bc

Love and Pain

book_age18+
3.9K
FOLLOW
12.4K
READ
possessive
sex
opposites attract
second chance
drama
sweet
betrayal
cheating
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING: CONTENT R-18

This story contains matured content.

Marunong siyang magmahal pero hindi ibig sabihin na hindi siya marunong mapagod.

Kaya pinakawalan niya ang taong naging buhay na niya. Huli na ng mapagtanto niyang iyon ang naging pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya na sobra niyang pinagsisihan.

Meet Petrus and Dawn Tonette love story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi ko alam kung totoo ba talagang may love at first sight? Pero hindi ko maintindihan kung bakit doble ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na normal at parang hindi na ako tao sa nararamdaman ko. Wala naman akong sakit sa puso ngunit tila hindi ko kontrolado ang nararamdaman ko. Kung pwede lang sigurong tumalon ang puso, baka kanina pa ito kumawala. Napapangiti ako habang tinatanaw ko siya mula sa malayo, para bang humina ang buong paligid at kumikinang siya sa paningin ko na tila ay para bang may ginto na tumatama sa kaniyang mukha kaya nakakasilaw ang taglay niyang kagwapuhan. "Hindi halatang napuno ka ng paghanga," sarkastikong reklamo sa akin ni Ergie na kasama kong nanunuod ngayon ng laro. "Ha?" "Wala!" Tumango ako kahit na wala akong naiintindihan. "Naranasan mo na bang ma-love at first sight?" tanong ko sa kaibigan na wala ring ideya sa mga pinagsasabi ko. "What?" kunot noo niyang balik tanong sa akin. "Ano'ng pinagsasabi mo?" patuloy niyang reklamo. Umiling na lang ako at hindi na siya ulit pinansin. Baka pagtawanan niya pa ako kapag sinabi kong na love at first sight ako. Kasi kung totoong may ganoon man, siguro marami pa akong kakaining bigas para maranasan ang ganoong klase ng pagmamahal. Sa ngayon isa lang ang sigurado ako, I believe in first love never dies. Iba-iba naman kasi ang paniniwala ng bawat isa lalo na pagdating sa pagmamahal. "Ergie, do you know him?" Mausisa kong tanong ng hindi ko na mapigilan na kimkimin sa sarili ko ang paghanga. Hanggang ngayon ay nakatuon pa rin nag mga mata ko sa lalaking gusto ko. Ang galing niya sa loob ng basketball court. Siya ang may hawak ng bola at sa nakikita ko, kaya niyang lusutan lahat ng humaharang sa kaniya. "Sino?" tanong nito sa akin kaya nginuso ko ang mga labi ko upang maturo sa kaniya ang lalaking tinutukoy ko sa kaniya ngayon. Kasalukuyan itong nagdi-dribble ng bola sa loob ng basketball sa court. Ang lakas ng dating niya at bagay na bagay talaga sa kaniya ang kaniyang porma. We sit far away from them but I can still see his sharp nose. His handsome face and even his beautiful eyes. His smooth complexion glows even more every time the sun hits him. And every time he swallows while running, a single dimple also appears on his cheek. His sweaty body is even more appealing to the viewers. Sariwa pa rin itong tingan kahit nabasa na ito sa sariling pawis. "Where?" balik tanong na naman niyang muli sa akon. Nilingon ko siya ngunit wala naman sa taong tinuro ko ang kaniyang paningin. Kaya napailing na lang ako. Paano naman niya makikita kung iba naman ang tinitingnan niya? Halos hindi ko na siya madisturbo dahil seryoso ito sa panunuod ng ibang tao. "'Yong may hawak ng bola." Turo ko sa kaibigan. "Saan ba d'yan?" tanong na naman niyang muli sa akin at mukhang 'di niya masyadong narinig ang aking sinabi. "Iyong lalaking pinakagwapo sa kanila," nakasimangot kong tugon. Nang mapansin kong wala pa rin sa akin ang atensyon niya, inulit ko ulit ang sinabi ko. "Iyong napakagwapo," I'm referring to the man who makes my heart beat faster. The man who weakens my time. "Lahat naman sila gwapo," mabilis nitong sagot sa akin at hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. Bigla na lang siyang tumawa kahit na hindi naman ako nagpapatawa. At laking gulat ko nang bigla itong tumayo sabay talon ng maka-shoot ng bola ang Kuya niya. Nang umupo na siya ulit ay saka ko na lang siya ulit kinausap. Medyo naiirita na rin ako dahil hindi niya ako sinasagot ng matino. Gusto ko lang naman malaman kung kilala ba niya ang lalaking tinutukoy ko dahil ka-team ito ng kuya niya. "Ergie, makinig ka muna sa akin. Iyong naka-number eight, siya iyong tinutukoy ko sa 'yo at hindi iyang tinitingnan mo ngayon," alanganin akong nakangiti sa kaibigan at sinadyang idiin ang huling sinabi upang makuha ang atensyon niya. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam na niya ang ugali ko. Alam niya kung kailan ako naiinis, naiirita at kung kailan nagbibiro. Sinubukan ko rin ang sarili ko ngayon na pakalmahin kahit gustong-gusto ko na siyang pagalitan. "Who?!" gulat na gulat niyang tanong sa akin na siya namang ikinabigla ko. Matulin itong napabaling sa akin dahil sa kaniyang narinig. Para bang hindi ito makapaniwala sa aking sinabi. "Si Petrus Gavallo?" mangha niyang tanong sa akin." Sigurado ka ba talagang hindi mo siya kilala?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang soot ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit masyadong over acting ang reaksyon niya ngayon. Hindi naman siguro artista ang lalaking tinutukoy niya upang makilala ko. Kaya nagtataka akonh umiling bilang tugon. Tumatango naman ito habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Bakit?" 'di makapaniwang tanong sa akin ni Ergie. Imbes na ako ang magtanong sa kaniya, ako pa itong inulan niya ng tanong. Napapailing siya at para bang problema ang papasukin ko kapag makikipagkilala ako sa lalaki. "Huwag mo'ng sabihing type mo 'yan?" dagdag niyang tanong at mayroon pang halong pagdududa ang kaniyang mga tingin. Minsan ay parang naka-druga rin itong mag-isip. Ang hirap niyang sabayan. Ngumiti ako dahil ayon sa reaksyon niya, mukhang kilala niya. "Magkakilala kayo?" namamangha kong tanong pabalik at gusto kong kompirmahin ang aking hinala. Isang buntonghininga ang aking narinig, kaya kaagad kong hinawakan ang magkabila niyang balikat upang humarap ito sa akin. She stared at me intently as if something was wrong with me. "Kaibigan siya ni Kuya, team captain nila." Walang gana niyang paliwanag. "Bakit?" "Wala naman pero okay lang ba kung ipakikilala mo ako mamaya, pagkatapos ng game?" excited kong sabi. Natulala ito at ilang sandali ay bigla na lang itong tumawa nang malakas. Para bang isang malaking kahibangan ang aking sinabi. "What's funny?" Kunot noo kong tanong at ang mga kilay ay hindi ko napigilang magsalubong habang tinitingnan siya ng masama. Nainsulto ako dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ang dandamin ko. "Kung gusto mo siya, mas mabuti pang maghanap ka na lang ng iba. Huwag ka na lang makisali sa mga babaeng nagpapapansin sa lalaking 'yan." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko siyang kurutin sa inis pero hindi ko ginawa. Hinintay ko siyang magpatuloy sa kaniyang sasabihin. "Sigurado naman akong hindi ka papansinin niyan," natatawa nitong wika sa akin. Sumimangot ako dahil sa aking narinig. Inaamin ko rin na I was a little hurt by what she said. Minsan naiisip ko kung bakit nagkaroon ako ng kaibigan na parang may deperensiya sa utak. Kahit na alam kong ngayon pa lang ay tumututol na siya. But I still didn’t stop pushing what I want. I repeatedly pulled on her dress just to indulge. Until she ran out of patience and yelled at me. "Stop it!" galit niyang sigaw sa akin. "Sige na Ergie, ipakikilala mo naman ako," tuloy pa rin ang pangungulit ko sa kaibigan. "Baliw! H'wag na, sinasabi ko sa iyo mapapahiya ka lang," pinal nitong ani. "Bakit ba ayaw mo? Ikaw yata ang may gusto sa lalaking 'yan, eh!" naiinis kong reklamo sa kaniya. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang niya akong binatukan. "Hey! What do you think of me, a desperate! He's not interested in me!" malakas niyang sigaw habang tinuturo si Petrus sa court ngunit diretso pa rin ang tingin niya sa akin. "And especially not in you! So you'd better just find someone else," paliwanag niya sa sa akin. At dahil natural na matigas ang ulo ko ay hindi pa rin ako nakinig. "Bakit ba kasi?" nakanguso kong tanong at panay ang reklamo ko dahil ayaw niya talaga akong pagbigyan. "Basta h'wag ka ng maraming tanong, okay? Mabuti pang mag-aral ka na lang at baka sakaling magustuhan ka ng lalaking 'yan. Wala naman 'yang ibang inaatupag kundi mag-aral lang. Siguro may chance ka kung magiging kasing talino ka niya," mayabang niyang paliwanag at galit na rin dahil hindi na ito makapag-concentrate sa panunuod ng laro. "Sige na, please," pangungulit ko at walang balak na sumuko. "H'wag na nga! Wala ka talagang pag-asa sa kaniya at mapapahiya ka lang," sabi nito habang nakikipagsabayan sa hiyawan ng mga tao sa paligid. "Sige na Ergie, please.... please," patuloy kong hiling. "Ang kulit naman nito, eh! Sabing hindi nga 'yan interesado sa 'yo," galit na galit nitong tugon dahil sa katigasan ng aking ulo. "Ililibre kita mamaya. Just tell me anything you want? Do you want shopping?" Napabuntong hininga na lang ito at sa huli ay sumuko na rin sa kakulitan ko. "Sige na nga! Basta ililibre mo ako mamaya ha?" she sighed answered me, and she sounded annoyed. Pagkatapos ng laro nila ay sabik na sabik na akong lapitan siya kasama ang mga ka-team nito. Ako at ang kaibign ko ay mabilis na bumaba at lumapit sa mga varsity players. "Just wait for a while. I'll go to Kuya first and I will talk to him," paalam ni Ergie sa akin bago niya ako ipakilala sa binatang gusto ko. Si Petrus Gavallo. "Can you talk to him later because I'll just buy a water for Petrus?" Pigil ko sa kaniya nang akmang iiwan na ako. "Don't make too much effort. I'm sure there's water for the players. Just wait for me here," patuloy nitong sabi sa akin. "Just wait, sasama ako." I stopped her and hurried to follow her so we could go to his older brother. Kinausap niya ang kapatid niya habang ako ay nasa gilid lang at nakikinig sa kanilang dalawa. And I am not interested in what they are talking about. Sobrang naiinip na rin ako sa dalawa dahil ang tagal nilang matapos. Kung mag-usap sila ay para bang hindi magkapatid. Para bang hindi ito magkasama sa iisang bahay at parang wala ng bukas kung makapag-usap. I can see Petrus Gavallo in the distance as he talks to his teammates. There are also women who approach him and obviously want to pay attention. I still continued to watch him and obviously he avoided the women. "Ergie come on, he's leaving, " I said confused and pulled her away immediately without saying a word. "Wait," she complained to me and she almost fell over because of my drag. "Bilisan mo! Ang tagal mo naman," reklamo ko rin dito. "Ang atat na atat mo naman! Dawn Tonette, let me remind you na kailangan ay magpakipot ka naman ng kahit konti," ganti nito sa akin. Pero wala pa rin siyang nagawa kundi sundin ako sa gusto ko. We stopped walking two steps from where Petrus was standing. I let out a loud sigh before smiling at the man who wasn't looking at me. "Hi Petrus kumusta!" unang bati ni Ergie sa binata habang nakangiti. "Fine!" he answered sparingly. Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. There was no trace of fun even though they won the game. "Siya nga pala, Petrus ito pala si Dawn Tonette, kaibigan ko." Ergie introduced me but the young man but he didn't even react. He just stared at me seriously without a word. "Dawn si Petrus pala," Ergie continued talking so I smiled at him even though I was feeling nervous. Naglakas loob akong itaas ang aking kamay at balak sana na kamayan siya matapos akong ipakilala ng kaibigan ko, pero biglang nawala ang lahat nang lakas ko ng hindi niya ako kinamayan. Para akong tanga sa harapan niya. Nagmukha rin akong tanga sa harap ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin. Tulala lang siya ngayon na para bang wala siyang nakikitang tao sa harapan niya. Hindi naman siguro ako invisible, 'no? My pride was a bit trampled on, he just ignored me like I didn't exist. He did nothing but stare at my hand. So in the end I just withdrew my hand because I looked so stupid. "Congrats, ang galing ng team n'yo at lalong-lalo ka na, Petrus," nahihiya kong bati at pasimula. Gusto ko rin na mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Nakakahiya pero nandito na ako kaya wala na itong atrasan. Wala namang masama kong makikipagkilala ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na hindi niya ako sasagutin. Para bang wala siyang pakiramdam. Wala siyang pakialam kahit mapahiya ako sa maraming tao. Imbes na magreklamo ay hindi ko nagawa. Naiilang kasi ako sa ginawa niyang tingin sa akin na para bang hinahalukat ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay parang napakasama kong tao. Ngayon ko lang naramdaman buong buhay ko na hindi pala ako attractive dahil wala talaga akong makuhang paghanga sa kaniyang mga mata. Ni hindi ko nga makuha ang simpleng sagot niya na gusto kong marinig. His gaze was still serious and he didn't even move at me. Kahit isang hakbang man lang papalapit sa akin ay hindi niya ginawa. He obviously didn't want to give me time to talk. And I could do nothing when he suddenly turned his back on me. "Sabi sa'yo, eh!" paalala sa akin ni Ergie. "Ayaw kasing maniwala!" "Oo na," singhal ko sa kaibigan dahil hindi ko na nakayanan ang hiya. Ganito na nga ang nangyari sa akin, gusto niya pang ipaalala kung paano ako nagmukhang tanga. "Ayaw mo kasing maniwala sa 'kin, Dawn Tonette! Alam mo namang hindi pa ako nagkakamali kahit kailan pagdating sa mga lalaking walang hilig sa mga babae," mayabang nitong sabi habang pinaglalaruan ang buhok niya sa harapan ng kanyang mukha. "Ano'ng ibig mong sabihin? Bakla ba siya?" sunod-sunod na tanong ko at inaamin kong hindi na ako makakapaghintay ng matagal sa sagot ng kaibigan. Kating-kati na akong malaman ang totoo. Wala pa man ang sagot pero nanghihinayang na ako. Ang gwapo-gwapo niya tapos mauuwi lang pala sa wala ang effort ko na lapitan siya. "Hindi pero binalaan na kita." "Oo na! H'wag mo ng ipaalala sa akin nang paulit-ulit," naiinis kong sabi at sinadyang idiin ang huling sinabi. Pero sa kabilang banda ng isip ko. Hindi ko mapigilan na magbunyi sa tuwa dahil mali pala ang iniisip ko. "So, halika ka na at ilibre muna ako," tumatawa nitong alok sa akin at halatang hindi na makapaghintay. "D'yan ka magaling, ako 'tong nalugi, eh! I didn't even shake his hand," reklamo ko sa kaibigan at saka sumimangot. "Oops! H'wag kang magreklamo dahil ikaw ang may gusto nito at saka pinagbigyan lang naman kita. I just do my part, then it's your turn. Kaya ngayon ay tayo na dahil gutom na gutom na ako," pinal nitong sabi sabay kawit ng kamay niya sa braso ko. "Tsk, ang takaw mo talaga!" mahina kong anas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook