“I like Justin Mijares…” seryosong sambit ko kay Mark nang nakababa na kami sa bundok. Alam ko naman na alam niya na may gusto ako kay Justin pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang ulit-ulitin ‘yon dahil lang biglaan siyang nawala sa isip ko habang pababa kami ni Mark sa bundok. Dahil sa awkward na pangyayari sa pagitan namin kanina ay tahimik kaming nagpatuloy sa pagbaba. He was carefully carrying me in his back. At habang nakasakay ako sa likuran niya ay walang ibang naging laman ang isip ko kung hindi siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. And I feel like if I wouldn’t voice it out, I would forget the very reason why I came here in Tagaytay today. Masyado kasing naging distracted ang utak ko dahil sa mga ipinakita at pinapara