranas din siya ng grabeng trauma at sakit pero hindi niya kinaya? "Co..." Mas inilapit ko ang mukha ko sa kaniya dahil may binubulong siya. "Hm?" "Co... pa..." Kumunot ang noo ko. "Copa?" Pinisil na naman ng kamay niya ang dibdib ko. "Cocomelon-papaya... nanny." Namula ang mukha ko't umawang ang labi ko dahil sa narinig. "Jusko, nakakailang jusko na ako dahil palagi nalang akong nagugulat sa mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo." natatawang bulong ko at kinakausap ang tulog na Greek God sa tabi ko. Hindi ko alam, pero kahit wala pa akong isang linggo bilang nanny niya—ay ramdam ko nang ma-aattached ako ng sobrang sa alaga kong ito. Nako, nako, mararanasan ko kayang makalapit sa lalaking ito kung wala siya sa ganitong sitwasyon? Muli kong ipinikit ang mga mata ko. It's been seven years, mula nang maramdaman ko ulit ang ganitong pakiramdam. It feels like, I am not alone anymore. Well, obviously? Mukhang may lalaki nang mahilig sa cocomelon na dumagdag sa pang araw-araw na buhay ko na mag papa-yaman sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD