I woke up so early in the morning, so I went straight to the bathroom to take a shower.
I used my favourite shower gel with a lavender scent.
When everything is done, I looked for something that I wanted to wear.
I have a lot of clothes in the closet, so it took me a while to choose.
I became more conscious of clothing, especially now that Petrus was paying attention to me.
Iniisip ko pa lang ang mapupungay niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, at ang malalim niyang biloy ay kinikilig na ako sa kaniya.
Lalo na kapag tinititigan ko ang mga mapupula niyang labi. Kinikilig ako sa tuwing naiisip ko siya.
Hindi pa ako nagkakaroon ng first kiss at kay Petrus ko lang 'yon gustong matikman.
I get three clothes that vary in color and style. There are black, sky blue, and pink.
I walked out of the room wearing only a bathrobe. I wrapped my thick hair in a towel to somehow get rid of the wetness.
I went straight to my parents' room even though I knew at this time they were still resting.
Kumatok ako. "Mommy, gising ka na ba?" tawag ko sa aking ina mula sa labas ng pinto. Nang hindi niya ako marinig ay kinatok ko ulit nang paulit-ulit ang pinto gamit ang aking mga kamay. "Mommy?" ulit kong tawag dito dahil gusto king magpatulong sa kaniya.
Ilang sandali lang ay bumukas na ito at nagtataka kong bakit ko siya ginising.
Then she kisses me on my cheek while saying good morning to me.
"Good morning." Binati ko rin ang ina ng magandang umaga.
Halatang kagigising lang nito dahil magulo pa ang kaniyang mga buhok.
Hindi ko na lang pinansin si Daddy dahil kasalukuyan pa itong natutulog sa kama.
"Ano'ng meron, ba't ang aga mo?" nagtatakang tanong ni Mommy.
Inayos niya ang kaniyang buhok at tinali ito sa likod. Hinilamos niya ang kaniyang mukha at pasimpleng tinatanggal ang kaniyang mga morning star sa mga mata.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka sinaway ko na ito. Pero wala na akong panahon pa, para pansinin iyon.
Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na ang sadya ko.
Ngumiti ako. "Mom, I have a hard time choosing my clothes to wear. In your own opinion na lang po alam kong magaling kayo rito, which one will suit me?" Inangat ko ang dala kong mga damit para ipakita ito sa kaniya. Ngunit base sa itsura niya ay maging ito man ay nahihirapan ding mamili. "Ito po kaya Mom what do you think?" tanong ko ulit kay Mommy at inangat ang kulay pink na dress para kompirmahin kung ayos ba iyong suotin.
"Lahat naman bagay sa 'yo, anak," nakangiti niyang tugon sa akin. Hinawakan niya ako sa mukha at inipit ang konting buhok na nalaglag sa aking mukha. "Dahil ba kay Petrus kaya nagpapaganda ka na?" panunukso nito sa akin.
Tumawa ako at yumakap sa kaniya. "Mommy, matagal na po akong maganda, ngayon mo lang po nalaman?" mayabang kong sabi ngunit puno ng paglalambing.
Pero sa totoo lang ay naapektuhan ako sa tanong ni Mommy, sobrang kinilig ako sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Petrus.
Sabay kaming nagtawanan at sa huli ay minungkahi niya ang itim na damit.
Hanggang tuhod lang ang taas kaya sigurado akong lalantad ang makinis kong binti.
Maganda at simple lang ang style ng damit na napili ni Mommy. Hindi masyadong revealing ang bandang dibdib at sakto lang ang laki sa aking katawan. Malambot din ang tela at komportableng suotin.
"Thank you, Mommy."
Bumalik ako sa aking kwarto at sinukat na ang damit matapos kong magpaalam.
Humingi rin ako ng pasensiya dahil ginising ko ito para lang sa susuotin ko.
Nakaharap ako sa malaking salamin at umikot upang makita ang bandang likuran ko. Naglagay rin ako ng konting pulbo sa mukha at liptint sa aking labi.
Nang makonteto na sa aking itsura ay bumaba na ako para makapag-agahan.
"Nanay Milva, masarap po ba 'to?" tanong ko sa mayordoma ng bahay.
Nanay ang tawag ko sa kaniya dahil isa siya nakalakihan kong magulang.
Siya rin ang nag-aalaga sa akin sa tuwing busy si Mommy at Daddy sa trabaho noon.
At mahal na mahal ko siya dahil hindi niya ako tinuring na ibang tao.
Para sa kay Nanay Milva ay para na rin niya akong tunay na anak.
"Oo naman, ba't mo naitanong at saka 'di ba kumakain ka naman ng lahat ng mga luto ko?" nagtatakang tanong ni Nanay sa akin.
Ngayon niya lang kasi ako narinig na nagtanong tungkol sa lasa ng ulam.
"Oo nga po pero magbabaon po kasi ako ngayon. Sigurado po bang masarap 'to Nay?" paulit-ulit kong tanong.
"Tikman mo para malaman mo," nakangiting saad ni Nanay Milva.
Mabuti na lang at napakabait niya. Kung sa iba ko siguro 'to itinanong baka ma-misinterpret pa nila ako.
"Huwag na po," ganti kong sagot. Naglakad ako patungo sa utensils organizer at naghanap ng dalawang baunan.
"Magbabaon ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Nanay. Dati kasi ay lagi niya akong pinipilit na magbaon, ako lang talaga ang hindi.
"Opo," natatawa kong sagot habang naglalagay ng kanin sa baonan.
"Bakit?" hindi makapaniwalang sagot ni nanay. Para bang hindi siya maka-move on dahil sa aking sinabi.
"Gusto ko lang po, Nanay Milva," nakangiti kong tugon dito.
Lumapit siya sa akin at halatang hindi makapaniwala sa aking sinabi at kinulit ako ng tanong.
Ayaw niya talagang maniwala hangga't 'di ako nagbibigay ng dahilan.
"Bakit nga, Hija?" ulit nito sa akin. Makulit din pala 'to si Nanay Milva.
"Nagsasawa na po akong kumain sa cafeteria," tugon ko sa kaniya at sa tingin ko ay nabigyan ko siya ng magandang dahilan.
Naglagay ako ng maraming kanin sa baon at sa isa pang baonan ngunit inagaw ni Nanay ang sandok at kinuha sa kamay ko ang lalagyan.
"Bakit dalawa? Mauubos mo ba 'yan?" sunod-sunod niyang tanong. Ngunit patuloy pa rin sa pagsasandok.
"May kasama naman po akong kakain nito, Nanay Milva," sinsero kong amin sa kaniya.
Binalingan niya ako nang tingin at 'di maitago ang gulat sa kaniyang mukha. "Iyon ba 'yong pogi na kasama mo rito?" nakangiti niyang tanong sa akin. Medyo nahihiya pa akong aminin pero mas nangibabaw ang kilig na nararamdaman ko.
Pakiramdam ko ay pulang-pula na ngayon ang pisngi ko.
Tumango ako. "Opo," mahina kong tugon dahil nakaramdam ako ng hiya.
Binigyan niya ako ng malalapad na ngiti at pati na rin ang iba pang mga kasambahay na nakarinig sa sinabi ko.
Lahat sila ay suportado ako at may tiwala sila sa akin.
Alam nilang lahat ang tungkol kay Petrus dahil lagi akong nagkukwento.
Open ako sa kanilang lahat dahil alam ko namang may tiwala sa akin ang mga magulang ko.
Wala ni isa sa kanila ang hinihigpitan ako at kahit si Daddy.
Hindi ko lang talaga lubos akalain na ganito ang pakiramdam kapag nakita na nila ang kinikwento kong crush ko.
Lumapit ako ulit kay Nanay Milva at sinabing ako na lang. Inagaw ko sa kaniya ang ginawa niya pero hindi ito nakinig sa akin.
"Ako na rito, sige na kumain ka na muna," saway ni Nanay Milva sa akin at siya na ang nagpatuloy sa aking ginagawa kanina.
She waved her hand to dismiss me from my position.
"Thank you, Nay," malambing kong sabi at niyakap siya nang mahigpit bago ako pumunta sa aking upuan.
Napapangiti ako nang matikman ko ang pagkain. Sobrang sarap nga ng ulam kaya excited akong bigyan si Petrus.
At hindi ako mahihiya dahil maipagmamalaki ko ang lasa ng ulam.
Nang makarating sa school ay excited na akong makita si Petrus ngunit loaded ang schedule ko sa umaga kaya tanghali ko na siya pwedeng makita.
Gustuhin ko mang pumuslit ay hindi pwede kaya kahit namimis ko na siya ay tiniis ko ang sarili na huwag siyang puntahan.
"Oh, bakit ngumingiti kang mag-isa riyan para kang nasisiraan ng bait," saway ni Ergie habang kinakalabit niya ang aking tagiliran.
Napasinghap ako sa kaniyang ginawa kaya inikutan ko siya ng aking mga mata.
"Basta secret," ganti kong sagot.
"Oy, nag de-daydream ka siguro kay Petrus!" malakas niyang sabi.
Ergie teases me, but I ignore her. When the prof heard a noise from us, he would have scolded us but finally the bell rang and save us.
"Kasalan mo!" Turo ko sa kaibigan. "Muntik na talaga, mabuti na lang at tumunog ang bell," I told her, complaining because of what she did.
Inirapan niya ako. "May pa secret-secret ka pa kasing nalalaman. Eh, pwedeng mo namang ibulong sa akin. Kung bakit may pangiti-ngiti ka pa riyan? Ano ba talaga ang dahilan?" she said disgustedly to me and rolled her eyes.
"Correction, hindi ano ang tanong? Kundi sino?" maarte kong sabi at kunwaring pinapaypayan ko ang aking sarili.
She made a sharp look at me and smirked at me. She also arranged her belongings one by one, and so I did.
I took my little mirror from the bag and looked at my face side by side.
I applied a little powder to keep it myself from looking haggard and spread a little lipstick to my pale lips.
Ergie signaled to me several times that we were leaving. She is in a hurry because she said she is starving. I got up immediately and followed her.
"Dawn, bilisan mo gutom na gutom na ako," atat na atat nitong wika at nauna nang maglakad sa akin.
"Oo ito na," tugon ko sabay malalaking hakbang ng mga paa ko para maabutan siya.
Diretso lang ang kaniyang lakad sa pasilyo nang bigla niya akong nilingon at tiningnan kung ano ang hawak ko.
"Ngayon ko lang napansin, may dala ka pa lang paper bag?" pasimple niyang tanong.
"Nagtanong ka pa, eh halata namang hindi ka interesado," reklamo ko sa kaniya.
I glared at him as we walked towards the cafeteria. I just heard her, tsk me and didn't talk to me anymore.
Natawa na lang ako dahil naisip kong ang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng best friend na may ugaling ganito kasungit.
Siguro noong nagsaboy ng kabaitan ang kalangitan siguro ay nakatulog siya sa kwarto.