I kept on hearing news about Justin and his upcoming wedding. Kahit dito sa opisina ko sa LEF ay naririnig ko silang nag uusap tungkol doon lalo na at magiging isang malaking event daw ‘yon para sa Mijares dahil sabay-sabay silang magkakapatid na ikakasal! “Siguro naman ay matutuloy na ‘yan. Imposibleng hindi matuloy dahil tatlong Mijares ang ikakasal…” Kasabay ng pag-uusap ng ilang empleyado tungkol sa kasal ng magkakapatid na Mijares ay nasasali rin sa usapan ang tungkol sa kasal sana ni Architect Sven Dela Torre sa bunsong kapatid at nag-iisang kapatid na babae ng mga Mijares. Ang alam ko ay hindi natuloy ang kasal ng mga ito dahil umano sa third party. At ang third party ay ang mismong bestfriend pa ni Architect Sven. And I doubt if that was true. Oo nga at malapit si Architect Sven