TIARA'S POV Matapos mawalan ng malay ni Thelia nakita kong binuhat sya ni Vrino. Wala kaming nagawa ng sandaling umalis sila dahil nakapulupot sa amin ang ugat ng puno. Nang mawala sila'y agad naming inalala si Jinx dahil sa natamo nito ng malalang sugat. Pumunta agad kami sa Avria upang magamot sya do'n. Kailangan makagawa agad ako ng paraan upang mabawi si Thelia sa lalaking ungas na 'yon. Hindi ako papayag na alipinin nya ang kaibigan ko. Nagtipon kaming anim upang pag-usapan ang nangyare. Sa ngayon ay hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan isama ni Vrino si Thelia. Bago lang dito sa mundo na 'to ang babaeng 'yon at hindi nito alam ang pasikot-sikot sa buong Astravria. Isa pa walang kakayahan si Thelia sa laban at mas lalong wala syang laban kay Vrino. “Bakit naman k