Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay agad kong hinanap sa inbox ko ang number ni Mark. Mabuti na lang at hindi ako nag dedelete ng mga messages kaya siguradong nasa phone ko pa ang number niya dahil nagsend siya sa akin ng message na ‘wag na akong pumunta sa site noong nakaraang buwan. Pero dahil drained ang phone ko ay hindi ko natanggap ng maaga ang message niya kaya naghintay tuloy ako ng sobrang tagal kay Justin doon! Nang nahanap ko ang number ni Mark ay agad na sinubukan ko siyang tawagan para tingnan kung active pa ang number niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas kaya imposible namang nagpalit na kaagad siya ng number. Ring lang nang ring ang phone niya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nanliit ang mga mata ko at saka lumabas ng kwarto at muling sumubok na tawagan siya