Hindi Nakatiis

1121 Words
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa bodyguard ng kuya ni Justin. Parang biglang huminto sa pag-function ang utak ko nang ipagpilitan niya na tatawagan si Justin para itanong kung talaga bang magkakilala kami. Hindi naman pasmado ang mga kamay ko pero parang kahit ang mga paa ko ay mamamawis dahil sa sobrang tensyon na nararamdaman habang nakatingin sa kanya na hinihintay na sagutin ni Justin ang tawag! Oh, my gosh! Anong gagawin ko kapag sinabi ni Justin sa kanya na hindi niya ako kilala? Of course he doesn’t know me! Kung kilala man niya ako sa pangalan ay maliit na maliit lang ang chance at hindi pa sigurado kung magbibigay siya ng consideration dahil doon kahit na wala naman akong apointment sa kanya! Malamig ang aircon dito sa loob ng sasakyan pero halos hindi ko maramdaman! Kabadong kabado ako at parang paisa-isa na lang ang pagpintig ng puso ko! What the hell is wrong with this bodyguard? Alam ko naman na parte ng trabaho niya ang maging metikuloso sa lahat ng bagay lalo na at may kinalaman sa mga Boss niya pero masyado naman yata niyang ginagalingan! At ngayon pa talaga siya tinamaan ng pagiging tamang hinala! Pwede naman sanang bukas na lang kapag hindi na ako ang kasama niya! “Tatandaan ko talaga ang mukha mo at hinding-hindi kita iimbitahan kapag kinasal na kami ni Justin!” Mahinang mahina at halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang ‘yon. Kumukunot ang noo niya habang naghihintay pa rin na sagutin ni Justin ang tawag niya. Ano na, kuyang bodyguard? ‘Wag sanang sagutin ang tawag mo! Ilang sandali pa siyang nanatili sa ganung posisyon bago bumaling sa akin at binaba ang hawak na cellphone. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na napagkamalan ako ng lalaking ito na masamang tao. Kung ganito pala pumorma ang mga masasamang tao na na-encounter na niya ay ibang-iba na pala ang panahon ngayon! Agad na napakislot ako sa kinauupuan nang dumiin ang titig niya sa akin. “Hindi sinasagot ni Boss Justin ang tawag ko,” sambit niya. May pagdududa pa rin sa mga mata niya habang nakatingin sa akin pero parang may kung ano sa paraan ng paninitig niya sa akin na hindi ko maintindihan kaya hindi ko na maiwasang magtanong. “Are you seriously thinking that I would do something bad to any of your bosses?” Hindi makapaniwalang tanong ko na. Wala naman akong ibang sinabi sa kanya kundi gusto kong sumabay papunta sa site dahil narinig ko na naroon si Justin. Kaya hindi ko maintindihan kung paano niya akong napag isipan ng masama! Umiling siya at saka yumuko para ibalik sa bulsa niya ang cellphone na hawak. Binalik niya rin sa akin ang ID at calling card ko kaya nagtatakang sinalubong ko ang tingin niya. “Do you believe me now?” tanong ko habang hindi iniiwanan ng tingin ang mukha niya. Bumuntonghininga siya at saka binaling ang tingin sa harapan ng sasakyan. “Hindi sa naniniwala na ako at sa intensyon mo. Naisip ko lang na wala ka namang mapapala kung iniisip mong gumawa ng masama,” paliwanag niya at saka muling binalik ang tingin sa akin. Halos mapakislot ulit ako sa diin at seryoso ng ginagawa niyang paninitig sa akin! What the hell? Bakit ba nakaka-intimidate ang titig ng lalaking ‘to? “Ayaw na ayaw ko ang nananakit ng mga babae dahil mahal ko ang Nanay ko at puro babae ang mga kapatid ko,” seryosong sambit niya kaya mas lalo akong napamaang sa mukha niya. “Pero kung may balak kang gawin na masama ay hindi ako magdadalawang isip na patulan ka, Miss.” Literal na umawang ang bibig ko matapos marinig ang sinabi niya. Kahit yata totoong masamang tao ay maaantig ang damdamin dahil sa sinabi niya! Umayos ako ng upo at saka taas ang noong hinarap siya. Wala naman akong kabalak balak na magbaba ng pride para sa kahit na sino pwera nalang kung para kay Justin Mijares! “‘Wag kang mag-alala, kuya. Wala akong intensyon na gumawa ng masama. And if you are not really comfortable with my presence then you can just drop me here. Mag-ta-taxi na lang siguro ako papunta sa site para makausap si Justin,” tuloy-tuloy na sambit ko at saka hindi na nagdalawang isip na buksan ang sasakyan para makababa. Malakas na malakas ang ulan at napapamura na ako pagkababa ko pa lang sa sasakyan. Hindi pa ako nagtatagal na nakalabas ay basang basa na agad ako! Paano pa akong magpapakita kay Justin na ganito ang itsura? “Shìt! Why does it have to rain today? Ang dami namang araw na pwedeng umulan ng malakas pero bakit ngayon pa talaga?” Gigil na gigil ako habang nakatingin sa daan para mag-abang ng taxi na dadaan. Ilang sandali lang ay narinig kong bumukas ang sasakyan sa harapan ko at lumabas mula doon ang bodyguard ng kuya ni Justin. May dala na siyang payong at agad na lumapit sa akin kaya inis na tiningala ko siya. “I don’t need that,” mariing tanggi ko. Mukha na nga akong basang sisiw sa harapan niya pagkatapos ay bibigyan niya pa ako ng payong! Anong iisipin ng mga tao na makakakita sa akin sa ganitong kalagayan? Na may payong naman ako pero hindi ko ginamit dahil takot akong mabasa ang payong ko?! Hinawakan niya ang kamay ko at saka pilit na binigay sa akin ang payong. Salubong ang mga kilay ko nang muling tingalain siya. “Hindi mo ba ako narinig? I said I don’t need this umbrella–” “Kahit na hindi mo kailangan ay tanggapin mo pa rin ito,” pamimilit niya kaya kagat ang ibabang labi na nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Didn’t you hear me?! Ayoko nga sabi! Hindi ko kailangan ng payong–” “Ayaw ko lang na isipin ka nang isipin hanggang mamaya dahil lang pinabayaan kitang mabasa ng ulan. Kaya tanggapin mo na itong payong, Miss…” pamimilit niya pa at saka tuluyang pinahawak sa akin ang payong bago mabilis ang kilos na tumakbo pabalik sa sasakyan! Magwawala na sana ako sa sobrang inis pero nang naramdaman ko ang kapirasong papel na kasama ng handle ng payong ay kunot ang noong napatingin ako doon at binasa ang nakasulat. Parang inilipad sa kung saan ang inis na nararamdaman ko nang mabasa sa papel na binigay ng bodyguard ang eksaktong address kung saan naroon si Justin! Hindi ko napigilan ang ngiti ko at muling nag-angat ng tingin sa sasakyan pero nakalayo na ito sa akin kaya kagat ang ibabang labi na napatitig ulit ako sa kapirasong papel na binigay niya. Tsk! Hindi rin naman pala makatiis na hindi ako tulungan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD