Calling

2045 Words

Pagkatapos ng unang beses na pag-uusap namin ni Justin ay mas naging persistent ako na makalapit sa kanya at makilala siya. Pero kung kailan nagkaroon na ako ng konting pag-asa na mapansin niya ay saka naman nagkaroon ng aberya sa mga kuya ko! Hindi ko alam kung paano nilang nalaman ang paghahabol ko kay Justin pero tumutol si Kuya Yosef na pumunta ako sa groundbreaking ceremony na matagal na matagal ko nang pinaghahandaan na makapunta dahil pupunta rin si Justin doon! “Kuya Yosef–” “No, Yura. You are not attending that ceremony because of a man,” mariing tanggi niya nang sabihin ko sa kanya na gusto kong umattend sa groundbreaking ceremony. Mukhang wala na talaga akong pag-asa na makapunta doon dahil pinaghihinalaan na talaga nila na si Justin ang dahilan kung bakit ako pupunta doon!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD