“Dito ka na lang umupo, Miss Yura…” Napatingin ako kay Mark nang magsalita siya. Nakapasok na kami sa lobby ng main building at nabanggit niya na corporate house pala ito ng mga Mijares. Ang kabilang building ay ang annex pero hindi na ako nag-usisa pa tungkol doon. Maluwang at malinis ang loob at halatang alaga sa linis ng mga nakatira kahit na puro sila lalaki dito. “Is it really okay for us to talk here?” tanong ko at agad na napatingin sa mga kasama niya na halatang halata na nakatuon ang atensyon sa amin. Hindi ko pa naman nabawi ang sinabi ko sa kanila kanina na girlfriend ako ni Mark kaya siguradong iyon ang iniisip nila kaya sila nakatingin sa amin. “Ayos lang naman na mag-usap dito,” sambit ni Mark kaya binalik ko ang tingin sa kanya. Bumuntonghininga ako at saka umupo na para