CHAPTER 4: TIARA

1674 Words
THELIA'S POV   Kinabukasan maaga akong nagising dahil 7:30 ang unang class ko. Buti na lang at maganda ang naging tulog ko dahil maaga rin naman akong nakauwi kagabi. Naghanda ako ng kakainin ko at saka hinanda ang mga gamit ko. Matapos 'yon ay lumabas na ako para maglakad. Nagunat-unat muna ako bago umalis ng tuluyan. Saka nakangiting sinalubong ang mga tao. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon dahil sa ganda ng panahon at nakakapagbigay sa akin iyon ng lakas. Ewan ko ba pero kapag ako nasisilayan ng liwanag ay mas lalo akong sumisigla. Nang makarating sa school ay napatingin ako sa babaeng nasa harapan ng gate at tila may sinisilip sa loob ng paaralan.   Mukhang hindi sya taga rito at bago lang din sya sa paningin ko.   Lumapit ako sa kanya at saka kinalabit sya, “Excuse me?” Tumingin sya sa 'kin at napasapo sya sa dibdib nya dahil sa gulat.   “Gawd! Ginulat mo naman ako,” sabi nito.   “Sino bang sinisilip mo d'yan?” takang tanong ko.   “Kasi may hinahap ako,” sagot nito sa 'kin at tinignan ko ang loob.   “Sino?” tanong ko ulit.   “Ang propesiya,” sagot nya naman.   Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Ay sapak ata 'to sa utak, e. “Propesiya?”   “Oo.”   “Ha?” Tumingin sya sa 'kin at nangunot ang noo.   “Teka bakit ba tinatanong mo? T'saka sino ka ba?” takang tanong nito sa 'kin.   “Ahh, ako si Thelia Roswell. Ikaw ba?” pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko.   “Tiara Ford,” sagot naman nya at nakipag kamay sa 'kin.   “Sino bang propesiya ang hinahanap mo?” takang tanong ko.   “Basta. Pero teka lang, pumapasok ka ba sa paaralan na 'to?” Tumango ako bilang sagot, “Maari mo ba akong tulungan na pumasok?”   “You mean mag-aaral?” Kunot noong tanong ko.   “Oo.” Tangong sabi nya.   “Sige, tara.” Hinawakan ko ang kamay nya saka kami pumasok sa loob.   Pumunta kami sa registrar at saka ko siya tinulungan na mag-enroll. Sa ngayon ay hindi pa naman kalagitnaan ng klase kaya naman p'wede pa syang makahabol ng lessons. Iniwan ko na sya dahil may klase pa ako at sinabihan kong hintayin nalang ako after ng unang klase ko. Nang pumasok na ako sa room ay naro'n si Tamara na masama ang tingin sa akin at binungaran ako ng taas na kilay. Sakto din na dumating na ang proof namin at sa klase na 'to ay para kaming nagpapaligsahan ng talino. Hindi ko alam kung trip nya ako o sadyang malaki ang galit nya sa 'kin dahil sa nangyare no'ng nakaraan.   Kung mataray sya ay mataray ako. Hindi ako papatalo dahil hindi naman ako pinalaki nila nanay at tatay na hindi palaban. Iyon nga lang ay kinakailangan kong kontrolin ang emosyon ko at ang sarili ko dahil baka hindi ko matantya ay mailabas ko ang tinatagong kapangyarihan ko. Sa linggo ay aalis ako para hanapin ang gubat kung sa'n ako nakuha nila nanay at kung sa'n daw binilin sa kanila na alagaan ako. Kapag dumating ang panahon ay hanapin ko ang sinasabi nilang mundo ng Astravria. Marami pa akong hindi alam tungkol sa pagkatao ko at kung bakit ako napadpad sa mundong ito.   Natapos ang unang klase at agad akong lumabas pero bigla naman akong binangga ni Tamara kaya naman nalaglag ang libro ko. Napakagat labi nalang ako at napapikit ng mariin. Pinulot ko nalang ito kesa ang makipagbangayan sa kanya. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko at nang makita ko si Tiara ay agad akong ngumiti sa kanya at ipinakitang walang nangyare.   “Uso din pala ang bully sa mundo na 'to?” Tila iritadong tanong nya.   “Sus h'wag mo masyadong intindihin 'yon. Kulang sa aruga kaya gano'n.” Nakangiting sabi ko.   “Tsk. Ang bait mo naman masyado. Sana kunin ka ni Lord.” Hinampas ko ang braso nya.   “Masyado ka sa 'kin! Bago palang kitang nakilala hinuhusgahan mo na agad ako.” Natatawang sabi ko.   “Tsk. Ganito talaga ako. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin. Wala akong matutuluyan isa pa wala akong kaanak dito. Baka p'wede mo 'kong tulungan?” pakiusap nya.   “Ayy talaga? Sa 'kin kana tumira kung gano'n. Isa pa wala rin naman akong kaibigan o kasama sa bahay dahil wala na akong mga magulang. P'wede kang mag-part time do'n sa caffee sa labas if you want.”   “Oo nga, speaking off. Wala din akong pera gutom na ako.” Nakangusong sabi nya habang hawak ang t'yan nya.   “Waw?” Taas kilay kong react.   “Friends naman tayo 'di ba?”   “Teka sino ka ba? Hindi kita kilala.”   “Sus! Hindi mo 'ko matitiis alam ko. Ang bilis mo nga akong tinulungan kanina, e. Sige na.” Napabuntong hininga nalang ako.   “Ano pa nga ba? Sige tara!” Hiniila ko sya sa may cafeteria saka kami nag-order ng pagkain.   Umupo kami sa bakanteng mesa at ng inilapag ko ang pagkain ko ay dumaan si Tamara saka hinawi ang pagkain ko. Kaya naman natapon ito at nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako kay Tamara at nakangisi lang ito sa 'kin. Akmang aalis na sana sya ng patirin ko sya at saktong nadapa sya ay nangudngud sa mukha nya ang sariling pagkain nya.   “Hindi ako na-inform na panghilamos na ang pagkain ngayon?” Nakangiwing sabi ko.   “Parang need ko bawiin ang sinabi kong sana kunin ka ni Lord. Sinapian ka ba ni lucifer?”   “I told you.” Tumayo si Tamara na umuusok ang ilong at akmang susugurin ako ng gamitan ko sya ng magic at hindi nakagalaw. “Oh? Anyare sa 'yo?” Nang-aasar na tanong ko.   “What's happening here?” I refuse my powers to her saka saktong nasampal ako ni Tamara.   Nakita ko ang reaction ni Sven ng makapasok ito at napatingin ako kay Tiara. Nakita kong tila nag-eenjoy sya sa nakikita nya.   “Tamara!” ang boses ay galing kay Vien.   “What? Hindi ko sadya!” paliwanag nito.   “Nako, Thelia anong nangyare sa 'yo.” Kunwaring akting ni Tiara saka lumapit sa 'kin.   “What the f**k are you doing?” Bulong na tanong ko.   “I'm just helping you,” sagot naman nya.   “Hindi talaga sadya 'yon!”   “I know! Pero kasi may gusto akong makitang eksena. Hihihihihi.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.   Lumapit ang isang lalake sa 'kin. “Are you ok?” tanong nito.   “Ayos lang,” wala sa sariling sabi ko.   Nakita ko ang kakaibang pahiwatig ni Tiara at sinamaan ko sya ng tingin. Nag-ampon ata ako ng tatraidor sa akin at gagawin akong tools para sa isang dream nya. Hindi ko alam kung ano 'yon. Tumayo ako saka umayos at masamang tumingin kay Tamara. Sinenyasan ko si Tiara na umalis na at agad naman nitong kinuha ang pagkain nya saka sumama sa 'kin na umalis.   Naririnig ko ang sagutan sa loob gano'n pa man ay nakangiti akong naglakad. Nakakapagos kang patulan. Tamara.   “Oh gosh!!! Eto talaga gusto ko sa mundo na 'to. Iyong may eksenang aapihin si girl ng kontrabida tapos darating si guy to save her.” Kinikilig na sabi nito habang kinakain ang fries.   Kumuha ako at saka sinalpak sa bunganga ko. Nakakainis ang araw na 'to at nakita ko na naman ang mukha ng lalaking 'yon. Masyadong malalim ang kulay asul nitong mata at nalulunod ako sa mga titig nya. Pero napahinto ako ng may mapagtanto sa sinabi ni Tiara. What is she talking about? Tumingin ako sa kanya at saka ito napahinto at nagulat sa ginawa ko.   “Anong sinabi mo kanina?” tanong ko.   “Alin? Iyon bang gusto ko sa mundong 'to?”   “Oo?”   “Later ko kukuwento. Alam ko kasi maraming chismosa sa paligid,"”sabi nito sabay tulak.   “Wait mo 'ko until 5 I have 2 class pa.” Ngumiti ito sa akin saka umupo sa isang tabi.   Iniwan ko na muna sya saka pumasok sa susunod na klase. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyayare o baka sumasang-ayon sa akin ang tadhana? May mga kauri na akong naririto at sana galing sila sa pinaggalingan ko. Pero paanong narito sila sa mundong ito? Hindi ko muna iyon inintindi saka nag-focus sa klase. Medyo naboring ako dahil sa Marketing at Accounting namin. Nang matapos ang klase agad akong tumakbo upang puntahan si Tiara at naro'n sya mat'yagang naghintay sa 'kin. Buti nalang at mat'yaga syang naghintay kasi akala ko mababagot sya. Ilang oras ang inilaan nya para lang mahintay ako.   Sana gano'n din kahaba ang pasensya ko. Umuwi na kami pareho at pagdating sa bahay at naghanda ako ng makakain naming dalawa. Ang gara ng suot nya. Naka-dress sya na blue at ang ganda ng kulay ng mga mata nya. Brown na brown kahit ang kulay ng buhok. Napagingin ako sa salamin at nakita ko ang mala-ash na kulay ng buhok ko at abo ng mga mata ko. Buti walang bawal sa school na 'yon, except sa bulliying. Nakakaloka ang esopagus ni Tamara hindi tinatantanan ang kagandahan ko. Pero ano ba kasing ikinagagalit nya sa 'kin?   Nang matapos kong maluto ang adobo ay napangiti sya ng maamoy ito. Nakita ko kung gaano ka-bright ang ngiti na 'yon at para na syang model ng toothpaste.   Sana all maganda ang ngipin at maputi. Kumuha ito ng kutsara saka nya tinikman ang luto ko at nakita ko ang pagkinang ng mga mata nito. First time kong magluto ng adobo since bumibili lang naman ako ng pagkain sa labas dahil tamad kong magluto. Pero ngayon na may kasama na ako ay hindi na ako tatamarin pa. Pinuri ni Tiara ang luto ko at halos papakin na nga ito dahil daw sa sarap. Saktong tamis at alat lang ito at malinamnam ang karne ng manok kasi nanuot ang lasa nito sa loob. Hindi ko aakalain na may future pala akong maging chief! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD