Blackmail

1939 Words
Kanina pa ako nakatitig sa kisame habang iniisip ang bodyguard ng kuya ni Justin. Dinala ko siya dito sa unit ko dahil hindi ko naman alam kung saan siya nakatira! Kung dadalhin ko naman siya pabalik sa unit ni Kuya Yke ay siguradong magtataka si kuya kung bakit kasama ko ang Mark na ‘yon! “Right. Dapat lang naman talaga na dalhin ko siya dito dahil baka mapahamak pa siya sa daan.” Umayos ako ng higa at muling sumubok na matulog pero hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang event na pupuntahan ni Justin bukas. Kaya ko lang naman inabangan ang Mark na ‘yon ay dahil gusto ko siyang tanungin tungkol doon. Ang kaso lang ay lasing siya at nakatulog kaya paano ko naman siyang tatanungin tungkol doon?! Inis na inis ako at hindi mapakali kaya kahit hating gabi na ay bumangon pa ako at lumabas sa kwarto para tingnan ang lagay ng bodyguard ng kuya ni Justin. Dahil masyado siyang matangkad at mabigat ay sa couch sa living room ko na lang siya pinatulog. Mahaba naman ang couch pero hindi ko sigurado kung hindi siya mahuhulog doon lalo na at lasing pa siya! Maayos naman siya kahit na lasing at hindi na ako namroblema dahil hindi naman siya maingay. Ang mga kuya ko ay marami pang inuutos na kung anu-ano kapag lasing pero ang Mark na ‘yon ay tahimik at natulog na lang agad nang ibaba ko sa couch. I did not bother to turn the lights on. Maliwanag naman ang living room ko dahil sa glass curtain wall kaya kitang-kita ko siya kahit na walang ilaw. Naglakad ako palapit sa couch at sinilip siya. Tumaas ang kilay ko nang makitang ganun pa rin ang ayos niya kung paano ko siyang iniwan kanina! “Whoa… I like this guy’s attitude when he’s drunk…” nakangising sambit ko habang nakatingin sa kanya. Behave na behave at mukhang hindi naman siya mahuhulog dito dahil hindi man lang naglikot sa pagtulog! Ilang sandali pa akong tumitig sa kanya habang iniisip kung paano ko siyang tatanungin tungkol sa event na pupuntahan ni Justin bukas. “Should I wake him up and ask about that? Siguro naman ay sasagutin niya ako ngayon dahil lasing siya?” Kagat ang ibabang labi na umupo ako sa gilid ng couch at saka dahan-dahang tinusok ang pisngi niya. He didn’t wake up. Kahit gumalaw ay hindi niya ginawa. I guess he is really drunk and in a deep sleep! Anong gagawin ko? Sumubok pa ulit akong tusukin ang pisngi niya pero hindi pa rin siya nagising. I tried to touch the tip of his nose but he did not even wake up. Ilang sandali pa akong napatitig sa mukha niya bago nakapag isip ng ibang paraan para magising siya. Nang mapatingin ako sa tenga niya ay agad kong naisip na hawakan iyon. Karamihan sa mga tao ay sensitive ang tenga kaya kung hahawakan ko ang tenga niya ay baka sakaling magising na! Hindi na ako nagdalawang isip at hinawakan na ang tenga ni Mark. Agad na gumalaw ang mga mata niya pero hindi dumilat kaya napangisi ako at muling inulit na hawakan ang tenga niya. “Hmm…” Umungol siya at kumunot ang noo pero hindi pa rin dumilat kaya hinawakan ko pa ulit. This time, I gently pinched his earlobe. Tuluyan na siyang gumalaw at saka hinawakan ang tenga niya na hinawakan ko. Hindi pa rin siya dumilat pero kunot na kunot ang noo kaya sinubukan ko nang kausapin. “Mark…” mahinang tawag ko at sinadyang ilapit ang bibig sa tenga niya. “Hmm?” sagot niya kaya ilang sandali pa akong napatitig sa mukha niya. I can’t believe that he’s answering me! “Are you awake?” tanong ko. Ilang sandaling tumahimik siya at hindi sumagot kaya sumubok ulit akong ilapit ang bibig sa tenga niya. “Mark…” tawag ko ulit. “Hmm?” muling sagot niya at hinawakan ang tenga na binubulungan ko kaya muling napatitig ako sa mukha niya. Nakapikit pa rin siya at hindi ko talaga alam kung alam niya ang mga sinasabi niya o sadyang subconscious niya lang ang sumasagot sa akin! “May itatanong ako sayo,” pagpapatuloy ko habang nakatitig sa mukha niya. Unti-unting dumilat ang mga mata niya kaya muntik pa tuloy akong mapaatras lalo na at hindi na niya inalis ang titig sa akin! “A-are you… awake?” alanganing tanong ko. Ang mga mata niya ay halatang inaantok at mukhang napilitan lang na dumilat kaya agad na nag alangan pa ako kung itutuloy ang pakikipag usap sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at nanatili lang ang titig sa akin kaya kumunot ang noo ko. Mas lalo pa akong napamaang nang gumalaw ang isang kamay niya at saka umangat para hawakan ang pisngi ko! Oh, my God! What the hell is he doing?! Nagkamali ba ako ng akala na behave siya kapag lasing?! “Miss Yura?” mahinang mahina na sambit niya sa pangalan ko kaya napalunok ako at saka napatitig sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko pang itutuloy ang pakikipag usap sa kanya lalo na at hindi ko alam kung nasa huwisyo na ba talaga siya ngayon. Pero nang muling gumalaw ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko ay saka ko lang tuluyang napagtanto na wala pa siya sa huwisyo! He is definitely not going to do this if he’s conscious of what he’s doing! Halos ayaw nga niya akong harapin at kausapin kapag nagkikita kami! Imposible namang hahawakan niya pa ang mukha ko! He is definitely drunk and doesn't know what he’s doing! “Kilala mo ako?” tanong ko. Hindi naman ako dapat na nakikipag usap sa kanya dahil alam kong lasing siya pero baka lang naman sakaling may mapala ako kapag nakipag usap ako sa kanya ngayon! “Hmm,” halos paungol lang na sagot niya at saka mabagal ang ginawang pagkurap. Damn it! He’s falling asleep! Kailangang madaliin ko na ito! “Sino ako?” tanong ko. “Miss Yura,” mahinang sagot niya at saka mabagal na namang kumurap. “May itatanong ako sayo,” pagpapatuloy ko. “Sagutin mo ha?” sambit ko habang nakatitig sa kanya. Binaba niya ang kamay at saka muling pumikit kaya umawang ang bibig ko at tinawag ulit siya. “Mark?” tawag ko. “Ayokong sagutin…” mahinang sambit niya kaya tuluyan na akong napamaang habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha niya. Nakapikit na siya at mukhang matutulog na ulit na hindi man lang naririnig ang itatanong ko! What the hell?! Lasing na at lahat ay madamot pa rin sa information?! “Umalis ka na,” sambit niya ulit kaya muling napatitig ako sa mukha niya. “Hindi ka dapat dumadalaw sa panaginip ko dahil wala kang mapapala sa akin…” papahinang sambit niya pa at saka tumalikod ng higa at yumakap sa sandalan ng couch! Hindi makapaniwala na tumayo ako at gigil na iniwan na siya doon! Hindi ko alam kung gaano ako katagal bago nakatulog dahil sa inis sa Mark na ‘yon! Hanggang sa pagtulog niya ay hindi pa rin talaga nagbibigay ng information tungkol kay Justin! Masyadong loyal sa mga Mijares! Nakakainis talaga! Sana pala hindi ko na lang siya pinatulog dito! Dahil puyat na puyat ako kagabi ay halos hindi ko marinig ang doorbell ng kung sino sa labas ng kwarto ko. Bumuntonghininga ako at saka napatingin sa oras. It’s already eight in the morning. Baka gising na si Mark at hindi siya makalabas na hindi nagpapaalam sa akin! Tamad na tamad akong bumangon para pagbuksan siya ng pinto ng kwarto. “Boss Yke, uuwi na ako–” Agad na napatigil si Mark sa pagsasalita nang makita ako. Mukhang gulat na gulat siya at hindi inaasahan na ako ang makikita niya sa halip na ang Kuya Yke ko. Kung nagulat siya pagkakita sa akin ay napasinghap ako at nawala ang antok nang makita ang itsura niya. Wala siyang suot na pang itaas kaya bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Mabilis ang kilos na tumalikod siya at saka mabilis na sinuot ang damit na hawak. Bakit siya nakahubad? Nang muling humarap siya sa akin ay halos hindi niya masalubong ang tingin ko kaya tumaas ang kilay ko. “Si… Si Boss Yke? Tulog pa ba? Akala ko kasi siya ang gumagamit ng master bedroom,” tuloy-tuloy na paliwanag niya kaya muntik pa akong matawa dahil inakala niya pa yata na nasa unit pa rin siya ni Kuya Yke. Hindi ko naman siya masisi dahil halos pare-pareho ang itsura ng mga unit sa floor na ito kaya hindi talaga niya maiisip na nasa ibang unit siya ngayon. “Of course I am using the master bedroom because this is my unit,” paliwanag ko. Unti-unting nag-angat siya ng tingin sa akin at saka umangat ang kamay para saluhin ang noo. “Pero bakit nandito ako–” “Bakit nga ba nandito ka?” mabilis na pigil ko sa pagtatanong niya. Alam kong litong-lito siya pero dahil sa inis ko sa pagdadamot niya ng information ay gusto ko pa siyang lituhin pa lalo! Mukhang wala pa namang maalala sa mga nangyari kagabi kaya mas lalong ang sarap asarin at paglaruan! “Pasensya na, Miss. Hindi ko kasi maalala. Lasing na lasing yata ako kagabi. Hindi ko alam kung paano akong… napunta dito sa unit mo…” tuloy-tuloy na sambit niya. Nakatulala siya sa isang side habang sinasabunutan ang buhok habang nag-iisip kaya kagat ang ibabang labi na pinigilan ko ang sariling tumawa. This guy is cute. Kaya lang ay masyadong loyal sa mga amo niya kaya nawawala ang pagka-cute! “Wala kang matandaan sa mga ginawa mo?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang mabagal na paggalaw ng Adam’s apple niya kaya mas lalo akong natatawa. “May… may ginawa ba akong masama sayo?” tanong niya. Halatang kabado siya kaya hindi muna ako nagsalita para tumagal pa lalo ang kaba niya! “Hmm… meron,” sagot ko kaya nakita kong umawang ng bahagya ang mga labi niya at hindi nakapagsalita. Muntik na akong mapangisi kaya agad na tinaboy ko na siya bago pa ako tuluyang matawa sa harapan niya. “Umuwi ka na muna. Saka na lang tayo mag-usap kapag maayos ka na,” pormal na pormal na pagtataboy ko sa kanya. Ilang sandali pa siyang tumayo sa harapan ko kaya tinaasan ko na ng kilay. “What?” tanong ko. Napalunok siya at ilang beses na kumurap bago hinawi pataas ang buhok. “Pwede bang pag-usapan na lang natin na tayong dalawa lang, Miss? ‘Wag mo na lang sanang banggitin sa… sa mga kuya mo…” sambit niya. Halatang kabado siya kaya tuwang-tuwa ako. Gusto kong magsisigaw sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay pwede ko nang magamit ang nangyari sa kagabi para makakuha ng information mula sa kanya! Tumikhim ako at saka pasupladang sinalubong ang tingin niya. “Sure! Let’s talk when you’re ready to settle this,” pormal na pormal na sambit ko at saka hindi na nagdalawang isip na talikuran na siya para bumalik sa kwarto dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na tumawa! Nang naisado ko ang pinto ay halos mapaupo ako sa sahig dahil sa kakatawa! “At last! Nakahanap din ng paraan para makalapit ng todo kay Justin!” natatawa kong sambit habang nasa isip pa rin si Mark. Hindi maalis sa isip ko ang kabadong kabado na itsura niya kaya maghapon akong nakangisi! Ang dali lang naman palang i-blackmail ng lalaking 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD