Kung hindi pa nagsimulang sumara ang elevator ay hindi pa gagalaw si Mark para pigilan ang pinto sa pagsara! Ang akala ko ay bababa na siya dahil nandito na sa parking lot pero hindi siya bumaba kaya pumasok ako sa elevator at tahimik na pumindot sa panel. Umayos ako ng tayo at nakita kong nakatingin siya sa akin kaya kahit na nag aalangan ako ay kinausap ko na siya. “Where are you going?” I casually asked because I don’t why I’m feeling a bit nervous now that he’s standing next to me! “Pabalik na sana sa trabaho,” sagot niya. Hindi ko na naiwasan na mag angat ng tingin sa kanya. Mukha namang hindi siya kabado habang kausap ako dahil pormal na pormal pa rin ang mukha! What the hell? Am I the only one who’s feeling awkward around him? Bakit ba parang mas naging intimidating pa siya ngayo