Lugaw

2009 Words
Kahit na medyo natagalan ako sa pag-aabang ng taxi papunta sa site kung nasaan si Justin Mijares ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip. Kanina pa ako patingin tingin sa kapirasong papel na binigay ng bodyguard ng kuya ni Justin kung saan nakasulat ang address ng site. Medyo malayo pa ito dito pero alam kong hinding hindi ako maiinip sa biyahe! At bakit naman ako maiinip kung masusulit naman ang pagpunta ko doon dahil makikita at makakausap ko si Justin? Hanggang sa nakapag abang na ako ng taxi ay hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Praktisado ko na ang mga sasabihin ko sa kanya mamaya! Kagabi pa lang ay iniimagine ko na ang mga sandali na makakausap ko siya! Alam kong wala naman kaming ibang pwedeng pag-usapan kundi ang project na gagawin niya kasama ang kumpanya namin kaya doon ako mag fofocus. Kung kinakailangan na gamitin ko ang pamilya namin para lang may masabi akong kapakipakinabang sa kanya ay gagawin ko! Halos hindi tuloy ako mapakali sa kakangiti habang nakasakay sa taxi. Para hindi ako mainip ng todo sa biyahe ay inabala ko ang sarili ko sa pag aayos sa sarili ko. Basang basa ako kanina ng ulan kaya pinatuyo ko nang pinatuyo ang buhok ko at saka nag retouch na rin para mag mukha naman akong presentable sa harapan ni Justin. Ilang beses ko pang paulit ulit na sinilip ang sarili ko sa salamin habang pangiti-ngiti. Hindi pa rin ako mukhang matured kagaya ng mga babaeng type ni Justin pero hindi naman ako mukhang sobrang bata sa porma ko. “Malay niya naman ay magbago ang preference niya kapag nakita at nakausap niya ako. Baka biglang hindi na niya gustuhin na magkaroon ng girlfriend na mas matured sa kanya. Baka mas gustuhin na niya ang mas bata!” ngiting-ngiti na bulalas ko habang nakatingin sa salamin. Nakita ko pa ang ginawang pagsilip sa akin ng taxi driver mula sa rearview mirror kaya agad na umiling ako at ngumiti sa kanya. Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng isang vacant lot na may mataas na bakod. Unang kita ko pa lang ay alam kong construction site na ang nasa gilid ko kaya halos tumalon ang puso ko sa sobrang excitement na nararamdaman! “Mukhang maputik ang daan papasok sa loob, Hija. Ayos lang ba na dito na kita ibaba?” Narinig kong tanong ng taxi driver. Muling napatingin ako sa labas at nakita na malakas pa rin ang ulan kaya may point naman siya na magsabi na ‘wag nang ipasok sa loob ang sasakyan. “Okay lang po. May payong naman ako,” masigla at nakangiti pang sambit ko sa driver bago inabot ang bayad at saka kinuha ang payong na binigay ng bodyguard ng kuya ni Justin. Pagbaba ko pa lang sa taxi ay halos mapamura na ako dahil sa lakas ng ulan. Kahit na may payong ako ay parang nawawalan ng silbi iyon dahil sa lakas ng hangin dito sa site! Napatingin ako sa suot kong itim na slingback pumps. Kagat ang ibabang labi na napatingin ako sa dadaanan ko papasok sa construction site. Maputik ang daan at siguradong lulubog ang pumps na suot ko. Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang naglakad sa gilid dahil wala pang putik sa gawing ‘yon. Mataas ang bakod kaya hindi ko matatanaw ang loob ng site. Huminga ako ng malalim at saka dali-daling hinubad ang suot kong pumps. Mas okay siguro kung maglalakad na lang ako ng nakayapak papasok sa loob. It is too risky to walk while wearing these pumps! Baka madapa pa ako ay mas lalo akong magmukhang ewan mamaya sa harapan ni Justin! Besides, pwede naman akong maghugas ng paa mamaya pag nakapasok na sa loob ng site! Kagat ang ibabang labi na naglakad ako sa putikan na nakayapak. Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad lalo na at malakas ang hangin. Kahit na hindi gaanong malakas ang buhos ng ulan kumpara kanina ay nababasa pa rin ako dahil hinahangin papunta sa akin ang ulan. “Gosh! Mukhang papunta na yata sa bagyo itong ulan!” Naiinis na bulalas ko habang hinahawakan ang mahigpit ang payong na dala ko. Malapit na akong makatawid sa maputik na daan nang lumakas ang ihip ng hangin at tuloy-tuloy na nilipad ang payong na dala ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mapangiwi habang pinapanood ang payong na mabilis na nilipad ng hangin palayo sa gawi ko. “Kainis! Bakit ba ang malas malas ko naman yata ngayong araw?!” Binilisan ko ang kilos at agad na nakatawid sa maputik na daan. Tuloy-tuloy na naglakad ako at hindi ko na alintana ang daan kahit na masakit na sa talampakan dahil nakalampas na ako sa putikan. I immediately walked towards the improvised wooden backyard shed to fix myself. Kahit mahina ang ulan ay nabasa pa rin ang buhok ko kaya agad na binaba ko ang bag ko at inayos ang sarili. May gripo rin sa malapit kaya agad na naglakad ako palapit doon at mabilis ang kilos na hinugasan ang mga paa ko. Binalik ko ang pumps sa mga paa ko at tumakbo pabalik para makalilim dahil nagsisimula na namang lumakas ang ulan. Bumuntonghininga ako nang nakabalik sa wooden shed at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Nang natapos at nasiguro kong maayos na ang sarili ko ay nagsimula akong magtingin tingin sa paligid. Tahimik na tahimik at mukhang wala nang gumagawa sa construction dahil sa sama ng panahon. Bumuntonghininga ako at saka nagpasyang umupo na muna para maghintay kung titila ang ulan kahit na alam kong imposible na tumigil kaagad. Pero isang oras na ang lumipas at medyo nakakaramdam na ako ng gutom ay hindi pa rin tumila ang ulan. Hindi ko naman masilip ang building na katabi nitong wooden shed kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Justin! Lumipas pa ang isang oras pero habang nagtatagal ako dito sa construction site ay mas sumasama ang lagay ng panahon. Kagat ang ibabang labi na napatingin ako sa dinaanan ko kanina. Mas tumaas ang tubig kaya siguradong mas naging maputik na ang dinaanan ko kanina. Kaya kahit na ayaw ko pa sanang umalis ay nagpasya na akong umuwi na lang. Nilabas ko ang phone ko para makapag book ng taxi pero sa sobrang malas ko ay agad na namatay iyon at nawalan ng baterya! “Oh, my God! What the hell is this? Anong ginawa kong mali para malasin ako ngayong araw na ‘to?” Halos hindi ko na namalayan na naghintay na pala ako ng limang oras sa site kaya sobrang frustrated na ako lalo na at wala akong magawa para makaalis dito. Hindi naman ito along the highway para makapag abang kaagad ako ng pwede kong masakyan pauwi! Sunod-sunod na ang mura ko dahil sa pinaghalong frustration at gutom na nararamdaman. Kanina pa rin tumutunog ang tiyan ko at kanina pa ako uhaw na uhaw! Kung wala pang tumunog na sasakyan ay hindi pa ako mabubuhayan ng loob. Agad na umayos ako ng tayo at saka hinintay ang pagdaan ng sasakyan dito. Parang nilipad sa kung saan ang frustration at gutom na nararamdaman ko nang mapagtanto na si Justin na panigurado ang paparating! “Shìt! Sulit na sulit ang paghihintay ko ng matagal dito kung siya ang maghahatid sa akin pauwi!” Ngiting ngiti na ako at kung saan saan na lumipad ang isip dahil sa naiimagine ko! Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang sasakyan pero umawang ang bibig ko nang tuloy-tuloy na umandar lang iyon kahit na alam kong nakita na ako ng driver! “What the hell?” Hindi ko mapigilang bulalas habang hindi makapaniwalang napatingin sa humarurot na sasakyan sa harapan ko. Sa sobrang bilis ng andar ng sasakyan ay halos magtalsikan ang mga putik sa gawi ko kaya hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko habang nagpupunas ng mga putik na tumalsik sa akin! “Shìt!” iritadong mura ko. Halos magpapadyak na ako sa sobrang inis dahil hindi madaling matanggal ang ibang putik na dumikit sa suot ko! “Ayos ka lang ba, Miss?” Sa gitna ng frustration na nararamdaman ko ay may lalaking nagsalita hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang mag angat ako ng tingin ay naabutan ko ang bodyguard ng kuya ni Justin. Nakatayo siya sa harapan ko at walang suot na pang itaas! Basa ng ulan ang katawan at buhok niya. Halos mapuno ng putik ang construction boots na suot niya. Ano ba talaga ang lalaking ‘to? Bodyguard? Driver? O construction worker? Bago pa ako makapag isip ay naglakad na siya palapit sa akin. Agad na napaatras ako nang mapagtanto ang itsura niya. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya umangat ang mga kamay niya at saka tinakpan ng braso ang katawan! “Pasensya na. Tumulong kasi ako sa construction para mas mabilis na matapos ang trabaho bago pa tuluyang bumuhos ng malakas ang ulan,” paliwanag niya. Huminga ako ng malalim at saka napatingin sa dinaanan ng sasakyan na kakaalis lang. “Si Justin ba yung umalis?” tanong ko. Kung sasabihin niya na si Justin ‘yon ay mas lalo lang akong maiirita dito kaya sana ay hindi na lang si Justin ‘yon! “Hindi. Si Boss Jace ‘yon, kapatid niya…” paliwanag niya. Tumango agad ako. Dahil sa sinabi niya ay nabuhayan ako ng loob at agad na napatingin sa likuran niya. “Talaga? Ibig sabihin ay nasa loob pa si Justin?” tanong ko habang sinasalubong ang tingin niya. Kumunot ang noo niya at ilang sandaling napatitig sa akin bago nagsalita ulit. “Hindi mo ba natanggap ang message ko kaninang tanghali?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko. “Message? Just how the hell would you be able to leave me a message? Hindi mo naman alam ang cellphone number ko–” “Alam ko,” mabilis niyang pigil sa sinasabi ko kaya napamaang ako sa mukha niya. “Binigay mo ang calling card mo kanina ‘di ba? Kaya nakita ko at nasaulo ko ang number mo,” pagpapatuloy niya. Natigilan ako at hindi nakapagsalita habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit parang natameme akong bigla dahil sa sinabi niya. Kung hindi pa siya nagpatuloy sa pagsasalita ay hindi pa ako matatapos sa kakatitig sa mukha niya! “Hindi ko naabutan si Boss Justin dito kanina. Ang sabi ng mga trabahador ay umalis at hindi nila alam kung saan pumunta. Kaya nag-iwan na lang ako ng message sayo para hindi ka na mag-abala na pumunta dito sa site,” tuloy-tuloy na paliwanag niya. Kulang ang salitang frustrated para i-describe ang eksaktong nararamdaman ko. Inis na inis ako at ngayon ko nararamdaman ang pagod dahil sa ginawa kong paghihintay ng matagal dito! “Hindi mo ba natanggap ang message ko, Miss?” tanong pa ng lalaki sa harapan ko kaya kagat ang ibabang labi na umiling ako. “I didn’t,” sagot ko at saka napatingin sa bag ko. “My phone was drained,” pagpapatuloy ko at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Natigil lang ang pakikipag titigan ko sa kanya nang malakas na tumunog ang tiyan ko. Napamura ako at agad na napahawak sa tiyan ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatingin na rin siya sa tiyan ko kaya halos mag-init ang buong mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman! Halos itago ko na ang mukha ko sa kanya at gusto ko na lang na magpakabasa na sa ulan at tumakbo palayo! “Kumakain ka ba ng lugaw?” tanong niya na nagpatigil sa kung anong iniisip ko. Sunod-sunod na napalunok ako. Pagkarinig ko pa lang sa sinabi niya ay muling naramdaman ko na naman ang gutom kaya wala sa sariling tumango ako. “Dito ka na lang para hindi ka na mabasa ng ulan. Ikukuha na lang kita ng lugaw sa loob,” sambit niya bago mabilis ang kilos na tinalikuran ako at pumasok sa loob ng building kung saan siya galing kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD