CHAPTER 5: CALM

1644 Words
SVEN'S POV   Mahigit limang taon na ang lumipas mula ng manirahan kami dito sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang mahanap ang sinasabing babae ni Melina upang iligtas ang buong Astravria. Napatingala ako sa kalangitan. Ang ganda na naman ng araw ngayon at hindi naalis ang ganda ng sikat ng araw. Hindi gano'n kainit o kalamig tamang-tama lang ang klima. Tumingin ako sa ibaba at mula rito ay tanaw ko ang mga estudyanteng naglalakad papasok ng paaralan. Naramdaman kong mula sa likuran ko ay merong tao at batid ko naman kung sino-sino ang mga ito.   Umupo ako saka sila isa-isang nagsipag-upo rin sa tabi ko. Napabuntong hininga ako at saka malayang pinapanood ang estudyante. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bawat araw at b'wan na nananatili kami sa mundong 'to ay ang kapalit na unti-unting nasasakop ni Maximo ang mundo ko. Ang buong kaharian ko. Gusto ko rin sisihin ang sarili ko dahil kahit ako ay walang magawa para lang iligtas ito.   “Kailan kaya natin sya makikita?” tanong ni Xi.   “Naloloka ang beauty ko mahanap lang ang babaeng 'yan, ah,” Jinx said.   “Kung hindi pa natin sya makikita ngayon, kailan pa? Kung sa'n huli na ang lahat?” Vien said.   “Mahaba ang pasensya ko pero umiikli dahil dito,” Vin said.   “Bakit ba kanya-kanya kayong comment?” Naiinis na sabi ko.   Napatingin ako sa baba at nahagip ng aking mga mata ang pigura ni Thelia. Ang babaeng iyon. May kasama sya ngayon at iyon ang babaeng kasama nya kahapon. Nakikita ko ang kakaibang aura ng babaeng kasama nya. Hindi ko maintindihan kung talagang taga rito sya o baka nahihibang lang ako.   “Bakit parang familiar sa 'kin ang babaeng kasama ng babaeng 'yan?” Maarteng tanong ni Jinx habang tinatanaw ang dalawa.   “Totoo, familiar nga sya.” Sang-ayon na sabi ni Xi habang hawak ang baba nya.   “Sa'n ko nga ba sya nakita?” Mukhang magkaibigan na ang dalawang iyon ah. “Tama!!! Sa Genonso! Iyong Genonso sa ibaba ng Avria.”   “Ahh... Oo kasi every may laban pinapadala nila ang magagaling na estudyante sa Avria!” sabi ni Xi.   “Ibig sahin taga Astravria ang babae na 'yan?” tanong ko.   “Oo, hindi malilimutan ng beauty ko ang mukha ng babaeng tumalo sa 'kin unang round palang,” kwento ni Jinx.   Tumayo ako at tumalon pababa. Agad akong humarang sa harapan nila at saka kunot noong tumingin sa 'kin si Thelia pero itinuon ko ang tingin sa babaeng kasama nya. Nakita ko ang pagkunot ng noo nya na nakatingin sa 'kin at nang makita nya ang nasa likuran ko ay nanlaki ang mga mata nya at napatakip pa sya ng bibig nya. Mukhang kilala nya sila Xi at mukhang tama nga ang hinala nila ukol sa babaeng ito.   “P'wede ba naming mahiram ang kaibigan mo?” tanong ko.   Tumingin muna sya sa babaeng kasama nya saka tumingin ulit sa akin at tumango. Nagpaalam ito at umalis saka naiwan ang isa. Namumukhaan ko nga sya. Lumipat kami ng p'westo upang makapag-usap ng sarilinan.   “Kilala kitang baklita ka,” sabi nito sabay turo kay Jinx.   “Tsk. Malamang kilala mo 'ko. Ako ang pinaka magandang bakla sa buong Astravria.” sabay hawi ng invisible hair nya.   “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko.   Tumingin sya sa 'kin at nakita ko kung paano itong bumuntong hininga. Limang taon na rin nakararaan mula ng iwan ko ang Astravria. Hindi ko na alam kung anong nangayayare do'n ngayon.   “Sobrang gulo na sa Astravria. Hindi na nila alam ang gagawin at nasakop na ni Maximo ang Genonso at Gensono na sumusuporta sa Avria.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.   Napatingin kami sa isa't-isa at hindi ko aakalain na mangyayare 'yon. Ang Gensono at Genonso ay sumusuporta upang maging matatag ang Avria. Kung wala na ang dalawang sumusuporta mas lalong manganganib na ang Avria. Apat ang sumusuporta sa buong Avria. Ang Arcia, Alarria, Genonso at Gesono. Sumisimbulo ang mga iyon bilang apat na elemento at ang Avria ang nagiging katawan nito.   “Mahigit limang taon na kaming narito at hindi na kami ulit nakababalik pa sa Astravria,” Vien said.   “Hinahanap nyo rin ba ang babaeng propesiya?” tanong nya.   “Paano mo nalaman 'yan?” takang tanong ko.   “May nagsabi sa amin na upang iligtas ang Astravria kinakailangan hanapin ang itinakdang propesiya. Ang batang babae noon na itinakas mula sa Astravria ay ang batang hinahanap ko ngayon na marahil ay nasa tamang edad na. Dalawang taon na rin mula ng umalis ako ng Astravria,” paliwanag nito.   Kung gano'n ay narito nga ang babaeng hinahanap namin at nakakatiyak akong nasa paligid lang sya. Umalis ako at saka pumunta sa silid ko at saka nag-isip ng kung anong susunod na gagawin. Dalawa na sa kinatatawan ng Avria ang nasakop ni Maximo at hindi malayong masakop rin nito ang Arcia at Alarria. Pero sa'n ko ba mahahanap ang babaeng itinakda at paano ko sya makikita? Bigla akong napaayos ng upo ng makitang nagdidilim ang kalangitan. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang paparating na itim na ulap. Agad akong nag-teleport sa labas at pumunta sa gym. Ang ganitong enerhiya ay bago lang sa akin at hindi ko pa kailan man nararamdaman.   Ang may kakayahan na tawagin ang itim na ulap ay nagagawa lamang ng air user. Nang makarating sa gym ay nakita ko ang babaeng nakalutang sa ere. Agad ding nagsipagdatingan sila Jinx at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang babaeng ito.   “Thelia!!!” Lalapit sana sya ng bigla syang tumalsik dahil sa lakas ng hangin na bumabalot sa babaeng nag ngangalang Thelia.   Hindi ko pa nakikita ang ganitong kapangyarihan. Dumating din si Zapanta at nanlaki rin ang mata nya sa nakita nya.   “I told you! She's not just human!” Nabahala ang lahat at hindi alam ang gagawin ng bawat isa.   Shit! Kinakailangan kong makalapit sa kanya upang pakalmahin ito. Tumingin ako sa paligid at mula sa taas ay nagkaro'n ako ng chance. Agad kong nilabas ang pakpak ko saka naglabas ng tubig at lumipad paitaas. Pero dahil sa lakas ng hangin ay tumalsik ako at nasira ang bubungan ng gym. Kumilos na rin ang iba upang pahupain ang hangin sa paligid pero hindi agad iyon napahinto dahil sa sobrang lakas. Pero bakit naging ganito sya? Saglit lang ng makita ko sya kanina at alam kong maganda ang mood nya. Hindi ko aakalain ito at nakakasigurado akong may nangyare.   Itinaas ko ang kamay ko at saka naglabas ng espadang apoy. Gano'n din ang ginawa ni Zapanta at saka namin sinugod ang kinaroroonan ni Thelia. Nag-unahan kaming dalawa at nang matagusan namin ang bumabalot na hangin sa kanya at agad na inunahan ko syang lumapit kay Thelia. Niyakap ko sya kasabay no'n ang biglang pagkawala ng hangin sa buong paligid at sa bumabalot sa katawan nya. Wala syang malay at unti-unting bumalik sa dati ang kulay ng buhok nya. Binuhat ko sya at unti-unti kaming bumaba. Lumapit sila sa 'kin at napatingin kami sa isa't-isa at saka tumingin kay Thelia. Sinenyasan ko silang ayusin ang lahat at saka ko dinala si Thelia at sumunod ang babaeng kaibigan nya at si Zapanta.   Nang makarating sa silid ko ay agad ko syang inilapag at agad na lumapit ang babaeng kaibigan nya sa kanya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng babaeng kaibigan nya. Tsk. Tinignan ko si Zapanta na nakatingin kay Thelia. Bigla akong nainis sa tingin nya dito at lumapit ako sa kanya saka sinenyasan na mag-usap kami sa labas. Nang makalabas ay sumandal ako sa pader habang nakalagay sa pocket ang kamay ko.   “Masyadong magulo ang nangyare kanina. Tingin ko hindi sya basta lang,” umpisa ko.   “I told you last time. She has a powers too,” sabi naman nito.   “Oo nga, pero pansin ko lang...”   “What?”   “Bakit parang nakikipagpaligsahan ka sa 'kin kanina?” tanong ko na ikinakunot ng noo nya.   “Do I need to explain that?” Parang naiinis na sabi nya at saka tumalikod at umalis.   Saktong dumating sila Jinx, Xi, Vien, at Vin, “Naloka brain cells ko sa babaeng iyon ah!” sabi ni Jinx habang nakahawak sa ulo.   “Guys!” Pare-parehong napatingin kami sa pinto ng k'warto.   Binuksan ko iyon at saka pumasok sa loob. Gising na sya at nakahawak sa ulo sya. Tinignan nya ang buong paligid at nanlaki ang mata ng makita kami. Umayos ng upo ito at saka kunot noong tumingin sa kaibigan nya.   “B-bakit nandito ako? Anong nangyare?” takang tanong nya.   “Hindi rin namin alam sa 'yo, aba? Sino bang nag-ubos ng pasensya mo?” tanong nito.   “B'wisit!” Inis na sabi nito habang nakahawak sa ulo.   “Bakit?”   “M-may nasaktan ba ako? M-may nadamay? Ma---"   “Wala. Kalma. Kontrolado mo parin ang sarili mo kanina pero ano ba ang nangyare?”  muling tanong nito.   Pero walang sinabi ito at nanatiling tahimik. Tumingin sya sa 'kin at nakikita ko ang kakaibang nangungusap na mga mata nito. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi no'n pero ramdam kong hindi sya taga rito sa mundong ito. Base sa itsura nya ay galing sya sa mundo kung sa'n din kami nanggaling. Nang mahimasmasan na sya ng tuluyan ay umalis na sila at umuwi. Nagpasalamat ito sa nangyare at hinayaan nalang namin syang umalis. Ang presensya nya ay gusto ko at ang ngiti nya ay nakakaakit. Hindi ko alam pero gusto ko ang lahat mula sa kanya. Pero malaking palaisipan ang buong pagkatao nya. Gano'n pa ma'n. Umalis kami upang hanapin ang hinahanap namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang mapangalagaan ang kahiran ko. Unti-unti na 'tong nawawala sa 'kin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD