CHAPTER 6: RULES

1663 Words
THELIA'S POV   Habang nasa cafe ay napatulala ako't naiisip ang nangyare kahapon. Hindi ko masabi ang totoong dahilan kung bakit nangyare 'yon at hindi ko alam kung paanong i-explain. Gano'n pa man ay nalaman kong taga Astravria pala si Tiara at narito sya upang hanapin daw ang propesiya. Nanganganib ngayon ang Astravria dahil sa masamang si Maximo. Sinabi kong tutulungan ko syang mahanap ang hinahanap nila basta tulungan nya rin akong makabalik sa Astravria upang hanapin ang mga magulang ko.   “THELIA!!!”   “PAKSYET?” Gulat na react ko.   “Anyare? Bakit parang lutang ka?” takang tanong ni ate Rea.   “Hinahangin utak ko ngayon ate.” Nakangusong sabi ko.   “Oo nga.” Pumunta sya sa counter.   “P'wede bang mag-half day?” tanong ko.   “Tsk, ge go lang,” sagot naman nya.   Sya rin naman may ari nitong cafe, hindi nga lang halata dahil pati sya ay nagta-trabaho. Kokonti lang naman din ang mga tauhan dito. Mga nasa sampu lang naman kami dito at ang tatlo ay part timer lang katulad ko. Maaga akong nag-out kasi tinatamad ako ngayong araw. Nang makalabas ako ay naro'n si Tiara at nakangiting bumungad sa akin kaya naman lumapit ako sa kanya.   “Kanina pa kita hinihintay. Maaga natapos ang klase ko.”   “Mamaya pa sana ang out ko pero nag-off ako.”   “Bakit?”   “Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Naiisip ko kasi ang nangyare kahapon.”   “Sige, tulungan mo nalang akong hanapin ang hinahanap ko.” Tumango ako sa kanya saka kami umalis.   Ang babaeng tinitukoy nya ay ang babaeng magliligtas sa buong Astravria. Sa ngayon kinakailangan nila itong hanapin para maibalik na muli sa dati ang mundo nila. Napahinto kami sa paglalakad ng bilang gumalaw ang lupa at tumambad sa harapan namin ang nakakatakot na nilalang. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong halimaw at never in my life na makita ito. Malaking parang uod sya na halimaw. Napatingin kami ni Tiara sa isa't-isa at agad na napailag ng bigla itong magbuga ng nakakasulasok na amoy at mula sa kinalalagyan namin kanina ay nakita ko kung gaano ito kadelekado.   Naglabas ako ng espadang apoy saka naglabas ng pakpak at lumipad sa gawi nya. Pero hindi pa ako nakakasugod ng bila nitong ihampas ang malaking buntot nya na naging dahilan upang tumalsik ako sa may sasakyan. Agad na pinuntahan ako ni Tiara at agad na tinulungan upang tumayo.   “Hindi na 'to maganda. Mukhang nakalusot na sila sa lagusan at kung hindi ako nagkakamali ay baka pati sa mundo na 'to ay maghasik sya ng lagim.” pareho kaming napasinghap ng akmang hahampas sa amin ang buntot nito ng may sumulpot sa harapan namin at naglabas ng apoy.   Napasapo ako sa dibdib ko sa pag-aakalang tatamaan na kami. Inalalayan ulit ako ni Tiara na tumayo at saka ko tinignan ang halimaw. Naro'n na rin pala sila Vin, Vien, Jinx at Xi.   “Kinakailangan nating makita ang kahinaan ng nilalang na 'yan. Naloloka ang buong laman ko,” sabi ko saka muling nag-sumon ng espada.   Lumipad ako at tinignan ang halimaw na sing laki ng isang building. Ang kilos at galaw nila Jinx ay ang bilis at mas lalo na sila Vien, Vin at Xi. Kakaiba at hindi maipagkakailang malakas sila. Hindi ko alam kung paanong makipaglaban pero susubukan kong gawin. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang hanapin ang pulang marka para matalo ang kalaban namin. Agad na iminulat ko ang mga mata ko at saka nakita ang pulang palatandaan. Pinalitan ko ang espada ko ng pana na gawa sa tubig. Ang palaso nito'y naging yelo at saka ko itinutok sa halimaw.   “Thelia! Anong gagawin mo?” tanong ni Tiara.   “Pupuntiryahin ko ang pulang marka sa gitna ng kanyang dibdib,” sagot ko saka itinuon ang tingin do'n.   Ipinikit ko ang isang mata ko at saka unti-unting binitawan ang palaso ko. Nang mabitawan ko itong sumakto iyon sa gitna ng kanyang dibdib at sa isang iglap ay naging yelo ito at binabalot ang buo nyang katawan. Kasabay no'n ay ang pagsabog nito sa buong paligid at naging nyebe ang bawat piraso. Napangiti ako sa ginawa ko at napatingin naman sa 'kin sila Jinx.   “Naloka ako pero keribels. Ang saya may snow sa Pilipinas,” sabi nito habang nakatingin sa paligid.   Natawa kami sa sinabi nya at saka lumapit sa 'kin sina Sven at Zapanta ng sabay. “Ayos ka lang ba?” sabay na tanong nila na ikinagulat ko.   Tumingin ako kay Tiara at saka inayos ang sarili ko. “Ayos lang. Buo pa at humihinga,” sagot ko naman sa kanila.   Lumapit ako kila Jinx at saka ngumiti. “Kung ano man 'yang tatanungin mo. Sagutin mo muna tanong namin,” sabi ni Xi.   Tumango ako sa kanya, “Ano ba tanong?”   “Paano ka nagkaroon ng kapangyarihan?” tanong ni Vin.   “Ang totoo nyan ay mula sa Astravria ang mga magulang ko,” sagot ko.   “Ibig sabihin kauri ka namin. E, anong ginawa mo dito?” tanong ni Vin.   “Nag-aaral?” wala sa sariling sagot ko.   “Wala kang k'wentang kausap girl,” muling pagtataray ni Jinx sa akin.   “Ang lagusan ay nakaiwang bukas at ang ibang nilalang ay nakakalabas na mula sa Astravria,” singit ni Zapanta.   “We need to go back,” sabi naman ni Sven.   “Sama ako!” prisinta ko.   “Pero kulang pa ang kaalaman mo sa pakikipaglaban. Nakita kong hindi ka marunong at tanging palaso lang ata alam mo,” sabi ni Vien.   “Ayun na nga. Since nakita ko kung paano kayong makipaglaban p'wede nyo ba akong turuan? Alam ko lang kasi ay ang maglabas ng kaangyarihan. Pero never akong naturuan makipaglaban.” Nakangusong sabi ko.   Nakita kong bumuntong hininga si Sven at saka tumingin sa mga kasama nya kung sasang-ayon ba ang mga ito o hindi. Kaya naman pinakitaan ko sila ng paawa epek at saka tinaasan ako ng kilay ni Jinx.   “Sige, para makasama ka sa 'min bumalik sa Astravria,” sagot naman ni Zapanta na syang ikinatuwa ko.   “Narito rin ba kayo para hanapin ang propisiya?”   “Kanino mo nalaman?”   “Sabi ni Telia.”   “Tsk. Pero sobrang tagal na naming naghahanap at hindi parin namin sya nakikita.”   “Tutulungan ko kayo!”   “Bago ka palang.”   “Tch. Kung sino man sya, t'yak akong makikita rin natin sya,” confident na sabi ko.   Napailing nalang sila at saka nila inayos ang gulo mula sa paligid. Kayang tanggalin ni Jinx ang alaala ng mga tao sa pamamagitan ng tubig at kaya naman ni Vin iayos ang lahat ng nasira sa pamamagitan ng mga bato at lupa. Ang astig nilang tignan habang ginagawa ang bagay na 'yon. Nang matapos 'yon ay pumunta kami sa isang lugar kung sa'n may malawak na palayan at tanaw ang dagat. Naro'n ang malaking bahay at sobrang ganda no'n. Nagpakilala muna sila isa-isa bilang sa totoong sila.   Jinx Pion earth and water user. Magaling sya sa paggawa ng isang napakalaking alon at ang makausap ang mga nilalang sa dagat na katulad ng mga isda. Magaling rin sya makipag-usap sa mga hayop katulad ng ibon, aso, pusa, bear, usa at iba pa. Sobrang galing rin nyang magpagalaw ng lupa, ugat ng mga halaman at palaguin ang mga bulaklak.   Vin Lix earth and fire user. Sobrang galing nya sa paggawa ng bolang apoy. Fire dragon at ang kumuha ng apoy mula sa ilalim ng lupa.   Vien Lix magkapatid sila ni Vin. Panganay si Vin at bunso sya. Water at air naman ang kapangyarihan nya. Kaya nyang kontrolin ang hangin at kaya ka nyang tanggalan ng hangin. Inisip ko palang ay natatakot na ako kay Vien. Ang harsh naman nito masyado.   Xi Monse air at water. Kaya naman ni Xi na tangalan ka ng tubig sa katawan hanggang matuyot ka. Bakit kaya ang harsh ng mga taong ito?   Zapanta Zaphilechier Bunsong kapatid ni Sven. Katulad ng una naming pagkikita. Fire at earth user sya.   Sven Zaphilechier fire at water. Pero mas magaling raw sa pakikipaglaban si Sven at Zapanta. Magkapatid talaga.   Si Tiara Ford naman ay water at earth. Pare-pareho lang ang kapangyarihan at pansin kong puro dalawa lang iyong taglay ng kanilang katawan. Gano'n pa man ay nanatili akong tahimik at nakikinig sa kanila.   “Ang magkaroon ng higit sa dalawang kapangyarihan ay kalabisan na. Kaya naman kapag nasa tatlo o apat ang kapangyarihang meron ka ay pinapatay.” Napasinghap ako sa sinabi ni Xi.   May gano'n? E, paano ko sasabihin na higit pa ro'n ang kapangyarihang taglay ko? Papatayin nila ako?   “Ang harsh masyado,” kumento ko.   “Iyon ang patakaran sa Astravria. Si Maximo ay may apat na kapangyarihang taglay kaya mas malakas ito sa amin. Kaya naman narito kami upang hanapin ang propesiya na syang magiging susi ng lahat,” sagot naman ni Vien.   Tumango lang ako bilang sagot. Ang babaeng sinasbi nila ay napaka-special. Kung totoosin ay malakas nga ang sinasabi nilang Maximo at naiimagine ko palang nangigigil na ako. Ang mundo na 'yon ay para sa mga elementalist hindi para sa masamang taong gaya nya. Napakasakim naman ng halimaw na 'yon. Sinabi nilang sa pagbukas ng lagusan ay maaring malayang makalabas pasok ang mga halimaw mula sa Astravria. Kaya naman kinakailangan nilang mahanap kung paano nila isasara ito upang hindi na ulit maulit ang nangyare kanina.   Pinaliwanag nila sa 'kin kung paano nila akong tuturuan at sinabi nilang mag-uumpisa kami sa paghawak ng sandata at ang magtuturo sa akin no'n ay si Sven. Iniisip ko palang ay naiinis na ako. Maiksi lang ang pasensya ko at hindi ako madaling matuto. Sa totoo lang tinuro lang sa 'kin ni tatay kung paano ang self defense since may alam sya sa martial arts. Buti nalang nga at naturuan ako ng kahit papaano ay may alam ako. Sa ngayon, unti-unti ko ng nakikilala ang sarili ko at kung sa'n dapat ako nararapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD