"Oh! Anak nand'yan ka na pala! Sino 'tong kasama mo?" nagtatakang tanong ng magiging future mother in- law ko, habang nakaturo ito sa akin.
Ngumiti ako sa Mama niya habang tahimik lang si Petrus.
Nang tingnan ko si Petrus ay pinanlakihan niya ako ng kaniyang mga mata.
Gusto kong tumawa nang malakas sa ginawa niya ngayon.
Para siyang bata na natatakot na pagalitan ng ina dahil may kasamang babae.
Pero pinilit ko ang sariling pigilan ang tawa dahil alam kong ikakainis niya iyon sa akin.
Kaya pasimple kong kinagat ang ilalim ng aking bibig para iwasang makagawa ng ano mang ikakainis niya.
Baka tuluyan na nga niya akong pailisin kung hindi ako magtitino sa harao ng Nanay niya.
Kanina lang ay pilit akong hinihila ni Petrus upang makapasok na sa loob ng kotse.
Kulang na lang ay kaladkarin na niya ako pauwi sa bahay namin.
Pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko siya sinunod sa kaniyang inutos.
Mabuti na lang talaga dahil bumukas bigla ang pinto kaya tumigil si Petrus sa paghila sa akin.
Kung may nakakakuta man sa amin kanina ay tiyak na mqpqpqhiyq ako.
At base sa tawag ng Ginang kay Petrus ay napagtanto kong Mama niya nga ito.
Tumikhim ako at umayos nang tayo. "Hi, po Tita! Ako nga po pala si Dawn Tonette," pakilala ko sa aking sarili sabay lahad ng aking kanang kamay.
Matiim niya akong tinitigan. "Kaibigan ka ba ng anak ko, Hija?" mabilis nitong tanong sa akin kaya umiling ako.
Tinango-an ko siya nang aking ulo, at tiningnan si Petrus na may isang tingin na may halong panunukso.
Ngumiti ako at umiling para bawiin ang tugon ko. "Hindi po, future wife niya po," lakas loob kong sabi habang pilit na siniseryoso ang aking mukha.
Napansin kong nagulat si Tita at napatingin kaagad sa anak.
"May girlfriend ka na pala, Petrus? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin, anak?" nakangiting wika ng kaniyang ina. Feeling ko ay magkakasundo talaga kami ni Tita.
"Hindi ko siya girlfriend, Ma," pagtatama ni Petrus sa sinabi ng ina.
Hinampas ni Tita Anne ang balikat ng anak at pinagsabihan ito.
"Ano ka bang bata ka, nakakahiya ka! Talagang ipinagkakaila mo pa ang girlfriend mo sa harap ko. Hindi ka na talaga nahiyang bata ka!" asik nito sa anak at kinurot pa ang tagiliran ni Petrus.
"Aray, Mama ang sakit!" reklamo niya sa ina pero hindi ito tumigil sa pagkurot sa anak niya.
Pinagsabihan ito ng kaniyang Mama at pinanliitan ng mga mata bago bumaling sa akin nang tingin.
"Pasensiya ka na sa anak ko, Hija. Halika pumasok ka na muna sa loob." Aya nito sa akin at kaagad ko ring pinaunlakan ang alok niya.
Ngumiti ako. "Okay lang po, Tita hindi pa naman po siya nanliligaw sa akin," kaya biglang napangiwi ang nanay nito sa akin.
Nakita kong hinilot ni Petrus ang kaniyang sentido dahil sa stress sa 'kin. Feeling ko tuloy ay na pe-pressure siya dahil sa paghakbang ko sa pinto papasok sa kanila.
Pero wala na akong pakialam kahit mainis pa siya sa akin.
Kinapalan ko na ang mukha ko dahil gusto kong makilala ang pamilya niya.
"Gano'n ba? Akala ko kasi, kayo na ni Pe—? Oh, siya sige tumuloy muna kayo sa loob, Hija." Aya nitong muli sa akin kahit pa nakapasok na ang mga paa ko sa loob ng bahay nila.
At kahit man naguguluhan ito ay pinili ni Tita Anne na 'wag na lang inintindi ang mga sinabi ko.
"Thank you po!" sinsero kong sabi.
Nakangiti akong dumiretso nang lakad patungo sa sala nila nang bigla akong pinigilan ni Petrus.
Hawak niya ngayon ang aking braso at masungit akong tinitigan.
Para bang pinagbabantaan ako sa aking mga ginagawa pero hindi ko siya pinapansin.
"Umuwi ka na!" matigas nitong sabi sa akin at halatang hindi na ito natutuwa sa akin.
Halatang kanina pa ito nagtitimpi sa inis pero pinipigilan niya lang dahil sa Mama niya.
Sinalubong ko ang mga titig niya at hindi nagpatalo.
Inulit niyang sabihin sa akin na umuwi na pero hindi ako nakinig.
Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok at wala ng magawa sa katigasan ng aking ulo.
Kaya hinablot ko ang braso kong hawak niya at sinagot sa kaniyang mga sinabi.
"Napakawalang galang mo naman kung hindi lang ako niyaya ng Mama mo na pumasok dito hindi ko naman kakapalan ang mukha ko para lang makapasok sa inyo," aniya ko rito at nagmamadaling sumunod sa Mama niya.
At bago ako tuluyang makalayo sa kaniya ay narinig ko ang matunong nitong hininga.
"Hija, umupo ka muna rito at maghahanda lang ako ng makakain," nakangiting wika ni Tita Anne. "Oh, Petrus asikasuhin mo muna itong si Dawn." Tawag niya sa anak at tuluyan ng nagpaalam si Tita Anne sa amin upang ipaghanda kami ng makakain.
"Salamat po, Tita Anne," masaya kong turan sa kaniya.
Napakabait ng Mama niya, palangiti ito at ang higit sa lahat ay napakamaasikaso nito sa bisita.
Bago siya nagtungo sa kusina at ginantihan niya ako nang matamis na ngiti.
Halatang may panunukso sa mga tingin nito sa amin. Kaya kinilig naman ako dahil pakiramdam ko ay boto sa akin ang mama niya.
"Mama!" kaagad na saway ni Petrus ang kaniyang ina.
"Oh! Bakit anong ginawa ko?" pagtatanggol ng kan'yang ina sa sarili at iniwan din kami kaagad.
Pabagsak siyang umupo sa tabi ko. "Pagpasensiyahan mo na si Mama," nahihiyang sabi ni Petrus habang nakatingin sa palabas ng telebisyon.
"Okay lang ang cool nga, eh!" malambing kong sabi rito at hindi sinadyang nag-abot ang aming mga paningin.
Kaya agad din siyang umiwas at sinaway ang isa niyang kapatid.
"Jhana, ayusin mo nga 'yang upo mo! May bisita tayo!" baling nito sa kapatid nang mapansin nitong umuupo lang ito sa sofa ng walang pakialam sa ibang tao.
Hindi ito tumugon at mabilis na tinabunan ang kaniyang mga hita.
Nakasuot lang kasi ito ng palda ngunit hindi naman maayos ang ginagawa nitong pag-upo.
"Magbihis ka na nga lang do'n, kababae mong tao pero napakaburara mo!" galit nitong sabi sa kapatid.
"Kuya ang sungit mo, sige ka kapag ikaw palaging ganiyan, sigurado akong hindi ka sasagutin ni Miss Ganda!" pandadahilan nitong sagot.
Magpoprotesta pa sana si Petrus pero kumaripas na nang takbo ang katapid nito sa itaas para makaiwas.
"Oh! Ikaw Tan2x ginawa mo na ba ang mga assignment mo?" baling niya sa bunso nilang kapatid. At ito naman ang pinagbubuntungan niya ng inis sa akin.
"Tapos na Kuya, ako pa!" mayabang nitong sagot.
Natawa na pang ako dahil may pakindat-kindat pa itong nalalaman.
"Alam mo mas cool 'yong kapatid mo kaysa sa 'yo," nakangiti kong komento pero mas lalo lang siyang nagsungit.
Tumayo siya at iniwan ako sa sala ng walang paalam. Tinawag ko siya dahil akala ko ay nagtatampo ito sa akin pero binalewala niya lang ako.
Saka ko lang sinuyod nang tingin ang kabuohan ng bahay nila.
Gaya ng mga karaniwang bahay simple lang ito kung titingnan mula sa labas.
Ngunit ang loob ng kanilang tahanan ay maaliwalas at komportable sa pakiramdam.
Malalamig ang kulay ng mga gamit at pati na ang tela ng kurtina at may pagka-mint na kulay green.
Napakalinis ng paligid at nakakakalma sa pakiramdam.
Hindi ko pa man tapos suyurin ng aking tingin ang buong bahay ay natatanaw ko na si Petrus ni pababa.
Nakusuot ito ng puting damit na pambahay at naka-jersey ng short.
Para talaga siyang model tingnan kahit simple lang ang mga lakad niya.
At kahit ano man ang suotin niya lahat ay babagay sa kaniya.
Kahit siguro magsuot ito ng punit-punit na mga damit ay babagay pa rin sa kaniya.
Ang gwapo niya kasi talaga, nakakalaway ang kaniyang katawan.
Basa na rin ang kaniyang buhok na halatang kagagaling lang sa ligo.
I can smell the scent of soap that he uses of his body. It's like I want to close my eyes and enjoy his smell because since I met him, his smell is my favorite of all.
Hindi ko namalayang napamaang na pala ako sa harap niya.
"Bibig mo baka pasukan ng langaw!" sabi nito. Halatang nagpipigil na mapangiti.
Tumalikod siya sa akin habang pinapahid nito ang basang buhok gamit ang katamtamang laki ng tuwalya.
Tinungo niya ang kaniyang study table at malapit sa bintana sa kaliwang banda.
Hinalungkat niya isa-isa ang mga libro at parang may hinahanap doon.
Parang hindi ito mapakali nang makita niyang sa kaniya ako nakatitig ay binigyan niya ako nang matalim na tingin.
Masungit siyang naglakad sa gawi ng kaniyang kapatid at lumapit ulit sa akin.
"Gabi na hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin at agad na umupo sa tabi ko.
Kinuha niya ang remote na nakalagay sa coffee table at inilipat ang palabas ng telebisyon.
"Maaga pa naman," simple kong sagot dito.
Tinanguan niya lang ako at nag-focus na sa pinapanuod na palabas.
Ilang sandali lang ay kinausap niya ang kaniyang ina nang makita niya itong naglakad patungo sa amin.
"Ma, kumain na po kami," sabi nito at kasama ako sa tinutukoy niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tita Anne sa amin at may halong panunukso ang mga titig. "Ma, hindi po 'yon date," pagtatama niyang wika nang mapansin niyang inmba ang nasa isip ng nanay niya
Tumawa si Tita Anne. "May sinabi ba akong nag-date kayo?" depensa ni Tita Anne at binaling ang mga tingin sa akin. "Pasensiya ka na, Hija, medyo naninibago lang ako. Ngayon lang kasi nagdala ng kaibigang babae si Petrus, dito sa bahay," nakingiting sabi nito at sinadyang diinan ang huling sinabi.
"Hindi ka ba mag-aaral?" tanong niya sa akin halatang iniiba ang usapan, kaya umiling ako bago sumagot.
"Hindi ko naman dala 'yong mga libro ko. Sana sinabi mo para binitbit ko na lang," reklamo ko sa kanya.
"Tsk, ang slow!" masungit nitong sabi at umiling na parang hindi makapaniwala. "What I mean ay umuwi ka na at mag-aral ka na sa inyo," pananaboy nitong wika.