Totoong natulog si Mark sa unit ko pero hindi ko alam kung anong oras siyang umalis. Nang i-check ko ang phone ko pagkagising ay wala naman siyang message kaya bumuntonghininga ako at napasimangot. Ang aga aga pa pero naiinis na agad ako. Kagabi ay halos hindi ako nakatulog sa kakaisip sa mga nangyari sa aming dalawa. Alam kong nagsinungaling ako sa kanya pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na humingi ng paumanhin at makapag paliwanag. Hindi tuloy ako mapakali sa kakaisip kung ano ang posibleng nasa isip niya. “Shìt!” mariing mura ko at agad na bumangon. “He is completely bothering my mind! Mukhang mas malala pa yata ang nararamdaman ko sa kanya ngayon kesa sa naramdaman ko kay Justin!” Inis na inis na bumangon ako at agad na naghanda para puntahan siya. I don’t think I will hav