Tinotoo nga ni Mark ang sinabi niya na magsasabi na siya sa akin kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya. Hiyang-hiya ako sa mga sinabi ko pero dahil mukhang wala lang naman sa kanya ang mga sinabi ko ay nakalimutan ko rin agad ang tungkol doon. Friday ng umaga nang sabihin sa akin ni Kuya Yuji na hindi siya sasabay na umuwi mamayang gabi sa bahay dahil maglalaro pa raw siya ng basketball sa complex kasama ang mga Mijares. “Edi bukas na lang din ako uuwi, Kuya…” mabilis na sambit ko kaya napatigil siya sa gagawing pagbalik sa unit niya at kunot ang noong hinarap ako. Sa paraan ng paninitig niya sa akin ay parang alam ko na kung ano ang ibig sabihin no’n. Siguro ay iniisip niya na mag-i-stay ako dito para manood ng basketball game dahil alam kong maglalaro si Justin! “Yura, you