Kabanata 01: A Sign From God

1917 Words
Marimar Oquendo's Point Of View "Ang kapal ng mukha mong pisti ka! Walang'ya kang lalaki ka! Lumayas ka dito! Layas!" Ano na naman 'yon? Ba't ang ingay? Ang aga-aga pero ibang alarm clock 'yata ang gumising sa akin. Ano na naman ba ang pakulo ng mga kapit-bahay namin? Bakit may nagwawala na naman yata? "Animal ka! Hayop ka! Palamunin ang bugkot—pisti ka! Nagawa mo pa talagang mambabae! Walangya ka talaga kahit kailan!" Inaantok na nag-inat ako. Mukhang hindi 'yata galing sa kapit-bahay ang naririnig kong ingay lalo na't boses ng isa sa mga kasama ko sa bahay ang naririnig ko ngayon. "Sorry na, Crisma. Wala lang ang babaeng iyon, alam mo naman na sa'yo pa rin ako uuwi. Sige na oh, patawarin mo na ako." Mahina naman akong natawa dahil sa narinig ko. Bakit pa ba ako nag-puyat sa kakanuod ng mga teleserye, eh mayroon naman pala rito sa mismong bahay na tinutuluyan ko? Para akong nakikinig ng drama sa radyo. "Patawarin? Gusto mong patawarin kitang hayop ka?" napailing nalang ako. Huwag ka na sanang maging marupok ulit, Tita Cris. "Kung gusto mong patawarin kita, halika. Lumapit ka dito dahil puputulin ko iyang bayag mo para hindi mo na magamit pa't mukhang palaging nangangati!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko. Mabilis pa sa alas cuatro akong lumabas ng pinto ng kwarto ko't hinanap kung saan nagmumula ang ingay. At hayon! Kitang-kita ko si Tita Crisma sa labas ng pinto ng bahay namin, may hawak-hawak na itak. Hindi pa nakatakas sa pansin ko ang mga kapitbahay namin na akala mo'y nanunuod ng live na pelikula. Nakikita ko kasing may mga nakapalibot sa kanila pero wala namang pumipigil. "Parang mga bata, ako nalang kaya ang umitak sa kanilang dalawa?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Boses iyon ng anak nila, si Crishna. Nakapamewang siya't humihikab pa, mukhang nagising din dahil sa ingay ng sigaw ng mama niya. "Crisma! Huwag, ayaw pud oi! Sige ka, hindi mo na 'to matitikman kapag pinutol mo!" Napangiwi ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung biro o totoo ba ang sinabi ni Tito Mario dahil bigla nalang mas nagalit si Tita Crisma. "Punyeta ka talaga! Hindi mo na ako madadala sa mga ganiyang klase mong salita. Ano namang gagawin ko diyan sa t**i mong maliit pa sa t**i ng bekong?!" Gumilid kami ni Crishna nang pumasok si Tita Cris at dumeretso sa kwarto nila. Ilang sandali pa ay lumabas din siya ulit at may bitbit na mga damit bago pinaghahagis iyon sa labas ng bahay at mismong harap ni Tito Mario. "Ayan, lumayas kana! Doon ka sa babae mong mala-aktres ng Vivamax! Punyeta ka! Hindi na kita kailangan dito, kaya kong buhayin ng magisa si Yna!" malakas pang sigaw niya. Humalukipkip na lang si Crishna sa gilid. "Nakakahiya talaga, gagawa sila ng ganiyang eksena tapos kalauna'y magbabati rin naman!" inis na bulong niya pa bago umalis at pumunta sa likod bahay. "Huwag naman gan'to Crisma! Pagusapan natin 'to, hindi ko kakayanin pag nawala ka sa akin!" pagmamakaawang sabi pa ni Tito Mario at halos lumuhod na sa tulayan. "Ilang usapan pa ba ang gagawin natin Mario?! Pagod na ako, at sawang-sawa na ako sa mga walang saysay na dahilan mo! Punyeta ka, lumayas ka na kung ayaw mong ipa-baranggay ko kayong dalawa ng kabit mo!" Napabuntong hininga na lamang ako bago tumungo sa banyo para maghilamos. Umaga na rin naman at kailangan ko nang kumilos dahil may pasok pa si Yna mamayang alas ocho. "Marimar?! Na saan ka? Bilisan mo na't magluto dahil papasok pa sa Yna!" rinig kong galit na sigaw ng tiyahin ko. Oh diba? Sabi na eh. "Sandali lang ho! Naghihilamos pa!" sagot ko. "Tse! Dami mong alam 'eh hindi naman na mababago ng mga sabon na 'yan ang katotohanan na pangit ka!" malakas na sigaw niya na naman. Lumabas na ako ng banyo naming kahoy, na mayroon namang inidoro pero sa silong lang din ang deretso ng mga dumi. Eh ganoon talaga, nakatayo ba naman ang mga bahay namin sa ibabaw ng dagat-sa dalampasigan, kaya naman dagat ang silong ng bahay. "Safeguard nga lang ang sabon ko tita, eh." sagot ko bago tumingin sa salamin na nakasabit sa dingding. "Aba, wala akong pake! Kasing pangit ka pa rin ng kapatid ko sa paningin ko." masungit na sabi niya pa. "Bilisan mo na, hindi kita pinatira rito para maging palamunin." Nakanguso naman akong tumungo sa kusina na nasa kabilang dulo lang ng silid. May kalakihan ang bahay namin na gawa sa kahoy—namin? Kasi pwesto ng pamilya ko ang bahay na kinatitirikan ng bahay nila ngayon. Pitong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng malaking sunog dito sa lugar namin labing walong anyos palang ako 'non. At sa kasawiang palad, ay kasama ang pamilya ko sa natupok ng apoy. Oo, pamilya. Dahil namatay ang mama, papa, at kapatid kong dose anyos sa malakihang sunog na 'yon. Hindi ko rin alam kung paanong hindi sila nakalabas ng bahay, pero harapan ko ring nakita ang mga sunog na bangkay nila kaya naman nawalan na ako ng pagasa na baka buhay pa sila at tinanggap na sa sarili ko na nagiisa nalang ako ngayon. Matapos ang trahedya na 'yon, ay inangkin ni Tita Crisma-kapatid ni mama, ang pwesto namin. Itinayo niya ang sarili niyang bahay nang hindi nagpapaalam sa akin. Kaya ang ending, ako ang nawalan ng tatayuan ng bahay—at ako ngayon ang nakikitira sa bahay daw nila. "Ano na?! Wala pa rin ba, Mara?!" rinig ko na namang sigaw ng Tiya kong highblood kahit ang aga-aga. Aba sino ba naman kasi ang hindi? Pinalayas niya ba naman ang asawa niya dahil nahuli na namang nambabae. "Malapit na po!" Binaliktad ko ang itlog. Nagluluto ako ngayon ng umagahan nila—nila, kasi hindi ako kasama rito. Mali rin ang sinabi niya kaninang pinapalamon niya ako, dahil sariling pera ko ang ginagastos ko para makakain ako. Ni-minsan ay hindi ko naranasan kumain sa hapag kainan ng bahay na ito. Isa lang akong katulong s***h nakikitira sa bahay nila. Kung pupwede nga lang na umalis na ako ay aalis na ako 'eh, sadyang wala lang akong mapuntahan dahil wala naman na kaming iba pang kamag-anak dito bukod sa kanila. — "Aba, aba! Halina kayo mga suki kong magaganda at pogi! 'Eto na ang pang-malakasan nating bonito, galunggong! May tilapia pa na swak na swak para sa umagahan, pananghalian at hapunan niyo!" Ang masigla at malakas na boses ko ang isa sa maririnig na pinagmumulan ng ingay dito sa palengke. Ito ang trabaho ko, tindera ako ng isda ni Nay Linda—ang amo kong medyo may edad na. "Magkano po?" tanong ng isang costumer na lumapit sa stall namin. Malaki naman ang ngiti na bumalandra sa labi ko. "Nako, tag 120 nalang 'yan lahat ganda! Saan ba ang gusto mo? Tilapia? Bonito? Galunggong? O ako?" pabirong sabi ko. Natawa naman ang customer na bumibili. "Nako! Napakaganda mo namang bolera, nak. Isang kilo lang sa tilapia." "Napaka-galing ng tindera ko, ano?" rinig kong sabi ni Nay Linda na busy sa pagaayos ng mga plastic na paglalagyan ng mga paninda. "Nako opo, napakaganda pa! Mukhang may lahi." sagot naman ng customer bago tumingin sa akin. "May lahi ka ba'ng espanyol, nak?" tanong niya pa. Mahina naman akong natawa habang binabalot ang isda na kakatapos ko lang i-kilo. "Nako, wala po. Purong pinoy po ako, gandang pinoy po ito!" tumatawang sagot ko. "Iba kasi ang ganda mo, ang lakas ng charisma! Bakit hindi mo subukang mag-model?" Mas lalo namang lumakas ang tawa ko bago iniabot sa kaniya ang supot. "Nako, gastos lang po 'yon, ok na po ako rito sa palengke dahil malaki naman ang kita ko kada-araw!" Inabot ko ang bayad niya. "Dabest si Nay Linda 'eh! Pati mga paninda niyang isda ay dabest din, kaya dito na po kayo palaging bumili." sabi ko sabay kindat sa kaniya at iniabot ang sukli niya. "Nakakatuwa ka namang bata ka, pero sinasabi ko sa iyo-bagay sayo ang maging isang model." kumaway naman siya bagay siya umalis. Namewang naman ako. "Nako, mga tao talaga ngayon 'eh napaka-bolera." sabi ko bago humarap kay Nay Linda. "Hindi ka naman niya binobola, Ija. Maganda ka talaga, kutis gatas ka pa. Kaya sayang din talaga kung nasa ganitong klase ng lugar ka lang." Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. "'Eh wala naman akong ibang mapupuntahan, Nay. Alam mo naman ho ang sitwasyon ko, kaya mas gusto ko nalang dito sa probinsiya." Nagkibit-balikat naman ang matanda. "Pero malakas talaga ang kutob ko na yayaman ka, Mara. Kaya magsipag ka talaga ha?" Ngumiti naman ako. "Nako, kapag yumaman ako ikaw talaga ang una kong hahatian ng yaman ko Nay!" "Oh sige, aasahan ko 'yan!" sabi niya at sabay naman kaming nag-tawanan. Sa gan'to umiikot ang buong araw ko. Pagising sa umaga ay ipaghahain muna sila Tiya, pagsapit naman ng alas dies hanggang alas sinco ay nasa palengke o isdaan ako para mag trabaho. Pagkatapos ay paguwi ko naman ay gagawin ko namang ipagluto ulit sila at maghugas ng pinggan bago ako makatulog. Sa ngayon, masasabi ko na kahit papaano ay masaya naman ako sa buhay ko. I mean, wala naman akong choice sa ngayon eh. Dahil kung mayroon man, ay talagang i-gagrab ko na ang opportunity! Kaya sana nga'y mag dilang anghel si Nay Linda at yumaman ako sa future. Kaya Lord, bigyan mo po ako ng sign! May pagasa nga ba na yayaman ako kahit gan'to ang kalagayan ko? — "Oh, mabuti naman at dumating ka na." Nagangat ako ng tingin kay Tita Crisma, kakaiba ang ngiti na nakapaskil ngayon sa mukha niya habang nakaupo siya sa kahoy na sofa. Mayroon ding babae na nakaupo sa tabi niya't mukhang hinihintay din ako. "Magandang gabi po, bakit po?" magalang na sabi ko nang makapasok ako. Kauuwi ko lang galing sa trabaho kaya amoy isda pa ako't dinidistansya ko ang sarili ko sa kanila. "S'ya ang tinutukoy ko, mare. Ano? Pasado ba?" nagagalak pang sabi ni Tita. Agad na kumunot ang noo ko dahil hindi ko gusto ang paraan ng pag-arte niya ngayon. "Ha? Ano pong meron?" Pumitik naman sa hangin ang babae. "Saktong sakto! Pasadong pasado, mare!" sabi pa nito. "Ano pong nangyayari?!" medyo may kalakasan na ang boses na sabi ko. "Ka-uuwi lang nitong kumare ko galing sa mansyon ng mga Streeter-kilala mo 'yon? Yung pamilya ng akres na namatay. Naghahanap sila ng bagong katulong na papalit dito sa kumare ko, kaya sabi ko ikaw nalang para may silbi ka naman sa buhay namin at mabayaran mo ang pagpapatira namin sa'yo dito!" natutuwa lang sabi niya. Bakas ang gulat sa mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Wala bang silbi ang ginagawa kong pag-aasikaso sa kanila? Napabuntong-hininga naman ako atsaka tumingin sa kumare niya. "Magkano po ba ang sweldo?" agad na tanong ko. Malapad na ngumiti naman ito sa akin. "Nako! Twenty-thousand per month, Ija!" Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Twenty-thousand?! Ang laki! "T-Teka, house chores po ba ang gagawin?" tanong ko pa, tila hindi pa nakakabawi sa gulat dahil sa presyo. "Oo! Kung ako sayo ay i-gagrab ko na ito, lalo na't libre sakay pa sa van na aalis bukas pabalik sa mansyon nila, Ija." nanlalaki ang matang sabi niya. "Ano? G ka ba? Para mailagay na kita sa list nang sasakay bukas sa van." Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Lord? Ito na ba ang sign na hinihingi ko kanina? Ito na ba ang simula ng pag-yaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD