Conscious

1558 Words
Nakasimangot ako habang dala dala ang isang video camera na sadya pang dinala ni Kuya Yuji sa unit ko para gamitin sa pagkuha ng video habang naglalaro ng basketball ang bodyguard ni Jared Mijares! Sa sobrang inis ko ay halos hindi ako nakatulog kagabi. Kung hindi ko gagawin ang gusto niya ay baka hindi pa ako makapunta sa groundbreaking ceremony! Iyon na lang ang naiisip kong paraan para makita at makausap si Justin pagkakatapos ay mapupurnada pa dahil lang sa pesteng game na ‘to! “What’s so special about that bodyguard? Bakit ba kasi kailangan pang kuhanan ng video habang naglalaro?!” Pagpasok sa sports complex ay natanaw ko na agad ang mga kuya ko. Sa gitna nila ay ang lalaking suot ang jersey ni Kuya Yuji. Napangiwi ako at nagsimulang maglakad malapit sa bench nila. Ang bilin ni Kuya Yuji ay ang bodyguard lang na ‘yon ang kuhanan ko ng video kaya kailangan kong lumapit sa pwesto niya para mas madali akong makakuha ng video. “What are you doing here, Yura?” Palapit pa lang ako sa gawi nila ay nalingunan na ako ni Kuya Yosef kaya kitang-kita ko agad ang pagtigil ng seryoso niyang mga mata sa akin. Sa lahat ng kuya ko ay si Kuya Yosef ang pinaka seryoso sa lahat. Halos pareho sila ng personality ni Justin pero si Kuya Yosef ay wala talagang interes sa mga babae. Kung meron man siyang naging girlfriend ay puro boring ang personality ng mga babaeng ‘yon dahil hindi man lang ako kinakausap! Takang-taka siya nang tuluyang nakalapit ako kaya inangat ko ang hawak kong video camera. “Kuya Yuji asked me to film the game,” sagot ko at saka napatingin sa lalaking nasa gitna nila. Nakatingin na rin siya sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkunot ng noo niya. I know that he recognized me! Shìt! “Really? Is Yuji’s legs getting better?” Usisa ni Kuya Yexel habang nakatingin sa akin. Nagmura si Kuya Yke kaya napatingin na rin ako sa kanya. “That asshøle is just faking his injury, Yexel. Naniwala ka naman agad sa gagong ‘yon!” iritadong bulalas ni Kuya Yke kaya napangiwi na rin ako. Hindi ko alam kung likas talaga sa mga panganay ang makilala ng mabuti ang mga kapatid nila. Pero si Kuya Yke ay kilalang kilala kaming lahat. Alam na alam niya kung kailan kami nagsisinungaling at kung kailan kami may ginagawang kalokohan. Of course, kasama na sa nalalaman niya ang paghahabol ko kay Justin! “Did you just come here to film the game?” seryosong tanong ni Kuya Yosef kaya napalingon ako sa kanya. Halatang halata ang pagdududa sa mga mata niya kaya hindi ko tuloy alam kung paanong magpapaliwanag. “Of course she wouldn’t dare coming here if Yuji didn’t promise her anything,” sagot ni Kuya Yke kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Nakasimangot siya at halatang hindi gusto ang ginagawa kong paghahabol kay Justin! “What is it, Yura?” mariin at seryosong usisa ni Kuya Josef kaya napamaang ako at agad na umiling sa kanya at nagpaliwanag. “It’s just nothing–” “She likes someone and she’s going too far to be with him,” mariing sambit ni Kuya Yke kaya napamaang ako at agad na nag-init ang mga pisngi sa kahihiyan lalo na at kaharap pa naman namin ang bodyguard ng kuya ni Justin! “The heck, Yura? Para lang sa lalaki? Sino ba ‘yan? Bakit hindi siya ang pumorma sayo?” gigil na bulalas ni Kuya Yexel kaya mas lalo akong napamaang lalo na at nakikita ko sa mga mukha ng mga kuya ko na hindi sila makapaniwala na magagawa kong maghabol sa isang lalaki! “Stop stooping so low for a guy, Yura. You are a Romualdez. Hindi dapat ikaw ang naghahabol,” kunot ang noo na sermon pa ni Kuya Yexel sa akin. “Whoever that guy is, I don’t like him for you, Yura…” seryosong sambit ni Kuya Yosef kaya awang ang bibig na napatingin ako sa kanya. Minsan lang siyang mag komento at siguradong kapag sinabi niya ay seryoso na siya doon! Hindi ko pa nga naipapakilala sa kanya si Justin ay mukhang wala na kaagad pag-asa na pumasa sa kanya! “Kuya Yosef, –” Hindi ko na naituloy ang pagsasalita dahil lumapit na siya sa bodyguard ng kuya ni Justin at saka kinuha ang hawak nitong bola. “Let’s start warming up, Mark…” Nang napatingin ako sa mukha ng bodyguard ay nakita kong sumulyap pa siya saglit sa akin bago sumunod kay Kuya Yosef. Naiiling na binaba ni Kuya Yke ang phone niya sa bench bago naglakad na palapit sa court. Si Kuya Yexel ay naiwan at nanatiling nakatitig sa akin kaya kumunot ang noo ko. “What?” paangil na tanong ko. Sa lahat ng kuya ko ay siya ang pinakamadalas kong kaaway. Nanliit ang mga mata niya bago nakapamewang na hinarap ako. “If Yosef says no to that guy then it’s basically a no for all of us, Yura,” sambit niya at halatang halata ang pang aasar sa tingin na binabato sa akin! “I don’t care what you guys will say! Hindi naman kayo ang magpapakasal sa kanya kaya hindi kayo ang masusunod!” Napipikon na bulalas ko. Tumawa siya ng nakakaloko bago tumaas ang kilay sa akin. “Magpapakasal, Yura? Maging boyfriend mo pa nga lang ay siguradong mahihirapan na siya sa amin,” sambit niya at ngumisi ng nakakaloko bago tumakbo palapit sa court. Naglapat ang mga labi ko at agad na napamura. Kulang na lang ay ibato ko sa kanya ang video camera na hawak ko dahil sa sobrang inis! It’s fine as long as Kuya Yuji will help me! Napairap ako at tiningnan ang gawi ng mga kuya ko na nagsisimula ng mag warm up. Simula pa lang ay naka-shoot na kaagad ang bodyguard ng kuya ni Justin kaya napangiwi ako lalo na nang makita na ngiting-ngiti sa kanya ang mga kuya ko. Nang nagsimula ang game ay tumayo pa ako sa gilid ng court para makunan na mabuti ang Mark na ‘yon. Huminga ako ng malalim at nagsimulang itapat sa kanya ang camera. Siya ang magpapasok ng bola sa loob ng court kaya tinutok ko sa mukha niya ang camera. Natigil siya sa ginagawang pag dribble sa bola at kunot ang noong nilingon ako. “Anong ginagawa mo, Miss?” tanong niya. Mukhang hindi niya gusto ang ginagawa kong pagkuha sa kanya ng video kaya tumaas ang kilay ko. “I’m just filming the game. Don’t mind me and just continue playing,” pasupladang sagot ko. Ilang sandali pa siyang tumitig sa camera bago nag-angat ng tingin sa akin. “Hindi ako makakapag laro ng maayos kung itututok mo sa akin ang camera,” kunot ang noong saway niya kaya bumuntonghininga ako at hindi na nakapagpigil na tarayan siya. “Edi ‘wag kang tumingin dito! Problema ba ‘yon, kuyang bodyguard?!” gigil na bulalas ko. Sinermonan na nga ako ng mga kuya ko ay ‘wag niyang sabihin na dadagdag pa siya! Naiiling na binalik niya ang tingin sa hawak na bola at saka nagpatuloy sa pag-dribble. Muling tinutok ko ang camera sa kanya at sinunod ko ang bilin ni Kuya Yuji na siya lang ang kuhanan. Kaya habang naglalaro ay napapatingin siya sa gawi ko at tumataas ang kilay ko sa tuwing masasalubong ko ang tingin niya sa camera! In fairness, magaling nga siyang maglaro. Halos kalahati ng puntos ng team nila kuya ay sa kanya galing. “Oh, my God…” mahinang bulalas ko nang tumalon si Mark at nakipag agawan sa bola. Sa tangkad at taas niyang tumalon ay nakuha niya ang rebound at agad na naipasa kay Kuya Yke na nag-aabang sa malapit. Na-shoot ni Kuya Yke ang bola kaya tuwang tuwa siya nang lumapit sa gawi ni Mark. “Stop filming, Yura. You are distracting Mark! Damn it!” Inis na saway sa akin ni Kuya Yexel nang isang beses na nakalapit siya sa gawi ko. Hindi naman mukhang distracted ang Mark na ‘yon. Ang galing pa ngang maglaro kaya paanong nadidistract?! Nagpatuloy pa ang game hanggang sa natapos ang first half. Umupo muna ako sa bench at tiningnan ang video na nakuha ko. Lumapit ang mga kuya ko at isa-isang umupo. “Ano ba ‘yan? Ang lamig ng pawis!” reklamo ko nang mapadikit ang braso ko sa kung sinong umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako ay naabutan ko si Mark na nakatingin sa akin. Umawang ang bibig ko dahil hindi ko akalain na siya ang huling umupo at napatabi sa akin! Gumalaw siya at saka pinunasan ng towel ang braso ko na napadikit sa braso niya na basang basa ng pawis! “Ayos na ba, Miss?” tanong niya pa matapos punasan ang braso ko. Napalunok ako at hindi na nagsalita habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko naman kasi akalain na pupunasan niya ang braso ko! Nang mapansin niya ang titig ko ay agad na tinakpan niya ng towel ang mukha niya at saka agad na pinunasan. Kinagat ko ang ibabang labi at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya dahil natatawa ako! Mukhang na-conscious pa sa itsura dahil alam niyang basang basa siya ng pawis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD