Fall Asleep

1739 Words
Nang magsimula ang second half ng game ay mas gumaling pa si Mark. Halos lahat ng attempt niya na i-shoot ang bola ay pumapasok! Kahit dalawa na ang nagbabantay sa kanya ay hindi pa rin napigilan ng kalaban ang pagdami ng lamang ng score nila kuya. Kaya sa huling dalawang minuto ng laro ay tumigil na ako sa pagkuha ng video dahil pinagpahinga na nila kuya si Mark. Hindi kagaya kanina ay medyo malayo ang pagitan namin sa bench. Siguro ay dahil nagreklamo ako kanina nang dumikit ang braso niya sa akin kaya hindi na siya tumabi ulit! Umiinom siya ng tubig habang nakatutok ang mga mata sa court. Patapos na ang laro at nakaupo na siya pero hindi pa rin niya tinitigilan ang panonood. Sa halip na sa mga kuya ko na naglalaro sa court ang tingin ko ay binaling ko ang pansin kay Mark na nakaupo sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko. Pawis na pawis pa rin siya kahit na kanina pa siya punas nang punas. Bumaba ang tingin ko sa mga braso niya. I can clearly see his biceps from here and his arms look really strong. Matangkad siya kaya natural na mahahaba rin ang mga binti niya kagaya ng mga kuya ko. Bumaba pa ang tingin ko sa sapatos niya at agad na nag-compute sa utak kung gaano kalaki ang mga paa niya. I think it’s 11.5… Gumalaw siya at tinukod ang mga siko sa magkabilang hita habang pinagdidikit ang dalawang kamay. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatingin sa mga daliri niya. His hands are big and his fingers are long. Hindi ko maalis ang titig sa mga daliri niya. Malinis ang mga kuko niya kahit na mukhang hindi naman niya pinapalinis ang mga ‘yon. Gumalaw ulit siya at saka bumaling ang tingin sa kabilang court kaya napaharap siya sa akin. Nasalubong niya ang titig ko at kumunot ang noo. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ko siya tinitingnan! Mabilis na iniwas ko ang tingin sa kanya at binaling sa court. Pumalakpak pa ako kahit na hindi ko alam kung bakit ako pumapalakpak! Hindi niya agad inalis ang titig sa akin kaya hindi tuloy ako mapakali! Nagpatay malisya na lang ako at tinuon ang pansin sa mga kuya ko na naglalaro. Nang napatingin ulit ako sa gawi ni Mark ay nasalubong niya ulit ang titig ko kaya agad na binaling ko ulit sa court. Nakita ko pang marahang hinimas niya ang batok niya at kunot ang noong binaling ang pansin sa game. Nang muli akong mapatingin sa gawi niya ay agad na hinuli niya ang tingin ko kaya huli na para mag-iwas ako ng tingin! “Kung magtatanong ka ulit tungkol kay Boss Justin ay wala ka paring mapapala sa akin…” Muntik pang umawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano! He is not yet forgetting what happened a month ago! Imposible rin naman talaga na makalimutan niya agad ‘yon dahil napagkamalan niya pa nga akong carnapper, holdaper at snatcher ng cellphone! “I am not gonna ask about him!” Pasupladang bulalas ko. Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin kaya tinaasan ko na ng kilay. Tumango lang siya at saka muling binaling na ulit ang tingin sa mga naglalaro. Umirap ako at mariing tinitigan ulit siya. Kung anu-anong iniisip nito! Natapos ang game at sobrang laki ng lamang ng team nila kuya. Tuwang-tuwa na lumapit sila kay Mark at isa-isang nakipag high five at uminom ng tubig. Lalabas na sana ako pero masyado pang maraming tao ang nagsisimula nang lumabas kaya nagpasya akong hintayin na lang sila kuya at sumabay na sa kanila sa paglabas dito sa sports complex. “We would not win if Mark didn’t stop their point guard…” Tuloy-tuloy parin sila sa pag-uusap hanggang sa tuluyan na kaming naglakad palabas sa sports complex. Hanggang sa pagsakay namin sa elevator ay kasama parin namin si Mark kaya napapakunot ang noo ko. Hindi naman siya taga dito sa YBSB kaya bakit hanggang sa elevator ay kasama pa siya. “In your unit, Yke?” tanong ni Kuya Yexel nang sumara ang elevator at nagsimulang umandar. Napatingin ako kay Kuya Yke na agad na tumango at inakbayan si Mark. “Yeah. Sa unit ko na lang. Lalasingin natin si Mark,” nakangising sagot ni Kuya Yke kaya kumunot ang noo ko. “Hindi ako pwedeng malasing, Boss. May lakad pa kami ni Bossing bukas ng tanghali,” narinig kong tanggi ni Mark pero agad na umiling si Kuya Yke. “Don’t worry about that. Tinawagan ko na si Jared. His brother Justin insisted on going to that event instead of him.” Napakislot ako at halos manlaki ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Justin! Oh, my God! Saang event naman kaya ‘yon? Nag-usap usap pa sila at umaasa akong mababanggit man lang ni Mark kung saan ang event na dadaluhan ni Justin bukas pero sobrang damot talaga sa information ang bodyguard na ‘to kaya nakakainis! Nauna nang bumaba si Kuya Yexel dahil nasa taas pa ang unit namin nina Kuya Yke at Kuya Yosef. Ilang sandali lang ay nasa floor na kami kung saan ang unit namin kaya naiwan si Kuya Yosef dahil sa susunod na floor pa ang unit niya. Bago pa sila nakapasok sa unit ni Kuya Yke ay pasimpleng kinalabit ko si Mark at sinenyasan na kung pwede ay mag-usap kami. Kumunot ang noo niya pero agad namang nagawan ng paraan na magpaalam kay Kuya Yke kaya nakahinga ako ng maluwag. “May nakalimutan lang akong sabihin kay Bossing. Pupuntahan ko lang saglit sa unit niya pagkatapos ay babalik ako dito,” narinig kong paalam niya kay Kuya Yke. Sunod-sunod na tumango si Kuya Yke. “Sure, bro. Balik ka ha? Bawal tumakas,” nakangising bilin pa ni Kuya Yke sa kanya bago tuluyang pumasok sa unit niya. Nang masarado ni Kuya Yke ang unit niya ay agad kong nilapitan si Mark. “Don’t dare tell my brothers about what happened a month ago,” mabilis na bilin ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at saka sinalubong ang tingin ko. “Wala naman talaga akong balak na sabihin sa mga kuya mo ang tungkol doon,” paliwanag niya. Ngumuso ako at hindi parin kumbinsido dahil lang sinabi niya na hindi niya sasabihin sa mga kuya ko ang ginawa kong pagpunta sa site at paghihintay ng matagal kay Justin. “Talaga? Sigurado kang hindi mo babanggitin?” nakataas ang kilay na paninigurado ko pa. Hinarap niya ako at saka mariing tinitigan. “Hindi ko babanggitin sa mga kuya mo ang ginawa mo noong nakaraang buwan. Hindi naman ako tsismoso para sabihan mo pa sa kung anong dapat kong gawin,” kunot ang noong sambit niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya awang ang bibig ko habang nakatingin sa mukha niya. He looks irritated! Oh, my gosh! Baka hindi pa sabihin sa akin kung saang event pupunta si Justin bukas! “W-wala naman akong sinabi na tsismoso ka,” alanganing sambit ko habang pinapakiramdaman ang ekspresyon niya. “Pero parang gano’n na rin ang pinapalabas mo,” sambit niya at saka muling tumingin sa akin. “Wala akong pakialam kung maghabol ka kay Boss Justin, Miss. Nananahimik ako dito. Wala akong balak na makisali sa problema mo,” pagpapatuloy niya at saka humakbang na palapit sa unit ni Kuya Yke. Agad na pinigilan ko siya nang pipindutin na niya ang doorbell kaya napatigil siya at kunot ang noong napatitig sa akin. Bumuntonghininga siya at kitang kita ko ang frustration sa mga mata niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi nga alam ng mga kuya mo na magkakilala tayo. Kaya ‘wag mong intindihin ang tungkol sa mga nakita ko, Miss. Wala akong balak na ipagkalat ang tungkol doon,” tuloy-tuloy na sambit niya at agad na pinindot na ang doorbell kaya napamura ako at mabilis na umatras bago pa ako maabutan ni Kuya Yke dito! Tuloy-tuloy na tumakbo ako palapit sa unit ko at agad na nagtago sa loob. Inis na inis ako dahil hindi niya man lang ako hinayaan na sabihin ang gusto ko! Gusto ko lang naman sanang magtanong kung saan ang event na pupuntahan ni Justin bukas! Hindi ako mapakali kaya talagang sinadya kong hintayin si Mark na makalabas sa unit ni Kuya Yke. Kahit pa abutin sila ng magdamag sa pag-inom ay maghihintay ako para lang malaman ko kung saan ang event ni Justin bukas! Alas onse na ng gabi at muntik na akong makatulog sa paghihintay na lumabas siya sa unit ni Kuya Yke! Ilang sandali lang ay nakita kong lumabas na siya. Alam kong doon na matutulog sina Kuya Yexel at Kuya Yosef sa unit ni Kuya Yke kaya si Mark lang ang mag-isang lumabas. “Bro, you can just sleep here–” “Hindi na, Boss. Ayos lang. Malapit lang naman ang corporate house dito.” Halatang lasing na si Kuya Yke kaya hindi na siya nangulit. Si Mark naman ay halatang lasing na rin dahil nakita kong napasapo siya sa noo at hindi na diretso ang lakad! “Oh, my God! Uuwi ba siya na lasing?” hindi makapaniwala na bulong ko habang pinapanood si Mark na naglalakad palapit sa elevator. Nakayuko siya at sa tingin ko ay masyadong nakababa ang suot niyang cap kaya natatakpan na ang mga mata niya! Paano siyang uuwi na ganyan? Nakikita pa ba niya ang dinadaanan niya? Kagat ang ibabang labi na lumabas ako sa unit ko at mabilis na hinabol siya. “Hey!” tawag ko at saka kinalabit ang likuran niya. Tumigil siya sa paglalakad at saka nilingon ako. Muntik pa siyang matumba dahil sa biglaang paglingon. Mabuti na lang at naalalayan ko siya kaya napasandal siya sa akin! “Pasensya na–” Hindi na niya natapos ang pagsasalita nang tuluyang napasapo sa noo at napayakap sa akin! Sa sobrang tangkad niya ay halos hindi ako umabot sa mga balikat niya! Hirap na hirap tuloy ako sa pag-alalay sa kanya dahil parang sa akin na talaga siya dumedepende! “Are you okay?” tanong ko pero hindi siya sumagot kaya gumalaw ako para silipin ang mukha niya. Nakapikit na siya habang nakapatong ang mukha sa balikat ko kaya awang ang bibig at hindi makapaniwala na tinitigan ko ang mukha niya. What the hell? Did he just fall asleep in my arms?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD