Marimar Oquendo's Point Of View
"Ano? Ang bagal mo naman Mara! Aba't kanina pa naghihintay sa'yo ang kumare ko, impakta't pa-importante ka talaga kahit kailan!"
Napa-buntong hininga nalang ako dahil sa malakas na boses ni Tita Cris na bumubulabog sa buong bahay. Bakit ba ganito ang tiyahin ko na 'to? Nakakainis! Konti nalang 'eh, as in konting-konti na lang sana ay lalabas na ang kanina ko pa gustong makamit pero bumalik dahil sa gulat ko sa pag-sigaw niya.
"Si Tita naman hindi makapaghintay! Wala na, bumalik na 'yung tae kong palabas na sana kanina!" sigaw ko pabalik bago inasikaso ang sarili ko.
"Ito na 'yata ang huling beses na uupo ako sa'yo." tinuro ko ang inidoro na malinis. "Sana'y maganda ang inidoro nila 'ron, baka bigla akong bahayin at hindi maka-tae 'eh."
Dahil sa kagustuhan ni Tita Cris, at kagustuhan ko rin, ay makikipag-sapalaran na ako papunta sa sinasabing mansyon ng kumare niya. Hindi na rin kasi masama ang twenty-thousand na sahod per month—pwede na 'yong pang-puhunan para sa business 'eh!
Kinuha ko na ang bag na inimpake ko kagabi. Hindi ako mapaniwala na sa wakas ay makaka-alis na rin ako sa bahay na ito. Sana nga'y ito talaga ang trabaho mag-papayaman sa akin Lord! Nako! Tutulong talaga ako sa mga nangangailangan kapag yumaman ako.
"Ano? Ok ka na? Mabuti naman at tapos ka na." masungit na sabi ni Tita kong broken hearted. "Huwag mong kalimutang mag-padala sa amin—ay hindi, ipadala mo sa amin ang unang sahod mo."
Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya. Jusko, saan ba nanggagaling ang kakapalan ng mukha ng tiyahin ko na ito?
"Oh ano? May angal ka ba? Baka nakakalimutan mong utang na loob mo sa akin kaya ka mag-kakaroon ng trabaho ngayon, Marimar? Kaya kung may konsensya ka, ipadala mo sa amin ang unang sahod mo lalo na't maraming bayarin sa school si Yna." taas-kilay niya pang sabi sa akin.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Ikaw ba tita, 'eh hindi ka nakokonsensya sa kasungitan mo sa akin?
"Sige po." tanging sagot ko na lang bago tuluyan nang lumabas ng kahoy naming bahay. Dumaan ako sa kahoy na tulayat na-dadaanan ko ang iba pang mga bahay na gawa rin sa kahoy.
Namulat ako sa ganitong klaseng lugar. Simpleng mga bahay, simpleng pamilya o simpleng buhay, ika nga nila. Pero mula nang mamatay ang pamilya ko'y masasabi kong hindi na simpleng buhay ang naranasan ko—dahil buhay mala-teleserye na dahil sa sobrang hirap.
Nako, nako. Sa bagay, sabi nga nila 'eh tayo ang mga bida ng sarili nating istorya o buhay. Kaya tulad ng mga bida sa mga teleserye, hindi rin naman malabo na mangyari sa atin ang mga bagay na hinahangad natin.
Itinaas ko ang mga kamay ko bago nakipag-fist bump sa hangin habang nakatingin sa langit—nakikipag-fist bump ako kay Lord.
"Lord! Ipinagkaka-tiwala ko sa iyo ang buhay ko! Payamanin mo ako." sabi ko at humahagikhik pa.
"Hala si Marimar, nabaliw na."
Bigla akong nahiya nang marinig ang boses ng ilan sa kapitbahay namin. Nakayuko tuloy akong lumabas ng kalye. Ano ba 'tong pinaggagawa ko?
Nasiraan na yata ako ng ulo!
"Marimar!" Sumalubong sa akin ang kumare ni Tita nang makalabas ako ng kalye at makapunta sa kalsada. Tumambad sa akin ang isang malaki at puting van na naka-parada.
"Pasensya na po at natagalan ako." Natatae kasi ako sa excitement pero hindi ako naka-tae dahil istorbo ang tiyahin ko.
"Ayos lang, Ija. Oh siya, pumasok ka na't lalarga na! Just be yourself, kayang-kaya mo 'yan!"
Bakit bigla akong kinabahan? Anong just be yourself? Hala, bakit may pa-ganoon?
Nag-aalangang tumango lang ako bago pumasok sa pintuan ng van na bumukas. Bumungad sa akin ang iilan sa mga kasama kong mag-aapply din yata bilang kasambahay. At dahil huli ako, ay sa dulo an pwesto ko katabi ang isang yummy—este matipunong lalaki na hapit na hapit ang biceps sa sweat shirt na suot. May suot itong sunglasses at mukhang tulog kaya naman dahan-dahan lang ang pagupo na suot ko.
Para akong kiti-kiti sa upuan ko dahil sa kaka-usog. Umandar na ang van at ang iba'y mukhang plano nang matulog pero heto ako! Hindi alam ang pwesto na gagawin dahil hindi sa lalaking katabi ko.
Jusko, ang layo naman sana ng pagitan namin pero singhot na singhot ko ang matapang niyang pabango! Ang lakas maka-pogi!
Pasimple ko siyang binalingan ng tingin. Kitang-kita ko kung paanong humahapit sa katawan niya ang sweat shirt na suot. Bumaba ag tingin ko sa tiyan niya. Hala! Pandesal! Totoo ba 'yon?
Naniningkit ang mga mata ko at ina-aninag ang parte ng katawan niya na 'yon. Napa-paypay nalang ako gamit ang palad ko dahil pakiramdam ko'y bigla nalang uminit.
Bakit ang init? May aircon naman ang van?
Para na naman akong kiti-kiti na hindi mapakali. Ihh Lord naman 'eh! Tamang van ba ang nasakyan ko? Bakit parang artista yata 'tong katabi ko?
Napa-kagat ako sa labi ko habang pa-sikretong tinitignan ang mukha niya. Jusko, perfect ang jaw line! Maputi, matipuno at may mga pandesal! Bakit andito 'to? Mag-aapply ba bilang bodyguard 'to? Nako, nako—hindi naman kaya nasa shooting ako?!
Bahagya akong tumatayo-tayo, sumisilip sa harap kung may mga camera ba'ng naka-tago. Pero wala naman akong nakita kaya naka-ginhawa ako kahit papaano.
Napalingon ulit ako sa katabi ko bago sinampal ang sarili ko. Umayos ka Marimar! Trabaho ang kailangan mo hindi isang daddy—este iyang katabi mo!
Grabe ang effort na ginawa ko habang naka-sakay sa van, as in nakaupo lang ako pero pagod na pagod ako kakapigil sa sarili ko na lumingon sa katabi ko. At dahil napagod ako sa ginagawa ko'y kalaunan ay nakatulog din naman ako.
"Ahh! Huwag po!"
"Parang awa niyo na! Huwag p—po!"
Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid ko. Bakit maingay? Wala naman ako sa bahay. Ano na namang mayroon—
"Jusmiyo Marimar!" malakas na sigaw ko nang makita ang nangyayari sa paligid ko.
May baril! May baril na naka-tutok sa mismong ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko! Ang ibang mga naka-upo kanina ay nag-kakandarapa na para lumabas ng van—pero 'heto ako't nasa bingit ng kamatayan!
"H-Hala 'wag po!" nauutal ang boses at nanginginig na sabi ko. Unti-unti ko pang itinaas ang dalawang kamay ko dahil ganito naman ang ginagawa kapag hino-holdap diba?
Naka-tabon ang mukha ng dalawang tao na naiwan sa loob, ang isa ang nagda-drive habang ang isa naman ay nakatutok ang baril na hawak sa noo ko.
"Hand over that man." sabi nito, tinutukoy ang katabi ko.
Namilog ang mga mata ko. "A-Anong kailangan niyo kay pandesal—este k-kaya kuyang katabi ko?" tanong ko pa. Ang tanga-tanga mo talaga Marimar! Bakit ka pa nag-tatanong?!
Mas idiniin niya ang baril sa noo ko. "Aba't mag-tatanong pa? Ganiyan ba dapat umakto ang taong hinoholdup?"
"Jusko! Hindi po! Sorry! Gusto ko lang ng trabaho!" natatakot na sigaw ko.
Lord naman 'eh! Akala ko ba ito na ang simula ng pag-yaman ko? Kamatayan naman yata ang makukuha ko ngayon!
"Oh... I see, then hand over that man over there—oh, no, kill him."
Nanlamig ang buong katawan ko. Lord, marangal na trabaho ang gusto ko. Pero bakit parang gusto mo yata na maging mamamatay tao ako?!
Umiling naman ako at halos mapaiyak na. "Aba? Matapang ang babaeng 'to. I see, you have some guts! I see... I see..."
Anong I see, I see ka diyan kuya? Sino naman kasing may gustong pumatay?! Wala sa plano ko ang maging isang kriminal!
"Let's conduct an interview, then."
Natigilan ako't kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Unti-unti ko pa'ng iminulat ang mga mata ko na naipikit ko kanina dahil sa takot.
Anong interview? Ngayon lang ako naka-rinig ng holdaper na nang-iinterview.
"S-Sige po." natatakot na tanong ko.
"What will you do in a situation where you need to choose between your love ones and yourself?"
"H-hala, K-Kuya naman! Bakit pang Miss Universe naman yata 'yang tanong mo—"
"Sagot!"
Napa-igtad naman ako. "'Eto na! A-Ano... I'll choose my l-love ones!"
"Bakit?" tanong niya ulit.
"K-Kasi importante sila sa akin. Mas gugustuhin kong piliin sila kaysa sa sarili ko, at hindi ako mag-sasawang ulit-ulitin ang desisyon n-na 'yon! Hala kuya 'wag mo kong patayin!"
Jusko naman! Napiga pa ang utak ko sa Q&A na 'to!
"Very good! That's a good answer, ramdam kong galing sa puso mo ang sagot mo!"
Biglang huminto ang van na sinasakyan namin. Thank you Lord! Tatakbo na ba ako—nako! Baka barilin lang ako.
"Stop it, we're here." Rinig kong sabi ng taong nag-dadrive.
"Oh? Bilis ah!" Bumaling nang tingin sa akin si kuyang holdaper. "Baba!"
"Opo! Opo!" Natatarantang sabi ko at tumatango pa't nagba-bow bago bumaba sa pintong naka-bukas.
Nakapikit pa ang mga mata ko dahil hinihintay kong barilin ako pag tumalikod ako—pero hindi naman ako binaril!
"Congratulations."
Napamulat ako agad nang makarinig ng malalim na tinig. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang isang lalaking sobrang tangkad! Blonde ang buhok niya't kulay blue ang mga mata.
Mas lalong namilog ang mata ko nang makita ang nasa likod niya—jusko Lord! Ang laki ng bahay—mansyon yata 'to eh!
"You passed."
Napalingon na ulit ako sa kaniya. "Passed? Ano pong passed? Passed away?—patay na ba ako?!"
Kinapa-kapa ko pa ang sarili ko. Nabaril ba ako kanina?!
Nakarinig ako ng mahihinang tawanan kaya napalingon ako sa pinang-galingan 'non, galing 'yon sa dalawang lalaking nasa van kanina! Anong nangyayari?!
"I'm Death Streeter—miss?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Marimar O-Oquendo po."
Tumango naman siya. "Miss Oquendo, you passed the trial to be my brother's nanny." muli niyang sabi.
Parang sumakit ang noo ko sa mga sinasabi niya. Trial? Nanny?
"Earlier was just a trial to see how strong willed the applicants are. And as you can see, you're the only one who passed. Again, congratulations."
Parang lumipad ang utak ko dahil sa sinabi niya. Jusko, ang buwis buhay na nangyari kanina ay trial?! Ano 'bang klaseng trabaho 'tong pinasok ko?
Hindi pa napo-proseso sa utak ko ang lahat, ay bigla na naman siyang nag-salita. "Oh, here he comes." sabi niya pa habang nakatingin sa likod.
Sinundan ko naman ang tingin niya at laking gulat ko nang makita ang lalaking katabi ko kanina!
"Lev... this is your nanny—" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil sa biglang pag-takbk ng lalaki sa akin.
"Milk!" sigaw niya pa bago ako niyakap.
Huh?
"Milk! Milk!" paulit-ulit na sigaw niya pa habang naka-yakap sa akin at pa-simpleng pinipisil ang malulusog kong dibdib. "Oh? Cocomelon!"
"Huh?!!" tanging sigaw ko at gulat na gulat sa mga nangyayari.