Pagpasok ni Mark sa loob ng kwarto ay pasimpleng iginala ko ang tingin sa buong paligid. Malinis talaga at amoy malinis ang buong kwarto! “Gosh… Nakaka turn on naman…” Hindi ko mapigilang bulong lalo na nang tuluyang mapasadahan ko ang buong kwarto at napansin na malinis na malinis nga ang paligid. One thing I noticed was that his place doesn’t smell like cigarettes. Alam kong naninigarilyo siya pero hindi nangangamoy usok ng sigarilyo ang kwarto niya. Ilang sandali lang ay lumabas na si Mark at nakasuot na siya ngayon ng puting sando. He brushed his hair up which stunned me for a while! Shìt! Bakit ba habang tumatagal ay palakas talaga nang palakas ang dating niya?! Naglakad siya palapit dito sa inuupuan ko pero hindi ko maalis ang tingin sa mukha niya. Isang hindi kahabaan na couch