THELIA'S POV
Narito kami ngayon sa malawak na damuhan. Habang hawak ang espada sa aming mga kamay at parehong nakatingin sa isa't-isa. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng masama minsan kay Sven pero, mabait naman sya. Natatakot akong baka hindi ko na naman makontrol ang sarili ko't maulit ang nangyare sa gym. Ang nangyare na 'yon ay hindi ko intensyon. Hangga't maari kinokontrol ko ang sarili ko pero pinuno ako ni Tamara ng mga sandaling 'yon.
--- Flash back ---
Nang iwan ko si Tiara kila Sven ay dumeretso ako sa gym dahil P.E namin ngayon. Binungaran ko sila ng nakangiti pero sa hindi inaasahan ay bigla akong binato ni Tamara ng bola sa mukha kaya naman natumba ako sa sobrang lakas no'n.
“Owww~~~” sabi ng lahat.
“Tamara!” sigaw ng isang classmate ko na tinulungan akong tumayo.
“Sorry? Hindi ko sadya.” Mataray na sabi nito.
Napahawak ako sa ilong ko at nakita ko ang dugo mula rito. Inis akong tumingin kay Tamara na nakangisi sa 'kin. Binitawan ko ang bag ko saka sumugod sa kanya. Hindi ako magpapatalo at hindi ako magpapaapi sa 'yo.
“ANO BANG PROBLEMA MONG PUNYETA KA? PILIT KITANG INIIWASAN PERO PILIT MO 'KONG SINUSUNDAN.” Galit na sigaw ko at ume-eco iyon sa buong gym.
“Iyang mukha mo ang problema! Dahil sa tuwing nakikita ko 'yan ay naiinis ako!” Mataray na sabi nito.
“Mahaba ang pasensya ko, Tamara. Pero pilit mong pinapaikli.” Gigil na gigil kong sabi.
“Bakit? Kaya mo ba akong kalabanin sa harapan nila?” tila nanghahamon nyang sabi.
Kinuwelyuhan ko sya at nagulat sya sa ginawa ko. Kahit ang mga classmate namin ay nagulat. “Kayang-kaya kitang patayin sa isang snap lang, Tamara.” Nginisihan ko sya.
Nakita ko kung gaanong nanginig ang kamay nya. Marahan ko syang tinulak at saka tinalikuran pero bigla nitong hinila ang buhok ko saka ako pinaharap sa kanya at saka ako sinapak. Sa lakas ng sapak nya sa 'kin at pumanting ang panga ko at tila matatanggal ito. Nagkaroon ng sugat ang gilid ng labi ko na syang mas ikinagalit ko. Kaya naman tumayo ako saka kinuwenluhan sya ulit. Nag-iiba ang pakiramdam ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Unti-unting lumalakas ang hangin sa paligid at ramdam ko ang kakaibang lakas no'n at hindi ko 'yon kontrolado. Umiiwas ako pero pilit nya akong nilalapitan. Ang ayaw ko sa lahat ay kung sa'n ko iniiwasan ang isang tao ay iyon naman ang pilit nitong galitin ako.
Naghiyawan ang mga classmates namin at nakita ko kung gaanong nililipad ng hangin ang paligid. Bago ko pa magawa ang hindi inaasahan ay binitawan ko si Tamara at ramdam ko ang sakit sa katawan na pilit kong nilabanan. Sa lakas ng ginawa ko ay nakagawa na akong malaking air ball sa paligid at nilipad na lahat ng gamit. Matapos 'yon ay hindi ko na maalala ang nangyare hanggang sa magising ako sa isang k'warto.
Pero nang mangyare 'yon, ang yakap ng isang tao ay naramdman ko. Ang init no'n at pinakalma no'n ang buong sistema ng katawan ko. Kung hindi ako nagkakamali sa tinig na narinig ko na bumulong sa 'kin, alam ko kung sino 'yon.
--- End Of Flash Back ---
Itinapat ko ang espada ko kay Sven saka ito matalim na tinignan. Sila Vin, Jinx, Vien, Xi, Tiara at Zapanta ay nanatiling nakatingin sa amin at pinapanood ang nangyayare. Binigyan ako ni Sven ng instruction bago namin gawin ang unang training ko. Tinuruan muna ako nito kung paanong isalag ang esada sa kalaban, paanong iwasiwas ang espada sa hangin at kung paanong itatapat sa kalaban ang espada upang masaksak ito.
Hindi rin ako pumasok ngayon araw sa school at dito rin ako tumuloy. Dalawa kami ni Tiara at binigyan kami ng special treatment nila. Ang bawat k'warto ay laman ng iisang tao lamang. Katabing k'warto ko ang k'warto ni Sven at Zapanta. Napapagitnaan nila 'yon at hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi paggising ko kanina ay sabay silang lumabas at sakto 'yon na lumabas rin ako kaya ang akward ng tema kanina.
“May premyo ba ako dito kapag ako ang nanalo? O kaya naman ay maipasa ko ang unang training ko?” tanong ko sa kanya.
Nangilid ang labi nya saka ako sinagot, “Depende sa resulta.”
Nagkibit balikat nalang ako at bigla akong kinabahan ng sumugod sya at bilang nasa harapan ko na kaya naman agad kong nasalag ang espada nya. Sobrang lapit ng ginagawa nya at bigla akong nanghina at natumba ako.
“Ano ba 'yan gurl ang boring ah!” kumento ni Jinx.
“Alam mo, naiinis na ako sa 'yo. Sasapakin kita riyan ng masira ang beauty mo, e.” Inis na sabi ko.
“H'wag mong katakutan ang atake ni Sven, Thelia. Dapat ay hindi ka kabahan.” Cheer naman ni Tiara.
Tumingin ako kay Sven at sa kanila. Tama si Tiara. Tumango ako sa kanya saka ako tumayo at umayos. Hindi naalis ang titig nya sa 'kin kaya kinakabahan ako ng bongga. Muli ay itinapat ko ang espada ko at pinakalma ang sistema ko. Una akong sumugod na sinalagan nya at saka iniwasan. Nag-teleport sya sa likuran ko at saka ko sya sinalagan ng espada at saka ako yumuko upang ilagan ito. Sumugod sya sa 'kin at saka seryosong nilabanan ako. Gano'n rin ang ginawa ko at nakikita ko ang kakaibang ingat nya hindi lang ako madaplisan ng espada.
Banayad ang kilos ni Sven gano'n pa man ay hindi nya magawang saktan ako o sugatan. Ang bawat atake naming dalawa ay pino at hindi nagpapatalo. Tumalon ako at saka inapakan ang espada nya at saka lumipat sa likuran nya at itinapat ng espada sa leeg nya na syang ikinagulat naman nya. Napaatras ito ng bahagya at nakita ko ang kakaibang ngisi nya na tila satisfied sa ginawa ko. Ang sarap pala no'n sa pakiramdam gano'n pa man ay ramdam ko ang bawat sigla ng mga lamang loob ko ng gawin namin iyon pareho.
Napangiti ako at saka unti-unting binaba ang espada pero bigla nitong hinila ang kamay ko dahilan upang mapalapit ako sa kanya at naramdaman ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Parang gusto no'n kumawala sa katawan ko dahil sa sobrang lakas. Ang lapit namin sa isa't-isa at nakikita ko ang kinang ng mga mata nya. Gano'n pa ma'n ay nalulunod parin ako dahil sa asul ito at kita ko kung paano akong titigan.
“A-ano bang---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may humila sa akin mula sa kanya.
“KYAAAA!!!” Impit na tili ni Tiara.
“Wow? Smooth.” Rinig kong sabi ni Xi.
“May ganitong eksena pa?” Gulat na sabi ni Vien.
“What a move.” Natatawang sabi ni Vin.
“Waw gurl ganda mo ah?” bitter na sabi ni Jinx.
Nakita ko kung paanong matalim na tumingin si Zapanta kay Sven at nakikita kong naglalaban ang titig nilang dalawa. Napalunok ako at pilit na binabawi ang kamay ko kay Zapanta pero ang higpit ng hawak nya dito dahilan para mapainda ako. Nalaglag ang espada na hawak ko at hinila ni Sven ang kabilang kamay ko at hindi ko alam kung paanong magre-react. Napakagat ako ng ibabang labi ko at salitang tinignan ang dalawa na hindi nagpapatalo.
“Magiging hari kana ano't nakikisawsaw ka pa?” sarkastikong sabi ni Zapanta sa kapatid nya.
Ano bang pinagsasasabu ng mga 'to. Bakit pati ako ay damay sa away nilang dalawa. Hindi ko gusto ang nangyayare.
“Hindi mo 'ko dapat pangunahan. Isa pa, ang pagkakaalam ko ay ako ang kuya rito.” Nakangising sabi naman ni Sven.
Tumingin ako kila Vin at pilit na hinihingi ang tulong nila pero ang mga kigwa binigyan ako ng thumbs up saka nakangiti sa 'kin na tila inaasar ako. Si Tiara naman ay hindi na maalis ang kilig sa mukha at nakikita ko ang sobrang pamumula ng mukha at hinahampas-hampas si Vien.
“Ang usapan tuturuan lang ako. Bakit may ganitong eksena kayo?” Natatakot kong tanong.
“Let her go,” matigas na sabi ni Sven at hindi nila ako pinansin.
(/ω\) Invisible ba ako sa paningin nila at ganito sila sa akin?
“Ikaw ang bumitaw,” sagot naman ni Zapanta.
“Ako ang mas matanda sa 'yo kaya ako ang masusunod. Let her go.” Tumingin akong muli sa gawi nila Vin at tila hinihintay kung sinong magpapaubaya.
Tangina nyong lahat. Hindi ko magawang agawin ang parehong kamay ko dahil parehong mahigpit ang hawak nila dito. Hindi pa sila nakuntento at unti-unting napipisat ang kamay ko sa sobrang higpit ng hawak nila kaya naman naglabas ako ng kapangyarihan at pareho silang tumalsik sa magkabilang direksyon. Pareho kong kinulong sa water ball at pareho silang matalim parin ang tingin sa isa't-isa at hindi naaalis iyon. Umalis na ako at saka pumasok sa loob at inis na pumasok ng k'warto. Naramdaman kong sumunod si Tiara sa 'kin at gano'n din si Jinx at napanguso ako sa kanilang dalawa.
“Infernes, tatanggapin kita bilang leading lady ng dalawa pero mas maganda parin ako sa 'yo,” sabi ni Jinx habang nakangiti at umupo sa tabi ko.
“Pesteng yawa bakla. Nakita mo ba kung gaano ka-g'wapo ang dalawa?”, hindi pa tapos ang kilig ni Tiara.
“Team Sven!” saad ni Jinx.
“Team Zapanta!” sabi naman ni Tiara.
Mas lalo akong napanguso dahil sa kanilang dalawa. Napahiga ako sa kama at saka inalala ang parehong tinginan nila sa isa't-isa na wari mo ay papatay ng tao anytime. Pero nang marinig ko mula kay Zapanta na magiging hari si Sven no'n palang naiisip ko ano kaya ang itsura nya kung sakali? Pero sa ngayon kailangan kong makaisip ng paraan para maiwasan ang dalawang hindot na 'yon.