YURA’S POV
Malakas na malakas ang ulan habang nasa byahe kami papunta sa kung nasaan si Justin. Mabagal rin ang pagmamaneho nitong bodyguard na kasama ko kaya kanina ko pa siya sinisilip sa rearview mirror para naman iparamdam ko sa kanya na inip na inip na ako sa bagal ng pagmamaneho niya. Kanina pa ako excited na excited na makita si Justin pero sa byahe pa lang ay parang aabutin na kami ng siyam siyam dahil sa sobrang bagal ng pagmamaneho niya!
Tumikhim ako at hindi na napigilang magpapansin sa bodyguard na kasama ko. Kahit ilang beses ko yata siyang tanawin sa rearview mirror at mag initiate ng eye contact ay hindi niya ako sinisilip pabalik! Tahimik na tahimik din siya habang nagmamaneho at pakiramdam ko ay wala talaga siyang pakialam sa pagkainip na nararamdaman ko dito sa backseat!
At bakit nga naman siya magkakaroon ng pakialam sa nararamdaman mong pagkainip, Yura? Nakikisabay ka lang ay ikaw pa ang may ganang mag demand!
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Maaga pa naman at mukhang sigurado naman ang kuya ni Justin na nasa site talaga siya kaya wala akong dapat na ipag-alala na hindi namin siya maaabutan doon. Ang iniisip ko lang ay baka naging maayos na ang mood niya at saka nagpasya na mag attend ng project briefing.
Paano kung hindi namin siya abutan doon dahil sa bagal ng pagmamaneho ng lalaking ‘to?
Muling huminga ako ng malalim at saka nilakasan na ang loob na makipag usap sa kanya pero tumunog ng malakas ang phone niya at sinagot niya agad ang tawag. Ni hindi ko man lang nagawang silipin kung sino ang tumatawag sa kanya dahil sa bilis ng kilos niya na abutin ang phone para sagutin ang tawag.
That call must be important for him to answer it right away!
“Bossing…” sagot niya sa nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at litong lito na inisip kung sino ang Bossing na tinatawag niya. Mukhang Boss niya rin naman si Justin kaya mas lalo akong naguluhan at na-curious kung sino ang tumatawag sa kanya!
“On the way pa lang, Bossing. Malakas kasi ang ulan…” narinig kong sambit niya sa kabilang linya. Humilig pa ako palapit sa harapan para lang subukang pakinggan ang boses ng kausap niya pero hindi ko talaga marinig! Wala akong marinig! Kung maririnig ko lang ang boses ng kausap niya ay kayang kaya kong kilalanin ang boses ni Justin! Ang kaso lang ay hindi ko marinig! So hassle!
“Sige, Bossing. Tatawag ako kaagad pagdating sa site…”
Iyon lang ang sinabi niya sa kausap kaya napasimangot ako dahil sobrang tipid at limitado lang ng mga sinabi niya kaya wala man lang akong napapala sa pakikinig ko dito!
Parang ang hirap namang maki-tsismis kung ganito katipid magsalita ang papakinggan!
Bubulong bulong pa ako habang nakatingin sa likuran niya kaya hindi ko namalayan na nakasilip na pala siya sa akin sa rearview mirror! Nagulat pa ako at kulang na lang ay mapasinghap nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light at tuluyang nilingon niya ako.
“Anong problema, Miss? May kailangan ka ba?” tanong niya habang sinasalubong ang tingin ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya.
Medyo gwapo rin naman pala ‘to. Hindi lang kasing level ng kagwapuhan ni Justin pero may dating din naman!
Gumalaw ang mga labi niya kaya bumaba ang tingin ko doon. Nang mag angat tuloy ako ng tingin sa mga mata niya ay naabutan ko siyang kunot ang noo at mukhang nahalata ang ginawa kong paninitig sa mga labi niya.
Oh, my God! He didn’t catch me staring at his lips, did he? Tell me you didn’t catch that!
Inasahan kong magtatanong siya at sisitahin ako pero tahimik lang siya at nanatili lang ang tingin sa akin. Maya-maya ay nagsalita na siya kaya napakislot ako sa narinig kong pagdududa sa boses niya.
“Kay Boss Justin ba talaga ang punta mo, Miss?” tanong niya. Punong puno na ang pagdududa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin pero hindi ko pa rin eksaktong matukoy kung ano ang iniisip tungkol sa akin!
Sunod-sunod na tumango. “Yeah. Why? Are you doubting me?” tanong ko at saka sumubok na tarayan siya para ma-intimidate sa akin pero mukhang hindi man lang siya naapektuhan! Diretso pa rin ang titig niya sa mga mata ko at pakiramdam ko ay ako pa yata itong naiintimidate niya dahil sa ginagawa niyang paninitig!
“Isa ka ba sa mga babaeng naghahabol sa kanya?” diretso at prangkang tanong niya kaya hindi ko na naitago ang pagkamangha sa ginagawa niyang pagtatanong!
“Anong sinabi mo?” Hindi makapaniwala na tanong ko habang nakikipag titigan sa kanya. Bumuntonghininga pa siya at saka binaling ang tingin sa harapan dahil umusad na ang traffic. Nagulat pa ako nang itabi niya ang sasakyan kaya kulang na lang ay magdikit na ang mga kilay ko sa inis!
Ang bagal na nga niyang magmaneho pagkatapos ay itatabi niya pa ang sasakyan!
“Why the hell did you stop the car?” Hindi ko na naiwasang angil nang tuluyang inihinto niya ang sasakyan at saka nagtanggal ng seatbelt at muling hinarap ako.
“Miss, wala kang mapapala sa akin kaya bumaba ka na,” sambit niya kaya muling umawang ang bibig ko habang nakatitig sa mukha niya.
“What?” litong-lito na tanong ko dahil hindi ko makuha ang kung anong ibig niyang sabihin. Bumuntonghininga pa siya at saka nilabas ang phone at muling tumingin sa akin.
“Ibigay mo na lang sa akin ang pangalan mo, Miss, para matawagan ko si Boss Justin at itanong kung talagang kilala ka niya,” sambit niya kaya mas lalo akong napamaang sa mukha niya! Napalunok ako at agad na kinalma ang sarili.
Relax, Yura! He is just testing you! Don’t let him intimidate you! Bodyguard lang ‘yan!
“Ayaw mong ibigay?” pangungulit niya pa kaya agad na pinigilan ko siya.
“Excuse me lang huh, kuyang bodyguard? Pero hindi ako katulad ng iniisip mo–”
“Kung hindi ka isa sa mga babaeng naghahabol sa mga Boss ko ay anong dahilan bakit nandito ka? Wala ka namang mapapala sa akin kung carnapper o holdaper ka. Insured ang sasakyan na ‘to kaya kahit nakawin mo ay hindi rin magtatagal sayo. Magpapagod ka lang,” tuloy-tuloy na paratang niya kaya hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
Did he just… mistook me as a thief? Oh, my God! Teka lang! Parang hindi ko yata kakayanin ang lalaking ‘to!
“Oh, my God! Wait! Wait lang naman, kuyang bodyguard!” mariin at pigil na pigil ang gigil na bulalas ko. “So, iniisip mo ba na masamang tao ako?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Hindi siya nagsalita at mukhang iyon talaga ang tingin niya sa akin kaya gusto ko nang magwala dito! “Seriously?! Sa itsura kong ‘to?!” Hindi ko na mapigilan ang i-flex ang mukha ko sa harapan niya!
“Bakit? Nasa itsura ba ang paggawa ng mabuti o masama?” tanong niya pa na para talagang ipinanganak siya sa mundong ito para subukin kung gaano kahaba ang pasensya ko at kung ano ang kaya kong gawin para lang makarating na kami kung nasaan si Justin Mijares ngayon!
Gigil na kumilos ako para maglabas ng ID at ilan pang patunay na hindi ako kagaya ng iniisip niya!
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako napagkamalang carnapper at holdaper! The audacity of this bodyguard! Matatanggap ko pa ang stalker pero ang carnapper at holdaper ay masyado naman yatang nakakainis!
Halos ibato ko na sa kanya ang ID at calling card ko! Inis na inabot ko ang malaking kamay niya at saka padabog na nilagay sa palad niya ang mga ‘yon.
“There! Tingnan mong mabuti kung sino ako!” inis na bulalas ko habang nakatitig sa kanya. Kumunot ang noo niya bago tiningnan ang mga ‘yon at binasa ang pangalan ko.
“Architect Yura Romualdez?” sambit niya sa pangalan ko kaya sunod-sunod na tumango ako at humawak sa dibdib para mas lalo pang ipakilala ang sarili ko sa kanya.
“Yes! Does my surname ring a bell? Well, it’s because I am the daughter of–”
“Sandali lang, Miss. Hindi talaga kita kilala kaya tatawagan ko muna si Boss Justin para itanong kung kilala ka niya,” mabilis na pigil niya sa sinasabi ko kaya mas lalong umawang ang bibig ko at iritadong inagaw sa kanya cellphone niya!
Nagsalubong ang mga kilay niya at saka napatingin sa cellphone niya na nasa kamay ko.
“Hindi mamahalin ang cellphone ko kaya wala ka ring mapapala d’yan,” sambit niya pa kaya tuluyan nang umawang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha niya.
Seriously?! Saang planeta ba galing ang lalaking ‘to?!