SIMULA
Madaling araw pa lang ay gising na si Yura. Halos hindi yata siya nakatulog magdamag kahit na nga ba alas otso pa lang ng gabi ay nakahiga na siya.
Excited na excited siya sa pag-attend sa gaganaping briefing ng upcoming collaboration project ng family business nila kasama ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa, ang Rosswin Realty. Their main business, which is the Romualdez and Co. Estates are in line with mining and property development. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa pag-attend sa event kagaya nito dahil sa isang dahilan.
Nalaman niya na kasama sa project si Justin Mijares, ang engineer na matagal na niyang lihim na hinahangaan! Kung hindi dahil kay Justin ay sukdulang mag attend siya sa event na ‘yon kung saan alam niyang maboboring lang siya dahil hindi siya interesado sa business nila. Mas priority kasi ng business nila ang land banking kahit na malapit lapit naman ang interes niya sa kung ano ang pwedeng i-offer ng business nila.
Isang taon pa lang simula noong nakapasa siya sa board exam para maging isang ganap na architect at masaya siya sa pagtatrabaho bilang isang junior architect sa Lopez Engineering Firm. Isang malaking Engineering firm ang LEF at personal na kakilala ng Daddy niya ang kasalukuyang President ng LEF na si Engr. Gelo Lopez.
Sa pamilya nila ay siya lang ang hindi interesado sa pag manage sa main business nila. Apat ang kuya niya at siya lang na bunso at nag-iisa pang babae ang hindi interesado sa business nila. At dahil bunso siya at paborito ng Daddy niya ay hinahayaan lang siya ng parents niya na gawin ang gusto niya. Pero alam niya na may hangganan ang pagpayag ng mga ito sa mga ginagawa niya. Kaya sa ngayon ay ine-enjoy na lang muna niya ang pagiging malaya.
Tumunog na ang alarm na sinet niya para magising ng maaga at magkaroon ng sapat na oras para sa pupuntahan na event. Sa sobrang excited niya na makita si Justin sa malapitan ay nauna pa siyang nagising bago tumunog ang alarm clock! Ngiting-ngiti siya habang ini-imagine ang mukha ni Justin.
“Good morning, Justin! See you later!” Bulalas niya at saka agad na bumaba sa kama.
Masyadong mapili sa project si Justin kaya ngayon na nalaman niya mula sa kuya niya na makakasama ito sa upcoming project ng kumpanya nila ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin sa Daddy niya na gusto niyang mag attend sa project briefing. Matagal nang gusto ng Daddy niya na magkaroon siya ng interes sa business nila kaya pinayagan siya nitong mag attend sa project briefing kahit na confidential sana ‘yon at tanging mga kasama lang sa project ang dapat na pumunta.
Sinadya niyang magsuot ng formal para sa event para kahit papaano ay magmukha siyang matured. Matanda ng ilang taon sa kanya si Justin at ayaw niyang magmukhang batang bata sa harapan nito. Justin likes older women and she’s definitely not old! Inis na inis na nga siya sa katotohanang mahilig ito sa mga babaeng mas matanda dito ay inis na inis pa siya dahil kung hindi siya aattend sa event ay sobrang labo na mapansin siya nito!
Justin is like a star for her. He’s unreachable and yet she cannot stop wanting him. She wants him. And she wants him now. She’s tired of admiring him from afar. Gusto na niyang makuha ang kahit atensyon lang nito.
Kahit ngayon lang. Kahit isang beses lang. Kahit hindi na ulit maulit.
“What the hell are you wearing, Yura? You look like a mutt.”
Halata ang pang iinis sa kanya ng Kuya Yexel niya nang makita niya ito sa event. Agad na nanliit ang mga mata niya at hindi pinansin ang sinabi nito. Agad na pumwesto siya sa gawi ng conference hall na alam niyang makikita at mapagmamasdan niya ng mabuti si Justin mamaya.
Ngiting-ngiti siya at agad na nag-imagine. Hindi tuloy niya namalayan na sira ang napili niyang upuan at sa pag upo niya ay tuloy-tuloy na bumagsak siya dahilan para mapaupo siya sa sahig!
Napamura siya at inis na inis na tumayo para mabilis na ayusin ang sarili! No way! Hindi siya pwedeng lapitan ng kamalasan ngayong araw dahil ito na ang pinakahihintay niyang sandali para makapag papansin kay Justin!
“Do not sit here?” Inis na inis na sambit niya habang binabasa ang sobrang liit na warning sign na nakadikit sa pinakasulok pa ng upuan na napili niya! “Who the hell put this damn sign in the corner? Anong akala niya sa lahat ng tao? Malinaw ang mata?!”
Sa sobrang gigil niya ay nawawala ang composure niya kaya nagpasya siyang lumabas muna sa conference hall lalo na at wala pa naman doon si Justin dahil sobrang aga pa.
“Pumunta ka muna sa site, Mark. Wala sa mood si Justin kaya baka hindi pumunta dito kung hindi susunduin…”
Agad na napatigil si Yura sa gagawing paglabas sa conference hall nang mamukhaan ang isang kapatid ni Justin Mijares. Kilalang kilala na niya ang pamilya nito at matagal nang nabuo sa isip niya ang mga sasabihin niya sa pamilya nito kapag dumating ang panahon na ipapakilala na siya ni Justin sa pamilya nito bilang girlfriend nito.
Alam niyang sobrang advance ng isip niya pero mas mabuti na iyong handa para lumabas na natural na natural na lang kapag actual na!
“Sige, Bossing. Ako na ang bahalang sumundo kay Boss Justin.”
Nang narinig niya ang sinabi ng lalaking kasama ni Jared Mijares, ang kuya ni Justin, ay agad siyang nag panic. Kung hindi pupunta si Justin doon ay wala siyang mapapala! Sayang ang oras niya! Kailangang may mapala siya sa araw na ito! Hindi pwedeng wala!
Bago pa siya magdalawang isip na ituloy ang balak ay agad na nakalapit na siya sa lalaking inutusan ng kuya ni Justin na sumundo dito. Hindi niya alam kung sino ito at wala siyang balak na alamin. Ang gusto niya lang ay makapunta sa kung saang lupalop naroon si Justin!
“Excuse me, kuyang pogi!” Agad na tawag niya sa lalaki na naglalakad palapit sa sasakyan. Kahit na hindi niya pa nakikita ang mukha nito ay tinawag na niya agad na pogi. Walang lalaki na nakakatanggi sa ganung klase ng pambobola kaya siguradong mapapasunod niya rin ang lalaking kaharap lalo na kung gagamitin niya ang charm niya dito.
Tumigil naman ito sa paglalakad at saka humarap sa kanya. She literally held her breath when his dark and serious eyes darted on her.
Hindi naman sobrang gwapo ang lalaki pero dahil matangkad ito at maganda ang built ng katawan ay hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla siyang natulala at natameme habang nakatitig sa mukha nito.
Who the hell is this man? A driver? A bodyguard? Baka nga gano’n dahil tinawag niyang Bossing ang kuya ni Justin.
“May kailangan ka ba, Miss?” Magalang at pormal na tanong nito kaya agad siyang napakislot at halos makalimutan ang sasabihin niya.
“Ano bang… pangalan mo?” Wala sa loob na tanong niya. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili nang napagtanto ang kagagahan niya!
Tumawa siya ng alanganin at saka kinaway kaway ang isang kamay sa harapan nito.
“Don’t mind that!” Mabilis at natatawa niyang bawi bago sinabi ang gusto. “By the way, you are going to Justin, right? Pwede bang sumabay na ako sayo papunta sa kanya? I really need to talk to him and he is not here,” tuloy-tuloy at tuluyang kinalimutan ang hiya na sambit niya.
“Si Boss Justin ba ang tinutukoy mo, Miss?” pormal at seryoso pa rin na tanong nito kaya agad na tumango siya.
“Yeah. Engr. Justin Mijares,” sambit na niya sa buong pangalan nito dahil mukhang nagdududa na ang lalaki sa kanya. “It’s urgent so… Pwede bang sumabay na sayo papunta sa kanya? If you don’t mind lang naman, kuya…” tuloy-tuloy na pakiusap niya.
Ilang sandali pang tumitig ito sa mukha niya bago kumilos at saka pinagbuksan pa siya ng sasakyan kaya natulala na naman siya sa harapan nito!
Are those drivers or bodyguards of businessmen usually this gentle? Parang hindi naman ganito ka-gentleman ang mga bodyguard nina Daddy at mga kuya ko!
Hindi alam ni Yura kung sobrang natagalan lang ba siya sa paninitig sa mukha ng lalaki o sadyang mabilis lang at biglaan ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at bago pa siya makakilos para humakbang papasok sa sasakyan ay agad na nakalapit na ang lalaking kausap niya para hindi siya mabasa ng ulan!
Awang ang bibig niya nang makitang nakataas ang mga kamay nito habang hawak ang jacket na suot nito kanina at tinatakip iyon sa ulunan niya para hindi siya mabasa ng ulan!
Halos matulala na naman tuloy siya sa mukha nito habang tinitingala niya ang lalaki.
“Pumasok ka na sa loob, Miss, bago ka pa tuluyang mabasa ng ulan,” mariing utos nito at inalalayan pa siya papasok sa loob ng sasakyan!
My Dad and my brothers should consider hiring a bodyguard like this man! Baka kumuha na rin ako ng sariling bodyguard ko kung ganito sila ka-caring! Sigaw ng isip niya matapos ang ginawa ng lalaki na pag protekta sa kanya para hindi siya mabasa ng ulan!