Pagtalikod ni Architect Sven ay hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin dahil sa naabutan niyang sitwasyon. Alangan namang habulin ko pa siya at magpaliwanag tungkol sa nakita niya at kung bakit ako nandito sa unit ni Mark? Besides, I will only look guilty if I try to explain myself! Nang humarap sa akin si Mark ay mukhang hindi niya rin alam ang sasabihin niya. “Paano ‘yan–” “Wala,” mabilis na sambit ko nang sumubok na magtanong si Mark. “Wala naman akong magagawa kung nakita niya ako dito,” pagpapatuloy ko at saka napatingin sa katawan niya. “Bakit ba kasi kailangan mo pang lumabas na nakahubad?” Hindi na nakatiis na sermon ko. Kumunot ang noo niya at saka saglit na sinilip ang katawan bago muling nag-angat ng tingin sa akin. “Pasensya na. Nasanay kasi ako na puro lang kami lala