Game

1914 Words
“He is really handsome when he smiles like this…” Kanina pa ako nakatitig sa isang picture ni Justin na kakaupload lang ng kapatid niyang si Jace. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-accept ni Justin ang friend request ko sa kahit na saang social media accounts niya. Hindi ko tuloy alam kung active pa ba ang mga ‘yon dahil imposible namang hindi niya napapansin ang halos araw-araw na pagsubok ko na mag-send sa kanya ng friend request! O baka naman sinasadya niya lang na deadmahin? Bumuntonghininga ako at muling napatitig sa picture niya. Isang buwan na ang nakalipas simula noong nagpasya ako na sumubok na magpapansin sa kanya pero wala namang nangyari dahil hirap na hirap akong lapitan siya. Kahit ang mismong bodyguard ni Justin ay hindi ako pinansin dahil mukhang takot na mawalan ng trabaho kapag tinulungan akong makalapit sa Boss niya! Mariing napapikit ako. Nauubusan na ako ng paraan para magpapansin sa kanya. Kahit sa mga social media accounts ay hindi man lang active! Ang tanging pag-asa ko na lang na makita at malapitan siya ay sa darating na groundbreaking ceremony ng project niya kasama ang kumpanya namin. Kaya pinaghahandaan ko na talaga ng bongga ang araw na ‘yon. Kaya halos lahat ng iutos ng mga kuya ko ay sinusunod ko para may excuse ako na pumunta sa groundbreaking ceremony kahit na hindi naman dapat ako kasali doon! Tumunog ang phone ko kaya agad na napatingin ako doon at napangiwi nang makita ang isang message galing sa Kuya Yuji ko. Sa lahat ng mga kuya ko ay siya talaga ang pinaka nagte-take advantage sa pagiging mabait ko lately! “Ano na naman kayang iuutos nito?” Bumuntonghininga ako at agad na binasa ang message niya. Kuya Yuji: Do you have crepe bandages in your place? Kumunot ang noo ko nang mabasa ang message niya. Kahit na hindi na ako tumayo para i-check kung meron ako ay alam kong wala dahil hindi ko naman kailangan ‘yon. Agad na nagreply ako sa message niya. Me: I don’t. Why do you need that? Did you hurt yourself? Muling ibinaba ko ang phone ko at saka napatingin ulit sa picture ni Justin. Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa picture niya. Palagi siyang seryoso at sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinaka suplado at hindi mahilig ngumiti. And that is really okay for me because if he smiles often then I’m gonna faint because of his smile! “Hmmm! Ang gwapo mo!” Gigil at ngiting-ngiti na bulalas ko habang nakatingin pa rin sa picture niya. Natigil lang ang pag ngiti ko nang muling tumunog ang phone ko para sa panibagong reply ng Kuya Yuji ko. Kuya Yuji: Buy some crepe bandages for me, Yura. ‘Wag ka nang lumabas. D’yan ka na lang bumili sa pharmacy sa ibaba. Kuya Yuji: Hurry up. I need that ASAP. Mariing napapikit ako at napatingin sa oras. Alas otso pa lang ng umaga pero kung makapag utos na kaagad siya sa akin ay ganun ganun na lang! Inis na tumayo ako at inayos ang sarili. “Gosh! Matapos lang talaga itong groundbreaking ceremony ay hinding hindi n’yo na ulit ako mauutusan!” Gigil na bulalas ko bago tuluyang lumabas sa unit ko para bilhin ang inuutos niya sa akin. Walang pasok sa trabaho at dapat ay nag rerelax lang ako habang nakatingin sa mga pictures ni Justin pero itong mga kapatid ko ay hindi talaga ako hinahayaan na makapag relax! “Why the hell does he need these?” Nakasimangot na bulong ko matapos makabili ng crepe bandages sa pharmacy. Halos padabog na pinindot ko ang doorbell sa unit ni Kuya Yuji nang nasa harapan na ako. Kuya Yke, who is the eldest among us, is also living here. Kaming tatlo nina Kuya Yuji ang nandito sa floor na ito at sa itaas na floor naman ang pangalawa sa panganay kong kuya na si Kuya Yosef. Ang pinaka bunso sa mga kuya ko na si Kuya Yexel ay nasa ibabang floor naman. Hindi naman kami palaging dito sa YBSB umuuwi dahil kapag weekend ay dapat ay nasa bahay kaming lahat dahil iyon ang gusto ni Daddy. Nagkataon lang na nasa ibang bansa silang dalawa ni Mommy dahil may business trip si Daddy kaya hindi kami umuwi sa bahay ngayong weekend. Bumukas ang pinto ng unit ni Kuya Yuji kaya binigay ko agad sa kanya ang pinapabili niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang itsura niya. Nakatukod ang kaliwang braso niya sa crutch at mukhang injured ang isang paa niya kaya agad na nagpanic ako. “What happened to you, Kuya? Are you alright? Bakit ka may saklay–” “I’m fine. Don’t worry about me,” mabilis na pigil niya sa akin at saka agad na inagaw sa akin ang crepe bandages na pinabili niya. Takang-taka pa rin ako habang nakatingin sa kanya. “Are you going to put that alone? Hindi ba dapat ay sa hospital ka pumunta para sila ang maglagay niyan–” “I can do it. You go back to your unit now, Yura. Bilisan mo,” mabilis at mariing taboy niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang iwanan na lang siya at saka bumalik sa unit ko. Pero hindi talaga ako matahimik dahil wala namang sinasabi ang ibang kuya ko tungkol sa nangyari kay Kuya Yuji. Ni hindi ko alam kung paano siyang na-injured! Ilang sandali pa akong nanatili sa unit ko bago nagpasya na bumalik sa unit niya para i-check kung maayos ba siya doon. Sa itsura niya kanina ay parang kung hindi dahil sa crutch ay hindi na siya makakalakad! “Just what the hell happened to him?” Curious na curios na bulong ko habang naglalakad palabas sa unit ko. “Okay lang, Boss. Pwede naman akong umuwi sa susunod na linggo…” Hindi ko pa gaanong nabubuksan ang pinto ng unit ko ay nasilip ko na ang Kuya Yuji ko na may kausap na lalaki. Kumunot ang noo ko at agad na naisarado ulit ang pinto ng unit ko nang makilala at mamukhaan ang lalaking kausap ni Kuya Yuji! “Oh, my gosh! What is that bodyguard doing here?” Hindi makapaniwala na bulong ko nang makilala ang bodyguard ni Jared Mijares. Kahit na isang buwan ko na siyang hindi nakikita ay malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang mga nangyari noong unang beses na sumubok ako na magpapansin kay Justin. At nakita pa talaga ng bodyguard na ‘yon ang lahat ng kamalasan ko sa araw na ‘yon! Nakakainis! Hindi ako mapakali kaya muling binuksan ko ang pinto ng unit ko. Dahan-dahan ang ginawa kong pagbukas para lang masilip sila at malaman ang dahilan kung bakit kausap siya ng Kuya Yuji ko. “Pasensya na talaga, bro. Hindi kasi ako pwedeng maglaro bukas ng gabi dahil dito kaya kailangan kong humanap ng kapalit ko…” Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Kuya Yuji. Kapalit? Pinapunta niya dito ang bodyguard na ‘yon para maglaro ng basketball para sa kanya? “Ayos lang, Boss. Matagal tagal na rin naman akong hindi nakakapaglaro.” Narinig kong sagot ng bodyguard kay Kuya. What is that bodyguard’s name again? Mark? I’m not even sure! “Salamat talaga, bro. Pero sigurado naman akong maipapanalo mo ‘yon. You play really well!” Bulalas ni Kuya na para bang hangang hanga sa bodyguard na kausap niya. “Tsk!” Hindi ko maiwasang mapailing habang nakatingin sa kanilang dalawa na nagtatawanan. Ilang sandali pa ay umalis na rin agad ang bodyguard kaya natingin ako kay Kuya Yuji na hinatid pa ng tingin ang bodyguard na ‘yon hanggang sa tuluyang nakasakay na sa elevator. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto ng unit ko at nagpasyang usisain si Kuya Yuji tungkol sa ginawa niyang pagkausap sa bodyguard na ‘yon. “Kuya–” Bago pa ako makapagsalita at makalapit sa gawi ni Kuya Yuji ay bumagsak na sa sahig ang crutch na tinutukuran niya. Muntik pa akong mapatili sa gulat kaya hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanya nang malakas na sumigaw siya. Nakatayo na rin siya ng maayos at tumalon pa ng isang beses kaya mas lalong umawang ang bibig ko. Akala ko ba injured ang binti niya?! Paanong nakatalon ng mataas?! “Yes! I’m fūcking free tomorrow night!” Bulalas pa niya at muling tumalon kaya tuluyan na akong natigilan habang nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa akong nakatingin sa kanya nang tuluyang napagtanto ang sitwasyon. “Are you just faking your injury, Kuya Yuji?” Hindi makapaniwalang bulalas ko. Inutusan niya pa ang bodyguard na ‘yon para maglaro kapalit niya kahit na hindi naman talaga siya injured! Napatingin si Kuya Yuji sa akin at saka humalukipkip bago ako inutusan na lumapit sa kanya. Habag naglalakad ako palapit sa kanya ay saka lang nagiging malinaw sa akin ang pagpapanggap na ginawa niya. Wala man lang kahit na anong sugat o kaya ay galos sa binti niya! Wala ring palatandaan na injured nga siya dahil hindi man lang namamaga ang binti! “What the hell are you up to, Kuya?” hindi ko na napigilan na komento nang tuluyang nakalapit sa kanya at natitigang mabuti ang binti niya na maayos na maayos naman. Humalakhak pa siya kaya napangiwi ako nang mag angat ng tingin sa kanya. “Am I good?” nakangising tanong niya pa kaya mas lalong umawang ang bibig ko. “What the hell was that?” tanong ko. Ngumisi siya bago nagpaliwanag. “I have a date tomorrow night,” ngiting ngiti na sagot niya. “Hindi ako makakapaglaro kaya kinuha ko si Mark para maglaro para sa akin. You know Yke will kill me if I won’t participate in that sports event. Kaya ginawan ko ng paraan.” Mukhang proud na proud pa sa sarili na paliwanag niya bago hinawakan ang magkabilang braso ko. “Don’t tell them anything. Ang alam nila ay injured talaga ako kaya hindi ako makakapaglaro,” nakangising pagpapatuloy niya pa bago nakangising pinisil ang pisngi ko at saka tumalikod na para bumalik sa loob ng unit niya. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay muling pumihit siya pabalik sa akin at saka nagsalita. “By the way, you are not going anywhere tomorrow night, right?” sambit niya. Nagsalubong agad ang mga kilay ko dahil alam kong may kung ano na naman siyang iuutos sa akin! “Kuya, no way–” “You badly wanna go to that groundbreaking ceremony, right?” mabilis na pigil niya sa sinasabi ko kaya tuluyang napamaang ako. What the heck?! “Don’t worry… I got you…” ngiting ngiti pa na sambit niya kaya hindi ako nakapagsalita! “Kaya pumunta ka bukas sa sports complex para i-record ang game. Focus only on Mark. I freaking wanna know what he will do to win that game…” tuloy-tuloy na utos niya pa bago tuluyang tinalikuran ako! “What?!” gigil na bulalas ko nang nawala sa paningin ko si Kuya Yuji. “Did he just ask me to watch a basketball game? That boring sport?! Seriously?!” malakas at hindi makapaniwalang bulalas ko. Mabuti naman sana kung maglalaro si Justin doon! That game will be so boring without Justin! Bahala si Kuya Yuji pero hinding hindi ako pupunta at gagawin ang inuutos niya! “Hell no! No way!” gigil na bulalas ko bago inis na inis na nag martsa pabalik sa unit ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD