I didn’t know how I managed to still act normal after what happened to me and Mark in my unit! Natapos ang game nila para sa araw na ‘yon pero hindi nakipag usap sa akin si Mark bago siya umalis sa Young Bucks Society Building. It’s not like I was expecting him to approach me after the game. Hindi lang mawala sa isip ko kung ano ang posibleng naiisip niya dahil sa nangyari sa amin. “Hindi naman natuloy. So, basically… walang nangyari sa amin…” bulong ko habang nakatitig sa phone ko. Buong maghapon yata akong hindi mapakali dahil sa pag aabang sa message ni Mark. It’s the weekend and I am here at our house in Blue Meadows. Wala pa namang gaanong magawa dito kaya mas lalo ko lang tuloy na naiisip ang mga nangyari sa amin ni Mark kahapon! Inis na bumangon ako at nagsalubong ang mga kilay h