Tahimik ako at hindi alam kung ano ang mararamdaman habang hinahayaan si Mark na hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami palabas sa elevator. Pagbaba na pagbaba pa lang namin ay naririnig ko na ang boses ng mga kasama niyang bodyguards. Puro lalaki sila dito kaya maingay at madalas na nagtatawanan at nagbibiruan. Huminto sa paglalakad palapit sa gawi ng dining area si Mark kaya napahinto rin ako at nagtatakang napatingin sa kanya. Ilang sandaling tumitig siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko. “What?” tanong ko. Hindi ko na nga maintindihan ang nararamdaman ko ay patitig titig pa siya ng ganito sa akin! “Balak mo bang sabihin kay Boss Justin na boyfriend mo ako kung magtatanong siya?” tanong niya. Napakurap ako at hindi na nagdalawang isip na sagutin ang tanong niya. “He knew,” sag