Kabanata 03: Amen

1659 Words
Marimar Oquendo's Point Of View Lord, ipagkaka-tiwala ko pa rin po sa'yo ang buhay ko. Gabayan mo po ako sa pag-subok na kinakaharap ko ngayon. Ilayo mo po ako sa tukso kahit pa may pandesal na naka-balandra sa harap ko— "Cocomelon!" Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nag-titiwala akong yayaman ako! Ikaw na pong bahala sa akin Lord— "Milk!" —bigyan mo ako ng lakas ng loob Lord— "Mommy! Milk! Milk! Milk!" "Oh Lord!" Napahawak ako sa dibdib ko habang kagat-labing tumitingala pa sa kisame ng kwarto. Pinangarap kong matawag na mommy pero hindi sa gan'tong paraan! Napa-igtad ako nang makaramdam ng daliring sumusundot sa malulusog kong dibdib. Napaawang pa ang labi ko dahil ni-minsan ay hindi pumasok sa isip kong makakaranas ako ng ganito. Ang tyansingan ng isang matipunong lalaki—jusko Marimar! Trabaho 'to! Trabaho! Napahawak na lamang ako sa noo ko habang nakatukod ang siko ko sa side table. Andito kami ngayon sa magiging kwarto ko, ayusin ko raw muna ang mga gamit ko bago ako kakausapin ni Sir Streeter. At ayon na nga! Sumunod din si pandesal—este si Levi sa akin at paulit-ulit na sinasabing gusto niya ng gatas. "Ah!" Lumingon ako sa kaniya. Natigilan pa ako nang makitang wala na siyang suot na salamin. Lord, anghel ba ang nasa harap ko? Jusko! Greek God ba ang lalaking 'to? Katawan pa lang yummy na—tapos dadagdag pa ang gan'tong klase ng mukha?! Napa-kagat ako lalo sa ibabang labi ko bago muling napahawak sa sintido ko. Jusmiyo Marimar, alam kong taong palengke ako at marami na akong mga nakaka-halobilong mga tao—pero ngayon lang ako nakakita ng gan'to ka-poging nilalang! At talagang tina-tyansingan pa ako ha? "A-Ano..." Paano ko ba kakausapin 'to si pandesal? Sinusundot niya pa rin ang dibdib ko. Hindi yata siya nagsasawa dahil malambot iyon at bilogan—cocomelon daw! "You want some m-milk?" Namumula ang mukha na tanong ko sa kaniya. Mukhang narinig niya naman ang sinabi ko dahil huminto siya sa ginagawa't ngumiti ng malapad sa akin, inalis niya na rin ang kamay niyang kanina pa sundot ng sundot sa dibdib ko. Lumikot ang mata ko dahil bigla nalang niyang inilalapit ang mukha niya palapit sa akin. Ini-aatras ko pa ang ulo ko dahil biglang kumabog ang dibdib ko. Hala, hala! H-Hindi naman kami mag-jowa! Mag-jowa lang ang nag-hahalikan— "Tsaran!" awang ang labi na lamang akong napatingin sa mukha niyang tuwang-tuwa habang wina-wagayway ang bote ng gatas na hawak-hawak. Na-estatwa talaga ako at para bang nahiya sa mga pinagsasabi ko sa isip ko kanina. Lord, pagsubok ba ito? Kasi kung oo, gabayan mo ako please—baka maka-sapak ako eh. Humahagikhik siya sa harap ko habang ang isang kamay ay hawak-hawak pa ang tiyan. Ang isa naman ay hawak ang gatas na naka-tapat pa sa mismong mukha ko. "T-Tang—" biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "—ang inumin mo wag milo, oki ba, Levi?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naka-tingin sa taong nag-bukas ng pinto. "Levi." tawag niya sa lalaking nasa harap ko, pero hindi naman humaharap itong isa at patuloy pa rin sa pagwagayway ng bottled milk sa tapat ng mukha ko habang tumatawa. "Levi, you don't want your brother to be angry—don't you?" ma-awtoridad na sabi na ng lalaking naka-tayo sa may pinto. Bahagya pa akong nagulat nang mabilis na tumayo si Levi habang umiiling pa. Nauna nang lumabas yung lalaki habang si Levi naman ay bumaling pa ulit sa akin. "See yah! Cocomelon!" sigaw niya bago kumaripas ng takbo. Naiwan akong nag-iinit ang mukha dahil sa bigla niyang isinigaw. Napahawak pa ulit ako sa dibdib ko dahil aatakihin yata ako sa puso dahil sa mga nangyayari simula pa kanina na hindi ko naman inasahan. Una, ay ang trial. Sinong matinong amo ang mag-sasagawa ng ganoong klaseng trial para sa mga applicants?! Halos himatayin at maiihi na nga ako sa takot nang tutukan ang ng baril sa noo. Pangalawa, ang personal nanny keneme. Iba naman yata ito sa sinabi sa akin ng kumare ni tita? Akala ko ba'y house chores ang gagawin—teka! Ito ba ang dahilan kaya may pa just be yourself pa siya? Jusmiyo! Naloko ako 'ron ah?! Kunot na kunot na ang noo ko habang nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ang malambot na unan. Nakaka-panibago, ang mga unan kasi 'ron sa amin ay mas matigas pa yata sa semento, gawa lang kasi sa mga tela ng lumang damit na ginupot at binalot ng punda. Eto na nga, pangatlo! 'Yung aalagaan ko! Personal nanny, hindi ba mga bata ang nangangailangan ng yaya—oo teka, oo nga bata kung umakto ang pandesal na 'yon. Pero jusko naman! Ang hirap mag-focus kapag kaharap ko siya. I mean—grr. "He's a total hottie!" Impit na sigaw ko habang pinanggigilan ang malambot na unan. "May biceps, may pandesal, perfect jawline, blue na mata, messy hair, matangos ang ilong, may mala-lalim na dimple, kissable lips—pasadong-pasado bilang pantasya ng bayan!" sabi ko habang nag-bibilang pa sa daliri. "T-Tapos mahilig pang manundot ng d-ded3!" bulong ko at sumusulyap pa sa pinto. Baka may biglang pumasok eh. Pinag-saklop ko na lamang ang dalawang kamay ko. "Lord, sige. Titibayan ko ang loob ko, ito naman siguro ang way para yumaman ako diba?" Tama. Ako si Marimar, anak ng dagat—este nakatira malapit sa dagat. Malapit ba? O ibabaw ng dagat? Basta, may dagat! Walang pag-subok na hindi ko kayang harapin! Kayang-kaya ko 'to! Mag-aalaga lang naman 'eh. Tama, mag-aalaga lang—jusko! Bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon? Matapos ng pag-dadrama ko sa kwarto eh pinababa na ako dito sa salas ng malaking bahay. Oo! Pinababa, kasi nasa second floor ang kwarto ko. Ang shala diba? At huwag ka, kasi maganda 'yong banyo—lalo na yung inidoro! Satifying, nailabas ko ang tae na umurong kanina dahil sa mabungangang bibig ni Tita Crisma. *Toink* *Toink* Focus. Mag-focus ka Marimar, nasa harap mo ang boss mo. *Toink* *Toink* "Bouncy cocomelon." Focus. Focus. Focus. Naka-ngiti ako at naka-ayos ng upo, nasa kaharap kong sofa si Sir Streeter na umiinom ng tsaa. "Hehe!" And guess what? Nasa tabi ko ang kapatid niya na mukhang naaaliw sa pag-sundot ng dibdib ko. "Levi, stop it." Sa wakas ay suway na ni Sir sa kapatid niya. Hindi naman na sumagot pa itong isa at umalis nalang sa pag-kakaupo sa tabi ko't lumipat sa tabi ni Sir. At dahil magka-tabi na sila ngayon, ay masasabi kong magkahawig nga talaga ang dalawa. Pareho silang kulay blue ang mga mata, mas malaki lang ng konti ang katawan ni Sir, at may malalalim na dimple sa magkabilang pisngi si Levi habang si Sir naman ay wala. Blonde rin ang buhok ni Sir, habang si Levi naman ay brown ang buhok. Tumikhim si Sir Streeter. "Again, congratulations. All you have to do was to take care of my brother. Nothing less and nothing more." pinal na sabi niya pa. Ano raw? "Po?" lutang na tanong ko pa. Pero hindi na siya nag-salita pa ulit, sa halip ay may inilapag siyang mga papel sa lamesa na nasa harap namin. "Pick it up an read it, nandyan na ang lahat ng gusto mong malaman." Napalunok naman ako bago isa-isang kinuha ang mga papel. Jusko, kontrata ba ito?! Bakit kailangan pang may kontrata 'eh simpleng pag-aalaga lang naman ang gagawin ko? Ganito ba kahigpit ang mga mayayaman? Binasa ko ang bawat papel na kinuha ko. Totoo nga na nakalagay 'ron ang lahat. Simula sa uri ng trabaho—hanggang sa mga bayad. Namilog ang mga mata ko nang may mapansin."F-Fifty-thousand?!" gulat na sigaw ko nang mabasa ang naka-lagay na monthly salary. "Yeah, I raised it earlier. Makaka-tanggap ka ng Fifty-thousand na sweldo kada-buwan. It's not that bad, right? All you have to do was to babysit my brother and make sure that he is safe. Nothing more, hindi mo kailangang mag-alala sa mga gawaing bahay since may mga maid na naka-assign para 'ron." dumekwarto siya. "So? What can you say? Any complaints about it?" Parang naririnig ko na ang trumpeta ng nga anghel sa langit. Nakakarinig din ako ng mga anghel na umaawit! Oh Lord, sabi na nga ba't ito na ang simula ng pag-yaman ko! Mag-babantay lang for fifty-thousand?! Jusko, sa isang taon ay mayroon na akong mahigit kalahating milyon?! Hindi ako sumagot, sa halip at pinagpatuloy ko ang pagbabasa pa hanggang sa ilan pang natitira na mga papel. At naka-agaw ng pansin ko ang mga sentence na tila naka-highlight dahil kulay pula ang letters. Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa iyon ng buo. Sentenced to three years in prison for trying to flee from the employer and quit the job. Nag-simulang pawisan ang noo ko nang nag-aalangan akong nag-angat ng tingin kay Sir Streeter. Parang ang dilim ng aura niya habang nakatingin din sa akin. At para bang nababasa niya ang kung ano man na nasa isip ko dahil tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hmm? You're not planning to quit, right?" tanong niya pa sa akin na mas lalong nagpa-kabog ng dibdib ko. Jusko, bakit parang hindi yata magiging madali ang buhay ko dito? Dahan-dahan naman akong tumango. Wala naman akong choice dahil andito na ako. At isa pa, sayang 'yung sweldo! "Good." muling sabi pa ni Sir bago nag-lapag ng ballpen. "Sign it." Pinirmahan at naglagay din ako ng fingerprint ko sa papel. Wala na talagang atrasan ito Marimar! Kinuha na ni Sir ang mga papel, inayos niya iyon bago tumayo. "Welcome, have a nice stay here... Ms. Marimar Oquendo." Hindi pa ako nakakasagot pero napa-igtad ako nanng bigla nalang sumampa sa lamesa si Levi. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, as in ilang inch lang ang layo. "Wetcûm!" nakangiting sabi niya pa gamit ang malalim at mapag-larong boses niya. Lord, guide me... please. Nawa'y maging payapa ang buhay ko rito. Ilayo mo po ako sa tukso. Amen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD